Ngunit kahit naiinis ay nagtimpi pa rin ako. Magkakasunod na lamang akong napahinga. Hanggang sa tumingin ng seryoso kay Wallace. “Mr. Barnes, tutal naman nakakalakad ka na ngayon, puwede na siguro akong mag-day off ng tatlong araw, siguro naman ay papayag ka na, ano?” tanong ko sa lalaki. Kailangan kong maging mahinahon dito para payagan ako nitong umalis. “Day off? No, walang aalis ng bahay ko, Hazel. Hindi mo ba narinig ang sinabi ni Budalyn, ha? Nagusto kang patayin ni Moonzyke ay Jeazel Fernandez?!” naiinis na turan ni Wallace, nakita ko ring kuyom ang mga kamao nito. Napakamot na lang ako sa ulo. Peste! Hindi puwedeng nandito lamang ako palagi, kailangan kong makaalis dito. Sayang ang sampung milyong piso na aking makukuha sa lalaking ito. Hindi na lamang ako nagsalita, tumalikod