Awang ang bibig ko at hindi ka agad makapaniwala. Nakatingin lamang ako kay Wallace, labis akong litong-lito dahil sa sinabi ni Wallace sa akin, ang masama pa'y kilala na ako nito na isang doctor. Teka, paano nito nalaman? Parang bigla yata akong na hilo dahil sa mga kaganapang kagulat-gulat naman talaga. Hanggang sa lalong lumaki ang mga mata ko dahil inalis ni Wallace ang belt nito. Napa-urong tuloy ako ng wala sa oras. “Mr. Barnes, na-nakakalakad ka na?” tanong ko habang panay ang atras papunta sa gilid ng kama. “Mr. Barnes na lang, ha? Na saan na ‘yung my husband? Mukhang kinalimutan mo na yata, Doctora Fang?” tanong ni Wallace sa akin habang mariin ang pagkakabigkas nito. Habang panay ang hakbang nito. Napalunok naman ano. At alanganin din akong ngumiti sa lalaki. Wala tuloy akon