Dahan-dahan na lumingon sa akin si Wallace. Ako naman ay napa-urong din papalayo sa lalaki dahil sa mukha nitong parang papatay ng tao. “Hey! Relax lang muna, Wallace. Aba! Masyado kang high blood…” “Ngayon ay nauunawaan ko na, kaya pala ganoon ang mga tanong mo sa akin kanina, dahil iniisip mong bakla ako, Hazel?!” Hanggang sa mapansin kong humakbang ito at mukhang balak akong lapit. “Ano ka ba, joke lang iyon, Wallace...” Ngunit madilim pa rin ang mukha ng lalaki habang panay ang lapit sa akin. “Titiyakin kong hindi na bakla ang tingin mo sa akin, oras na gawin ko na ang gusto ko sa ‘yo, Hazel Fang!” galit na turan ni Wallace. Ako naman ay nagmamadaling tumalikod at nagtatakbo papalayo sa lalaki. “Sige lang Hazel, tumakbo ka lang hanggang may lupa dahil hindi mo ako matatakasa