Napataas ang kilay ko dahil sa mga pinagsasabi ni Wallace. Ano’ng tingin nito sa akin isang babaeng halimaw sa banga? “Wallace, ano bang nangyayari sa ‘yo? Si Hazel lang ang kaharap mo at siya rin ang mag-aalaga sa ‘yo habang wala pang nakukuhang nurse, mag-aalaga sa ‘yo. Iwan ko ba man sa ‘yong bata ka at hindi nagtatagal sa ‘yo ang mga nurse. Wala pang isang oras nagpapaalam na sila,” turan ng ni Tita Welyn sa anak nito. Sabay iling din ng ulo. “Mom, kaya ko naman ang aking sarili, bakit kumuha ka pa ng mag-aalaga sa akin?” naiinis na tanong ni Wallace sa Ina nito. “Naku naman, Wallace! Paulit-ulit na lang tayo! Hazel, ikaw na ang bahala sa aking anak,” anas ni Tita Welyn. Pagkatapos ay nagmamadali na itong umalis. “Mommy!” malakas na sigaw ni Wallace, ngunit hindi na ito pinakin