Cassandra's Pov Pagkatapos kaming bulyawan ng doctor kanina, ay hinatak nalang ako ni steph palabas ng clinic. Nasa harapan na kami ng sasakyan nya pero binigyan lang nya ako ng pera, pang taxi ko daw pauwi. So mag isa lang akong uuwi sa bahay. Mauna na daw ako kase pupunta pa daw sya sa company. Hays. Alam ko naman eh kung bakit. Nag para na ako ng taxi para sumakay. Ewan ko ba kung bakit ako nakakaramdam ng ganitong emosyon. Siguro dahil buntis ako kaya normal lang siguro ang ganitong klaseng pakiramdam. Hays. Nagpalinga linga ako sa paligid. Ayoko namang umuwi sa mansyon wala naman akong gagawin doon. Agad naman na pumasok sa isip ko sa bahay ampunan kung saana ko nag vovolunteer. Tama doon nalang kaysa naman mabagot ako sa mansyon. "Manong, jan nalang po sa tabi salamat". Sabi ko. A