One night stand with a stranger
Bago ko po isulat ng unang kabanata ng istoryang ito ay nais ko po munang sabihin na tungkol ito sa BABAE sa BABAE story. So sa mga hindi open-minded, free to leave hindi ko kayo kailangan.
So sa mga open-minded then go to read.
At ang mga masusulat sa story na ito ay nagkataon lamang.
At take note! Hindi po ako proffesional writer kaya bear with my wrong grammar. Gusto ko lang talagang magsulat ng story.
Make your own story. Isang krimen ang manggaya ng story ng iba. Kaya kayo! Gumawa kayo sarili nyong story hahaha. Ok ito na.
**********
CHAPTER 1
Napakaganda...
Maraming puno ang makikita..
Sa ibaba ay may makikita kang mga tao na namimitas ng kanilang anihan sa bukiran nila at sama samang nagtatrabahon
Malawak.. at napapalibutan ito ng tubig na nanggagaling sa Ilog Agno river ( A/N: yong ibang scene or lugar etc imaginasyon ko lang hahaha :)
Ang napakagandang islang ito na kung saan dito nakatira ang isang babaeng hindi pinapalad sa lovelife at sinasabing malas.
Ang islang ito ay tinawag na...
The Ketaket island.
May isang problema ang dumating kung bakit nagkakagulo ang mga tao sa islang ito.
"Hindi maaari!"
"IPAGLABAN NATIN ANG ATING KARAPATAN?!"
"IPAGLABAN NATIN ANG ATING KARAPATAN BILANG MANGGAGAWA SA MGA TAONG ITO SA ISLA NG KETAKET!"
"OO.IPAGLABAN NATIN. ANONG KARAPATAN NYO?!"
" Kailangan nyo ng umalis dito dahil iba na ang may ari ng pabrika na ito. Kaya umalis na kayo rito.." Sigaw ng mga tauhan sa mga tao na nandoon.
"Hindi maaari ito.. Nasaan ba ang boss nyo!?"
Yan ang sinisigaw ng mga manggagawa sa Ketaket Island dito sa pangasinan. Pinaglalaban kase ng mga taong ito ang pinang hahanap buhay nila.
Ang paggawa ng shampoo.
Yes.
Pabrika ng shampoo na ang may ari ay isang tanyag din na businessman.
Ang problema nga lang ay iba na ang may ari nito dahil malaki ang utang nya sa taong nagpapaalis dito sa mga taong narito na nag wewelga sa harap mismo ng pabrika.
May nakapalibot pa sa noo nila na tela na may nakasulat na 'hindi kami aalis' at may mga banner pa silang hawak para mag welga-protest.
Isang tauhan ang tumawag sa boss nila.
"Ma'am, ayaw po nila talagang umalis. Ano pong gagawin namin sa kanila?"
"Gawin nyo ang lahat para mapaalis sila dyan dahil ipapasara ko na iyan."
"Yes, ma'am". Senenyasan nya nag ibang kasama nyang tauhan kung ano ang gagawin.
"Kung ayaw nyo talagang umalis dito ay talagang mapipilitan kaming pwersahin kayo..,Umalis na kayo dito!"
"Hindi kami aalis! Hindi kami aalis!" Sigaw parin nila.
At biglang nagpaputok sa ere ang isang tauhan kaya tumahimik ang mga tao.
"Kapag ayaw nyo pang umalis dito..." habang pinupunasan ang b***l nya na hawak " ..ay talagang gagamit kami ng dahas." Aniya.
"Hindi naman pwede yan!"
"Hala! Paano na tayo nyan hubby, gumawa ka ng paraan!" Sigaw ng isang buntis sa asawa nya na mahaba ang baba.
"Oo, Dang gagawa kami ng paraan nila uncle. Lintik kase yang Mondares na yan". Ngitngit nya sa inis.
******
Samantala naman nagmamadaling tumakbo si Cassandra para lang makarating sa elevator.
"Padaan po! Padaan po! Baka matapunan kayo ng kape.Excuse me, excuse me" nakikisiksik sya doon sa loob na parang sardinas. Kailangan nya kaseng maibigay agad yong mga pinabili nila kundi lagot na naman sya sa mga ka workmate nyang abusado.
Pagkarating nya sa opisina agad naman na binigay nya yong mga pinabili nila.
"Bakit ang tagal mo? Kanina pa ko nauuhaw" tila inis na sabi ng lalaki. Eh? Kung sya kaya ang bumili daming satsat.
" ahh sorry" hingi nya ng paumanhin.
"Oh ito, paki print nga to' wag mong kalimutan. May gagawin pa ako" utos nito sa kanya na tila ginagawang utusan lang sa loob ng opisina eh? Pareho pareho lang naman silang empleyado sa company na yon.
"Ok" Tila humugot sya ng malalim na hininga para gawin yong mga inuutos nila sa kanya.
Kung tutuusin hindi naman nya yon trabaho yong utusan nila kase trabaho nila iyon. Dahil sa abusado sila sa kabaitan nitong si Cassandra, ayan? Inabuso nila. Tsk wat a tamad? -______-
Isa akong writer/sticky note girl.
By the way, ako nga pala si Cassadra Agustin. Cassy for short. 26 years old and nagwowork sa -Saavedra-Publishing Company na ang may ari ay si Mrs. Aphrodite Seline Saavedra-Sarvantes. Isa lang naman akong hamak na empleyado dito at ginagawang utusan ng mga taong ito.
" oh ayan ha? Para di mo makalimutan!" Mayron syang dinikit sa noo ko ibig sabihin yong ipapagawa na naman nila. Ang dami nilang dinikit na papel sa mukha ko.
" ayusin mo ang trabaho mo para di kami napapagalitan!" Lintik to. Oo ganito ang rutin ko araw - araw ginagawang utusan. Mabait kase ako.
Isa pala akong simpleng babae, may salamin o kaya'y nerd. Nakaipit lagi ang buhok. Hindi ko alam kung bakit ako ganito kase nong pinanganak ako ni mama..
Flashback....
Nasa tabing ilog at nagbabanlaw ng damit at biglang may binalot ang mama nya at tumayo ito para umuwi ng bahay.
"Saan ka pupunta Susan at ano naman yan?" Tanong ng mga kasama nyang nagbabanlaw sa tabi ng ilog.
"Ahh.. wala to hehehe wag nyo o pansinin ituloy nyo lang yan. Kase may biglang lumabas lang sa ano ko kaya uuwi lang ako sa bahay.
End of flashback....
Tatlo kaming magkakapatid at bunso ako. Dalawang ate. Dati nong maliit pa ako, hindi ako binibilhan ni mama ng bagong damit at kung ano pa. Pero ang dalawang ate ko ang binibilhan nya.
Samantalang ako lahat ng luma ng mga ate ko ako ang nagsusuot. Sabi kase nila malas ako at walang kwenta. Kaya madalas ay malungkot ako. Pero nong buhay pa ang papa ko tinuturing nya akong parang prinsesa na balang araw mahahanap ko din yong tao na pahahalagahan ako at mamahalin tulad ng papa ko.
Subalit wala na si papa, patay na sya. Kaya si mama nalang ang kasama namin. Ang ate ko na pangalawa ay may asawa at anak na. Pero yong isang ate ko wala pa.
Tinatawag nila akong Sticky note dahil gagamitin lang at itatapon pagkatapos pakinabangan. Natatakot kase ako sa mga taong nagagalit pag hindi mo naayos yong pinapagawa nila sayo. Being a sticky note, wala talaga akong personality hahaha. Djk.
Ganito lang ang buhay ko parang walang kabuluhan. Hays. Pero mahal naman ako ni mama at ng mga kapatid ko. Ayaw lang nila akong masaktan kaya ganun sila sa akin.
Nakauwi na ang mga kaworkmate ko pero nandito parin ako sa office. Ginagawa parin ang trabaho ko.
May isang ka work mate ko na lumapit sakin at may dinikit sa gilid ng noo ko at agad na binasa ko yon at gusto nya na magdate kami sa Pinakasikat na barko sa pilipinas.
Kumnindat pa ito bago umalis at ako naman ay napangiti dahil sa ginawa nya. Kaya nagligpit na ako ng gamit ko at umuwi.
********