Hindi pa nag uumpisa ang operation ng bigla nalang bumukas ng malakas ang pinto dito sa room at nakita ko si Steph na nakatayo. At lumapit ito sa kinarotoonan ko at pinagtatanggal ang mga nakakabit sa akin. "Ano bang ginagawa mo! Ayokong sirain ang relasyon nyo ng gf mo kaya hayaan mo na ko!" maktol ko sa kanya. Pero hindi parin ito tumigil sa ginagawa pinatayo nya ako at kinausap ang doctor. "Doc, Sorry for the inconvience. I dont habe to pursue the operation. I want the baby alive. I'm sorry doc." nakita ko na ngumiti ang doctor after sabihin iyon ni steph. At lumabas na kami ng room at pinagpalit nya ko ng damit. Pagkalabas namin inis na hinarap ko sya. "Bakit mo ginawa iyon? Sinabi ko na sayo na ako na ang bahala. At ayokong makasira ng relasyon nyo ni Bianca." Tumingin ito sa akin