Ash POV
Nang makarating kami ng girlfriend ko sa field ng school namin huminto ako para tumanaw sa kalangitan ng makita ko siya bumalik ang dating ako.
Akala ko ng mag-girlfriend ako magbabago ang damdamin ko mawawala na siya sa puso pero nang muli ko siyang makita bumalik ang dating ako sobra ko pala siya namiss hinahanap ko sa iba ang nararamdaman ko sa kanya.
Bakit ngayon ka pa kung kailan handa na akong kalimutan ka makikipag-hiwalay na ako sa'yo ngayong bumalik ka hindi ko na pinigilan ang sarili kong umiyak sa harap ng girlfriend ko.
"Hon, bakit, may problema ka ba?" tanong niya nang tabihan niya ako.
"Kung may problema man ako wala dahil tungkol ito sa pamilya ko," aniko na lang hindi ko tinukoy kung ano 'yon.
"Hon," tawag niya sa akin nilingon ko siya nakita ko ang pag-aalala niya sa akin.
"Umalis na tayo," aya ko na lang lumingon pa ako sa stage kung saan ko muli nakita ang asawa ko.
Tumango na lang siya sa akin na nagtataka sa bawat galaw at kilos ko mula nang makita ko ang asawa ko.
Wala siyang alam sa totoong nangyari sa akin noon bago kami mag-kakilala.
Sino ang ama ng anak mo? Maliban ako lang ang nakagalaw sa'yo, meron pa ba?! Sino ang tinutukoy ng batang babae na ama niya dito imposibleng ako naalala ko ang sinabi ng batang babae.
Sa kabilang dako, pagkatapos ng fashion show umalis na ang mga taong nanood maliban sa pamilya namin matagal nang hindi nakikita ang huling lumabas sa fashion show.
Babalik na kami sa kanila nang huminto at narinig ko ang sinabi ng asawa ko sa pamilya namin.
"Anak, I miss you so much." wika ni mommy sa asawa ko habang bumaba ito sa stage at papunta sa backstage.
"Mommy, who is she?" tanong ng batang babae at kumapit sa kamay ng asawa ko natakot sa mga taong lumalapit sa kanila.
"Siya na ba ang pinagbubuntis mo noon?" tanong ni mommy sa asawa ko tinignan niya ang apo na nagtago sa likod.
"Magaling ka na ba talaga? Princess ko?" sabat ni daddy nang yayakapin na niya ang asawa ko umiwas ito sa daddy niya.
Pinagbubuntis? Sana tama ang hinala ko na siya ang anak ko sa kanya kaya ba nagpunta siya noon sa hospital pero, bakit? Bakit hindi na siya bumalik?
"I'm fine and yes, mom siya ang pinagbubuntis ko noon sa sinapupunan o tiyan ko nang umalis ako ng Pilipinas." amin ng asawa ko nang maglalakad na sila palayo ng anak niya.
"Tara, ihahatid nakita sa condo mo." aya ko sa girlfriend ko tumingin pa ulit ako sa pamilya ko.
Nagmamaneho ako ng sasakyan ko nang magsalita ang girlfriend ko.
"Hon, are you okay?" tanong niya sa akin nang hawakan ang kamay ko.
"Yes, medyo napagod lang ako." aniko iniisip ko pa rin ang asawa ko at ang batang kasama nito.
"Siya pala ang dating child star na si Elle Villa anak nina Alexie at Emman Villa matagal rin siya nawala sa showbiz balita noon kaya daw nawala sa limelight nabuntis daw ng fiance nun," aniya sa akin hindi ako nagsasalita.
"Yeah! She's Jinchi's Best Friend, and she's my wife." aniko may huli akong sinabi na hindi ko pinarinig sa kanya habang nagmamaneho ako.
"Ah! Naging kaibigan mo rin ba 'yon? Hon, mabait ba siyang tao?" tanong naman niya sa akin.
"Yes, ang sarap sa balat ang hangin." aniko na lang at tumingala ako sa kalangitan bago binalik ang tingin sa kalsada.
"Matagal siya nawala sa limelight, alam mo ba ang dahilan maliban sa nabuntis siya? Pinakasalan kaya siya ng fiance niya," tanong naman niya sa akin at dumantay sa balikat ko.
"Wala akong alam kung bakit, bakit niya ako iniwan noon pero nang banggitin ng anak niya nagkasakit siya habang nagbuntis siya dito sasamahan ko pa siya doon ako nag-isip takot siyang iwanan ang ama ng anak niya nang dahil sa sakit niya kung ako ang ama ng anak niya at ako ang tinutukoy niya at sasamahan ko pa siya sa pagpapa-gamot niya sa ibang bansa masakit man na iiwanan niya ako kakayanin kong mabuhay para sa anak namin kung ako lang," mahulugang aniko sa kanya may sinabi akong hindi ko ulit pinarinig sa kanya.
"Ako na ang magmamaneho para hindi ka lalo mapagod ihatid kita sa na bahay mo," alok naman niya sa akin pinapahinto niya ang sasakyan ko sa gilid ng kalsada.
"Salamat, wo de ai." mahinang sambit ko bago dumantay sa bintana nasa isip ko ang tagpong nangyari sa amin sa kanilang school.
(My love.)
"Ah?" aniya hindi na lang ako nagsalita.
Hinatid niya ako sa bahay ko na may nakita kaming isang kotse sa harap ng bahay ko kaya huminto kami sa likod ng kotse.
"Anong ginagawa mo rito?" tanong niya nang makita ang kakambal ko sa sala ng bahay ko.
"Bakit, Jinchi?" tanong ko naupo sa tabi niya nang tuluyan na kami makapasok sa loob ng bahay ko.
"Pwede ba kita makausap ng private? May sasabihin lang ako sa'yo." sambit ng kakambal ko tinignan niya sa mata ang girlfriend ko.
"Hon, umuwi ka na sa condo mo mag-taxi ka na lang." aniko at nilingon ko ang girlfriend ko.
"Pero hindi mo ako patutulugin sa kwarto mo?" tanong niya sa akin tumingin sa relo niya nang makita ang oras.
"Hindi, hon umuwi ka na may pag-uusapan pa kaming dalawa ng kapatid ko." seryosong sambit ko wala akong pinapa-tulog na ibang tao sa pamamahay ko maliban sa pamilya ko at pamilya ng asawa ko.
"Okay," aniya nakitang seryoso ang mukha ko nang sabihin ko 'yon sa kanya.
Umalis na siya na medyo natakot sa hitsura ko pumara na lang siya ng tricycle para makarating sa kanto ng subdivision at doon siya sumakay ng taxi.
"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko at tumayo para pumunta sa kusina kumuha ang beer sa ref.
"Wo zhidao women zhidao women zai xuexiao de shizhuang xiu shang kan dao de shi zhenshi de, er bushi mengxiang." wika ng kakambal ko sainundan niya ako ng tingin.
(I know we know that what we saw at our school's fashion show was true, not a dream.)
"Shi de, zhe bushi wo kan dao de mengxiang, kan dao wo de qi zi huilai shi zhen de, xianzai wo youle nu pengyou." aniko na lang ininom ko ang beer na kinuha ko sa ref.
(Yes, it wasn't a dream I saw, it was real seeing my wife coming back, now I have a girlfriend.)
"Kinausap niya kami kanina kung saan siya tumutuloy totoo ang sinabi ng anak nyo kanina, oo Ash may anak kayong dalawa at 'yon ang batang kasama niya." aniya napahinto ako sa pag-inom ng beer tumitig ako sa kanya.
"Kung anak namin ang batang 'yon, bakit niya ako iniwan? Narinig ko rin na nagkasakit siya pwede naman niya 'yon sabihin sa akin sasamahan ko pa siya para magpagamot sa ibang bansa." aniko tinuloy ang pag-inom ng beer.
"Hindi ka niya iniwan at mas lalong hindi ka niya niloko kung iniisip mong may iba siya may dahilan siya," pahapyaw niyang sambit sa akin hindi ako makapagsalita inaarok ko ang sinabi niya.
"Eh! Ano ang dahilan? Bakit siya umalis nang walang pasabi uunawain ko pa kung umalis siya dahil dun pero sa dami kong tanong sa kanya, Jinchi hindi ko na alam ang gagawin ko." sambit ko pinatong ang beer sa center table.
"Sa kanya mo itanong at mahal ka nun sinakripisyo niya ang buhay niya para lang maipanganak niya ng malusog ang anak nyo kahit may sakit siya," sambit niya at humikab na lang siya bigla.
"Sa kwarto mo dito dun ka matulog wag ka na umuwi," alok ko sa kanya tinignan pa niya ako ng maigi.
"Sure ka?" tanong naman niya sa akin.
"Yeah, umakyat ka na sa taas." sambit ko.
"Okay," sambit niya at tumayo na sa sofa para maglakad paakyat sa taas nilingon niya ako muli.
3 days after
Kabilang dako, nakikinig kaming lahat sa professor namin nang marinig namin ang tunog ng bell.
"Ash, kain na tayo?" aya niya sa akin.
"Dumaan muna tayo sa classroom ni Sherylle," sambit ko nang tumayo kaming dalawa sa upuan hindi pa din nawawala ang chismisan tungkol sa amin.
"Gutom na ako pwede mo naman siya i-text eh!" aniya at tinulak niya ako palabas ng classroom namin.
"Oo na nga halatang gutom ka na nga," biro ko pinag-tawanan ko naman siya at sumimangot na siya ng mukha.
"Tse!" asar niyang sambit sa akin padabog na naglakad siya palabas ng classroom namin.
Dumeretso kaagad kami sa canteen nang makababa sa first floor. Nagtaka siya na may nagkakagulo sa canteen lumapit kaagad siya nakita niya ang kaibigan na namumutla at may rashes sa braso.
Hindi naman ako nakagalaw sa nakikita ko hindi ko alam ang nararamdaman ko takot o kaba dahil biglang bumilis ang t***k ng puso ko.
"Oh my! No—shet!" sigaw niya at kinuha niya ang bag ng kaibigan para kumuha ng gamot pero napansin ang isang walang laman na tablet.
"Anong nangyayari?" tanong ko kaagad minamasdan ko ng maigi ang asawa ko nakayukyok sa mesa nakakaramdam ako ng takot sa nakikita ko.
"Kumuha ka ng mainit na tubig humingi ka sa counter at may pabango ka ba?" tanong niya sa akin at niyugyog niya ang balikat ng kaibigan para magising niya ito.
"Okay," sambit ko kaagad na lumapit sa counter para humingi sa tindera at binigay kaagad ito sa akin.
Naabutan ko ang unang beses na iiyak siya sa harap ng mga tao napatingin ako sa asawa ko na lalong namutla.
"Elle, gising na wag kang magbiro ng ganyan oh.." naiiyak na tawag niya sa kaibigan pinunasan niya ang noo at leeg nito.
"Ano ba ang nangyayari sa kanya? Bakit siya namumutla? Dalhin natin siya sa hospital ngayon din." tanong ko naupo sa kabilang upuan.
"Ako ang nakakita sa kanya na ganyan siya akala ko natutulog lang siya pero nung pinulsuhan ko mahina na," sabat ng babae hindi namin napansin.
"Mamaya ka na magtanong siya lang ang makakasagot sa tanong mo, akin na ang pabango mo." inis na sigaw niya nagbago ang boses niya pahablot na kinuha ang pabangong ibibigay ko pa lang kanya.
"Hmm..." ungol ng asawa ko pilit na dumidilat siya.
"Dalhin natin siya sa clinic," seryoso kong sambit hinawakan ko ang kamay ng asawa ko nakakaramdam ako ng takot na hindi mapaliwanag.
"Umalis na kayong lahat wala nang shooting dito." sigaw niya sa mga student na nakakalat sa kanilang paligid.
"Hmm, Ashley." ungol na tawag niya sa anak at minulat niya ang mga mata at nagulat sa nakitang kasama.
"Are you okay? Elle, nag-aalala ako sa'yo hindi mo man lang ako i-text nandito ka." aniya at binigyan niya ng tubig ang kaibigan.
"Oo, nahilo lang ako kanina." sambit ng asawa ko at umiwas siya ng tingin sa akin.
"Mahina ang pulso mo akala ko iiwan mo na kami ng tuluyan," samibit niya sa kaibigan niyakap niya ito.
"Order lang ako ng kakainin natin." sabat ko na lang at umiwas ako ng tingin sa asawa ko.
"Sasabihin mo na ba sa kanya?" dinig kong tanong niya sa kaibigan.
Ano kaya 'yon?
"Okay," sambit naman niya sa kaibigan ko.
Bumalik kaagad ako sa mesa inilapag ko ang isang tray na may laman nang inorder ko. May nakasunod na isang staff ng canteen na may dala ring tray na may pagkain.
"Bro, Nin de qizi xiang tongguo putonghua yu nin jiaotan. Wo hui fanyi ta, yibian women zhidao." aniya sa akin ng kakambal ko tumingin naman ako sa kanila.
(Your wife wants to talk to you, thru translate mandarin. I will translate it just so we know.)
"Tungkol saan? At bakit pa?" seryosong tanong ko sa kanilang dalawa.
"Kapag ikaw ang magsasabi ibubulong ko sa kanya," aniya tumingin sa paligid namin kung may naiwan pang tao.
"Bahala kayo," aniko at kumuha ng slice ng cake sa plato.
May binulong na ang asawa ko sa kakambal nakikiramdam naman ako sa kanilang dalawa.
"Ruguo women likai nin, er wo zai guoqu san nian zhong likai nin, shi yinwei wo haipa rang nin zhidao—" aniya at huminto sa pag-inom ng softdrink at tumingin pa sa akin.
(If we leave you and I leave you in the past three years because I was afraid to let you know about—)
"Para saan pa? Nagawa mo na akong iwan at ngayon may girlfriend na ako makikipag-hiwalay na ako sa'yo ng tuluyan," mahinang sambit ko sa asawa ko tinititigan ko siya.
Nakita kong hindi na niya mapigilan lumuha kaya kinuha siya ng panyo sa bag at pinunasan ang mukha.
"Nin hai jide wo likai jia zhiqian ceng dui nin shuoguo wo quguo yiyuan he yisheng de jingli, bingqie zhidao dangshi de ganjue bingqie wo zhidao ziji huan you baixiebing bingqie yin wei huaiyunle wo de nu'er er gandao zhenjing." aniya napaluha na rin habang nagsasalita siya ramdam niya ang bawat sinasabi ng kaibigan.
(Do you remember before I left in the house I said to you I go to the hospital and the doctor, and to know I feel then and I knew that I have leukemia and I shocked because I'm pregnant our daughter.)
"What? Leukemia? Bakit hindi mo sinabi sa akin asawa mo ako karapatan kong malaman 'yon wala ka bang tiwala sa akin?" bulong ko hinawakan ko ang kamay ng asawa ko natatakot sa nalalaman ko pa.
"At nalaman ko rin na buntis ako nun, oo ang bata kasama ko ay ang anak natin, AC mahirap pero kinaya ko ayokong mawala ako sa buhay nyo ng hindi ko nakikitang lumalaki ang anak natin natatakot ako na maiiwan kita." bulong ng asawa ko humiwalay kaagad nang mapansin may nakatingin sa amin.
"You mean—I have a daughter, you should have told me, what happened to you I'm your husband and be beside you when you gave birth to our daughter and I'm with you para samahan ka sa pakikipaglaban mo sa sakit mo." aniko sa asawa ko wala na akong pakialam kung may makakita sa akin at isumbong sa girlfriend ko.
"I'm sorry." mahinang sabi ng asawa ko yumakap sa akin.
"Pwede ko ba makita ang anak ko?" bulong ko sa tenga ng asawa ko.
"Oo, uuwi na ako tapos na ang dahilan kung bakit ako nandito." sambit ng asawa ko tumayo siya kaagad sa inuupuan at naglakad palabas ng canteen.
Muntik pa siyang matumba ulit mabuti nasalo ko siya kaagad at hindi tuluyang tumumba.
"Hon?" bungad ng girlfriend ko humalik sa labi ko pero iniwas ko kaagad ang mukha ko.
"Ash, balik na tayo may last class tayo at magkita na lang tayo ulit sa bahay nila." sambit niya at hinila niya ako bigla.
Nagpa-iwan siya para samahan niya ang ang kaibigan niya sinundan ko na lang sila ng tingin ng pabalik na ako sa classroom.
Nakita ko na siyang papasok sa loob ng classroom namin at huminga na lang ako dahil sa nangyari sa asawa ko sa canteen.
"Bakit ngayon lang?" tanong ko na lang ng tumabi siya ng upo sa akin.
"Nag-usap kami kasama ang magulang niya at sina mommy at daddy at dun ko lang rin nalaman sinundo siya," amin naman niya sa akin hindi ako naka-imik binalewala ko ang pag-ring ng cellphone ko dahil alam ko na girlfriend ko lang ang tumatawag o nag-text ng ganito.
Hinayaan namin ang mga bulungan tungkol sa amin hindi na lang namin pinakinggan ang bulungan ng mga kapwa estudyante kahit may teacher sa harapan namin.
"Nahihirapan ka ngayon sa sitwasyon mo, anong gagawin mo?" tanong niya sa akin.
"Wag ka muna mangialam sa sitwasyon ko tatawagan kita kapag kailangan ko ang tulong mo," seryoso kong sambit sa kanya hindi naman siya nakikialam ako muna ang aayos ng relasyon ko sa dalawang babae.
"Sige, hahayaan kita nandito ako sa tabi mo, Ash." sambit na lang niya sa akin kakambal ko lang ang lubos kong pinagkaka-tiwalaan talaga.
"Xiexie, Jinchi dang wo yu dao wentí shi nin yizhi dou zai wo shenbian." seryosong sambit ko bago ibalik ang tingin sa professor namin.
(Thank you, Jinchi for all you're always by my side when I have a problem.)
"Kilala mo ako lahat gagawin ko para pamilya natin," aniya na lang sa akin tumango na lang ako.
Pagkatapos ng klase namin umuwi na kaming dalawa sa bahay nakalimutan ko na ang girlfriend ko na naghihintay sa school.