Jinchi POV
Sa kabilang dako, pagkatapos ng fashion show umalis na ang mga taong nanood maliban sa namin na matagal nang hindi nakikita ang huling lumabas sa fashion show kanina.
"Anak, I miss you so much." bungad ni tita Alexie sa anak niya habang bumaba ito sa stage at papunta sa backstage.
"Mommy, who is she?" tanong ng batang babae sa hipag ko at kumapit sa kamay nito natakot sa mga taong lumalapit sa kanila.
"Siya na ba ang pinagbubuntis mo noon?" tanong ni tita Alexie sa anak niya tinignan ang apo na nagtago sa likod ng hipag ko.
Pinagbubuntis? Ibig sabihin matagal ng may anak ang kakambal ko?
"Magaling ka na ba talaga? Princess ko?" sabat ni tito Emman nang yayakapin na niya ang anak umiwas ito sa daddy niya.
"I'm fine and yes, mom siya ang pinagbubuntis ko noon sa sinapupunan o tiyan ko nang umalis ako ng Pilipinas." amin niya nang maglalakad na sila palayo ng anak niya.
"Bakit ka umalis, Elle? Bakit mo iniwan ang asawa mo?" tanong ko kanya nang lapitan ko ito.
"Sa hotel na lang tayo mag-usap naghihintay na ang service namin," aniya nilingon niya ang driver ng service van.
"Saan hotel ba kayo?" tanong ko naman.
"Sumunod na lang kayo sa amin," sambit niya sumakay na siya sa van kasama ang anak at iba pang rumampa sa stage.
Nang makarating kami ng hotel may sariling kwarto ang bawat model na rumampa sa fashion show.
"Bakit ka umalis, Elle?" tanong ni mommy sa manugang niya.
"Mommy, sorry po kung umalis ako ng walang pasabi sa inyo lalo na kay AC." amin niya at hinihiga ang anak sa hita niya.
"Bakit?" tanong ni mommy sa manugang niya.
"Balae, ako ang nagsabi sa kanya na umalis siya para magpagaling pero isang taon lang siya mawawala at sabihin niya ito sa asawa niya—hindi niya sinabi dito ang nangyayari sa kanya." sabat ni tita Alexie sa mommy ko.
"Bakit hindi mo pinaalam sa amin na bumalik ang sakit mo? Lalo na sa asawa mo alam mo ba mula ng iwanan mo siya nagbago na siya." tanong ni mommy tumingin ito sa manugang niya.
"Nagpagamot po ako sa ibang bansa may leukemia po ako at akala ko magaling na ako dahil inoperahan na ako noong bata pa ako nalaman ko po ito nung may lumalabas na symptoms at nalaman ko pang buntis ako sa unang anak namin natakot ako lalo lumala na ang sakit ko mabuti naka-survive ulit ako," amin niya hinawakan niya ang buhok ng anak at tumingin sa mommy ko.
"Magaling ka na ba?" tanong ni mommy tumabi siya nang upo sa manugang niya.
"Hindi ko pa po sigurado pa, pero nung nagpa check-up ako dito noon nalaman ko rin po na buntis ako sa anak namin ni AC nagpaalam ako sa kanya na pupunta ako sa hospital natakot ako na baka malala na talaga kaya kina mommy at daddy ko kaagad sinabi kaagad ang kalagayan ko," sambit niya nakamasid lang ako sa hipag ko.
"Bakit hindi mo sinabi sa amin at sa asawa mo?" tanong ni daddy sa manugang niya.
"Sobra na akong natakot ng malaman kong malala na ang sakit ko, dad gusto ko man sabihin kay AC ang nangyayari sa akin natakot na ako baka 'yon ang huling pagkikita namin ayokong mangyari kaya pinakiusapan ko sila mommy at daddy na wag ipaalam sa inyo ang sitwasyon ko hanggang sa ako na mismo ang nag-desisyon na lumayo at wag magkaroon ng komunikasyon sa inyo ng sabihin ng doctor ko na wala na akong pag-asa gumaling sumama ako sa kanya sa France. Para dun ko ipanganak ang anak ko mawala man ako binilin ko na sa kanya na ipadala ang anak ko sa ama niya, pero dalawang taon pinagsabay ko ang lahat at natuklasan namin na naka-survive ako pero hindi pa rin kami sigurado kaya kinausap niya ako sa huling pagkakataon sinabi niya sa akin na ipakita ko na ang anak ko sa ama niya at ako mismo ang magbibigay nito at nandito ako aalis pa rin ako pabalik sa France." mahaba niyang sambit sa aming lahat.
"Dumito ka na lang kung aalis ka sasama kami sa'yo papunta sa France, anak." sabat ni tita Alexie sa anak niya naluluha sa nalaman namin.
"Alam mo ba na naging malungkot si Ash mula nang umalis ka?" sabat ko nakipag-titigan ako.
"Mananatili ka na ba dito sa Pilipinas?" tanong ni daddy sa manugang niya.
"Depende pa rin, dad pero gusto kong mabuhay kasama siya kaya umalis ako at hindi ko sinabi ang tungkol sa sakit ko kasi takot akong makita niya akong mamatay." aniya.
"Nag-aaral ka ba sa ibang bansa?" tanong ko alam kong mahirap ang sitwasyon niya sa ibang bansa at nag-iisa lang siya.
"Oo, 3rd year na ako dun working-student ako at every saturday nag papa-check up ako." aniya binuhat ang anak at dadalhin na sa kwarto nila.
"Ako na ang magbunuhat sa apo namin," sabat ni tito Emman nang tumayo sa couch at kinuha ang apo sa braso ng anak niya.
"Sige po, dad." aniya sa daddy niya hinayaan kunin ang anak sa braso.
"Elle, please kausapin mo ang kapatid ko na asawa mo sabihin mo sa kanya ang lahat naraming tanong si Ash kung bakit mo siya iniwanan at bakit ka umalis ng walang pasabi mahal nyo naman ang isa't-isa," pilit kong sambit iniisip ko ang sitwasyon ng dalawa.
"Manatili ka na lang dito, anak." wika ni tita Alexie sa anak niya.
"Ate, may girlfriend na si kuya Ash 'yong kasama niya kanina." sabat ni Axelle sa kapatid niya.
"Axelle!" saway ni tita Alexie sa bunsong anak niya at tinignan ng masama.
"Totoo po ba?" tanong niya tumingin sa akin at sa magulang ko.
"Hmmm, oo, kasi ang akala ng husband mo iniwan mo lang siya na walang pasabi sa kanya at hindi mo na siya mahal kaya humanap siya ng ibang babae para kalimutan ka niya." amin ko na lang ayokong magtago sa kanya.
"Anong plano mo sa relasyon nyo, hija?" tanong ni tita Alexie sa anak niya.
"May planong i-anulled ni Ash ang kasal nyong dalawa," sabat ko tumingin sila sa akin.
"Hindi ako makikipag-anulled sa kanya para lang maging masaya sila ng kabit niya? Paano naman ang sisirain nila ang kumpletong pamilya ko." sambit niya.
"Pupuntahan ko si Ash mamaya, mom baka gabihin na ako ng uwi." sambit ko sa magulang ko at tumingin sa hipag ko.
"Sure," wika ni mommy sa akin nang bumaling ang tingin niya.
"Hija, hindi na kami magtatagal kasi may work kami ng daddy mo sumama lang kami para kausapin ka namin sa bahay ka na lang ulit tumira kasama ng apo namin." wika ni tita Alexie lumapit siya sa anak niya.
"Okay lang, mom naiintindihan ko." sambit niya sa mommy niya nang balingan ng tingin.
"Dadalaw na lang kami palagi sa'yo kapag tapos na ang work namin, princess." sabat ni tito Emman nang makabalik sa pwesto kanina.
"Sige po, dad miss ko na rin kayo." aniya napayakap na lang sa magulang at kapatid niya.
"Gusto mo ba na sa bahay muna kayo tumira," alok ni Alexie sa anak niya.
"Hindi na, mom at saka gusto kong kausapin si AC." aniya humarap siya sa akin.
Humalik siya sa pisngi niya nakatingin lang ako nasa likod at kasama ng magulang ko.
Kung nandito ka lang, Ash alam mo na ang lahat.
Dumeretso kaagad ako sa bahay ng kakambal ko pagkatapos namin kausapin ang hipag ko. Wala akong naabutan sa bahay nito kaya naghintay ako at narinig ko ang tunog ng isang kotse kaya sumilip ako sa may bintana nito.
"Kasama pa rin niya ang girlfriend niya," bulong ko at inis na umupo sa sofa naghintay ako sa pagpasok ng dalawa sa loob ng bahay.
"Anong ginagawa mo rito?" tanong ni Sherylle sa akin nang abutab niya ako napalingon ako.
"Bakit, Jinchi?" tanong ng kakambal ko naupo sa tabi ko.
"Pwede ba kita makausap ng private? May sasabihin lang ako sa'yo." aniko ar tinignan ko sa mata ang girlfriend niya.
"Hon, umuwi ka na sa condo mo mag-taxi ka na lang." wika ng kakambal ko nilingon niya ang girlfriend.
"Pero hindi mo ako patutulugin sa kwarto mo?" tanong ni Sherylle sa boyfriend niya tumingin sa relo niya nang makita ang oras.
"Hindi, hon umuwi ka na may pag-uusapan pa kaming dalawa ng kapatid ko." seryosong aniya sa girlfriend niya.
"Okay," wika ni Sherylle nakitang seryoso ang mukha ng boyfriend niya.
Umalis si Sherylle na medyo natakot sa hitsura ng boyfriend niya. Pumara na lang suya ng tricycle para makarating sa kanto ng subdivision at doon sya sumakay ng taxi.
"Anong ginagawa mo dito?" tanong niya at tumayo para pumunta sa kusina kumuha ang beer sa ref.
"Wo zhidao women zhidao women zai xuexiao de shizhuang xiu shang kan dao de shi zhenshi de, er bushi mengxiang." sambit ko sinundan ko siya ng tingin.
(I know we know that what we saw at our school's fashion show was true, not a dream.)
"Shi de, zhe bushi wo kan dao de mengxiang, kan dao wo de qi zi huilai shi zhen de, xianzai wo youle nu pengyou." aniya sa akin ininom niya ang beer na kinuha niya sa ref.
(Yes, it wasn't a dream I saw, it was real seeing my wife coming back, now I have a girlfriend.)
"Kinausap niya kami kanina kung saan siya tumutuloy totoo ang sinabi ng anak nyo kanina, oo Ash may anak kayong dalawa at 'yon ang batang kasama niya." bulalas ko napahinto sa pag-inom ng beer tumitig siya.
"Kung anak namin ang batang 'yon, bakit niya ako iniwan? Narinig ko rin na nagkasakit siya pwede naman niya 'yon sabihin sa akin sasamahan ko pa siya para magpagamot sa ibang bansa." aniya tinuloy ang pag-inom ng beer.
"Hindi ka niya iniwan at mas lalong hindi ka niya niloko kung iniisip mong may iba siya may dahilan siya," pahapyaw kong sambit sa kanya.
"Eh! Ano ang kanyang dahilan? Bakit siya umalis nang walang pasabi uunawain ko pa kung umalis siya dahil dun pero sa dami kong tanong sa kanya, Jinchi hindi ko na alam ang gagawin ko." aniya sa akin at pinatong ang beer sa center table.
"Sa kanya mo itanong at mahal ka nun sinakripisyo niya ang buhay niya para lang maipanganak niya ng malusog ang anak nyo kahit may sakit siya," sambit ko humikab na lang ako bigla.
"Sa kwarto mo dito dun ka matulog wag ka na umuwi," alok niya bigla sa akin.
"Sure ka?" tanong ko naalala ko ang ginawa nito sa girlfriend niya.
"Yeah, umakyat ka na sa taas." aniya sa akin.
"Okay," aniko at tumayo na sa sofa para maglakad paakyat sa taas nilingon ko pa muli ang kakambal ko na umiinom ng beer.
Naawa ako sa'yo bro hindi mo alam ang tungkol sa sakit niya lalo na sa anak nyo bago tuluyan na akong umakyat at dumeretso sa kwarto nahiga na ako.
Palagi akong dumadalaw sa bahay ng hipag ko tuwing friday pagkatapos ng klase namin at saturday night. Tumira na ulit siya sa bahay ng magulang niya.
"Totoo ba na mananatili ka na dito?" tanong ko sa hipag ko nang tabihan ng upo.
"Oo, dito na ako sa Pilipinas mag-aaral at maninirahan dito ko na rin itutuloy ang pagpapagamot kung kailangan kong bumalik sa France hindi pa daw ngayon." aniya at ngumiti na lang sa akin.
"Kailan ka papasok?" tanong ko nilalaro ang kamay ng pamangkin ko.
"3 days from now pupunta ako sa guidance office para muling mag-enroll pumayag ang doctor ko na magpahinga muna ako," aniya.
"Ah! Hintayin kita kahit hindi tayo mag-kaklase." aniko at kinandong ko ang pamangkin sa hita ko.
"Mommy, are you okay namumutla ka po." wika ng pamangkin ko tumingala sa mommy niya kahit nakakandong siya sa akin.
"Pakikuha nga ng gamot, Jinchi." sambit niya sa akin tinuro niya ang boteng may laman na gamot sa ibabaw ng center table.
"Heto oh! Hindi rin ako magtatagal dumaan lang ako para kamustahin ka." aniya at kinuha ko na ang bag ko.
"Ingat ka, Jinchi hindi na kita maihahatid sa labas." aniya dumantay sa kanilang sofa na tumingin ng patagilid sa akin.
"Okay lang, Elle magpahinga ka na muna wag ka magpapasaway, Ashley." ngiting bilin ko bumeso sa hipag at sa pamangkin ko bago ako lumabas ng bahay.
Sana tuluyan ka nang gumaling sa iyong sakit na leukemia.
3 days after
Kabilang dako, nakikinig ang lahat sa professor namin nang marinig ang tunog ng bell.
"Ash, kain na tayo?" aya ko sa kanya ng balingan ko siya ng tingin.
"Dumaan muna tayo sa classroom ni Sherylle," aya niya sa akin.
"Gutom na ako pwede mo naman siya i-text eh!" sambit ko at tinulak ko ito palabas ng classroom namin.
"Oo na nga halatang gutom ka na nga," aniya sa akin pinag-tawanan niya ako.
"Tse!" sambit ko na lang at padabog na naglakad ako palabas ng classroom namin.
Dumeretso kaagad kami sa canteen nang makababa sa first floor. Nagtaka ako na may nagkakagulo sa canteen lumapit kaagad ako nakita ko ang hipag ko na namumutla at may rashes sa braso.
"Oh my! No—shet!" sigaw ko at kinuha ko ang bag ng hipag ko para kumuha ng gamot pero napansin ko ang isang walang laman na tablet.
"Anong nangyayari?" tanong niya sa akin minamasdan niya rin ang asawa nakayukyok sa mesa nakakaramdam ako ng takot sa nakikita ko.
"Kumuha ka ng mainit na tubig humingi ka sa counter at may pabango ka ba?" tanong ko sa kanya gumana ang isip ko niyugyog ko ang balikat ng hipag ko para magising ito.
"Okay," aniya kaagad na lumapit sa counter para humingi sa tindera at binigay kaagad ito sa kanya.
"Elle, gising na wag kang magbiro ng ganyan oh.." naiiyak kong tawag sa hipag ko pinunasan ko ang noo at leeg nito.
"Ano ba ang nangyayari sa kanya? Bakit siya namumutla? Dalhin natin siya sa hospital ngayon din." tanong niya naupo sa kabilang upuan.
"Ako ang nakakita sa kanya na ganyan siya akala ko natutulog lang siya pero nung pinulsuhan ko mahina na," sabat ng babae sa amin nakita ko na nag-aalala din siya.
"Mamaya ka na magtanong siya lang ang makakasagot sa tanong mo, akin na ang pabango mo." inis kong sigaw pahablot na kinuha ko ang pabangong ibibigay pa lang niya.
"Hmm..." ungol ng hipag ko pilit na dumidilat siya.
"Dalhin natin siya sa clinic," nasambit niya hinawakan ang kamay ng asawa niya kita ko ang kakaibang emosyon sa mukha niya.
"Umalis na kayong lahat wala nang shooting dito," sigaw ko sa mga student na nakakalat sa paligid namin.
"Hmm, Ashley." ungol ng hipag ko sa anak niya at minulat ang mga mata at nagulat sa nakitang kasama.
"Are you okay? Elle, nag-aalala ako sa'yo hindi mo man lang ako i-text nandito ka." pag-aalalang sambit ko binigyan ko ng tubig ang hipag ko.
"Oo, nahilo lang ako kanina." aniya sa amin umiwas siya ng tingin sa katabi ko.
"Mahina ang pulso mo akala ko iiwan mo na kami ng tuluyan." aniko at niyakap ko siya ng mahigpit.
"Order lang ako ng kakainin natin," sabat niya umiwas siya ng tingin sa asawa niya ng lingunin ko.
"Sasabihin mo na ba sa kanya?" tanong ko.
"Oo, Jinchi at kaya ako nandito pero tulungan mo ako i-translate mo sa salitang chinese para walang makaalam ng sasabihin ko." bulong ng hipag ko sa akin.
"Okay," aniko.
Bumalik kaagad siya sa mesa namin at inilapag ang isang tray na may laman nang inorder niya. May nakasunod na isang staff ng canteen na may dala ring tray na may pagkain.
"Bro, Nin de qizi xiang tongguo putonghua yu nin jiaotan. Wo hui fanyi ta, yibian women zhidao." sambit ko.
(Your wife wants to talk to you, thru translate mandarin. I will translate it just so we know.)
"Tungkol saan? At bakit pa?" seryosong tanong niya sa amin.
"Kapag ikaw ang magsasabi ibubulong ko sa kanya," aniko tumingin sa paligid namin kung may naiwan pang tao.
"Bahala kayo," aniya at kumuha ng slice ng cake sa plato.
"If we leave you and I leave you in the past three years because I was afraid to let you know about—" bulong ng hipag ko sa akin at pinipigilang umiyak sa harap ng asawa niya.
"Ruguo women likai nin, er wo zai guoqu san nian zhong likai nin, shi yinwei wo haipa rang nin zhidao—" aniko huminto sa pag-inom ng softdrink at tumingin sa kakambal ko.
(If we leave you and I leave you in the past three years because I was afraid to let you know about—)
"Para saan pa? Nagawa mo na akong iwan at ngayon may girlfriend na ako makikipag-hiwalay na ako sa'yo ng tuluyan." mahinang aniya asawa tinititigan niya ito.
"Hmm, do you remember before I left in the house I said to you I go to the hospital and the doctor, and to know I feel then and I knew that I have leukemia and I shocked because I'm pregnant our daughter." bulong ng hipag ko hindi na mapigilan lumuha kaya kinuha ang panyo sa bag niya at pinunasan ang mukha.
"Nin hai jide wo likai jia zhiqian ceng dui nin shuoguo wo quguo yiyuan he yisheng de jingli, bingqie zhidao dangshi de ganjue bingqie wo zhidao ziji huan you baixiebing bingqie yin wei huaiyunle wo de nu'er er gandao zhenjing." aniko napaluha na rin habang nagsasalita ako ramdam ko ang bawat sinasabi ng hipag ko.
(Do you remember before I left in the house I said to you I go to the hospital and the doctor, and to know I feel then and I knew that I have leukemia and I shocked because I'm pregnant our daughter.)
"What? Leukemia? Bakit hindi mo sinabi sa akin asawa mo ako karapatan kong malaman 'yon wala ka bang tiwala sa akin?" tanong niya hinawakan ang kamay ng asawa natatakot sa nalalaman niya.
"At nalaman ko rin na buntis ako nun, oo ang bata kasama ko ay ang anak natin, AC mahirap pero kinaya ko ayokong mawala ako sa buhay nyo ng hindi ko nakikitang lumalaki ang anak natin natatakot ako na maiiwan kita." bulong ng hipag ko humiwalay kaagad nang mapansin may nakatingin sa amin.
"You mean—I have a daughter, you should have told me, what happened to you I'm your husband and be beside you when you gave birth to our daughter and I'm with you para samahan ka sa pakikipaglaban mo sa sakit mo." aniya sa asawa wala na siyang pakialam kung may makakita sa kanya.
"I'm sorry." mahinang sambit ng hipag ko yumakap sa asawa niya.
"Pwede ko ba makita ang anak ko?" bulong niya sa tenga ng asawa ko.
"Oo, uwi na ako tapos na ang dahilan kung bakit ako nandito." aniko tumayo siya kaagad sa inuupuan at naglakad palabas ng canteen.
Muntik pa siyang matumba ulit mabuti nasalo siya ng asawa niya.
"Hon?" bungad ni Sherylle humalik sa labi ng boyfriend pero umiwas ito kaagad ng mukha.
"Ash, balik na tayo may last class tayo at magkita na lang tayo ulit sa bahay nila." tawag ko at hinila ko bigla ang kakambal ko.
Nagpa-iwan ako para samahan ko ang hipag ko. Hinatid ko ito sa gate kung saan may dumating na van nagtaka ako na bumunugad ang magulang ko at magulang nito. Bumeso na lang ako bago magpaalam para bumalik sa classroom namin.
Malinaw na sa kanya ang nangyayari sa kanilang dalawa.
"Bakit ngayon lang?" tanong niya sa akin.
"Nag-usap kami kasama ang magulang niya at sina mommy at daddy at dun ko lang rin nalaman sinundo siya," amin ko.
Hinayaan namin ang mga bulungan tungkol sa amin hindi na lang pinakinggan ang bulungan ng mga kapwa estudyante kahit may teacher sa harapan.
"Nahihirapan ka ngayon sa sitwasyon mo, anong gagawin mo?" tanong ko sa kanya.
"Wag ka muna mangialam sa sitwasyon ko tatawagan kita kapag kailangan ko ang tulong mo," aniya sa akin.
"Sige, hahayaan kita nandito ako sa tabi mo, Ash." aniko.
"Xiexie, Jinchi dang wo yu dao wentí shi nin yizhi dou zai wo shenbian." seryosong aniya sa akin bago ibalik ang tingin sa professor namin.
(Thank you, Jinchi for all you're always by my side when I have a problem.)
"Kilala mo ako lahat gagawin ko para pamilya natin," sambit ko.
Pagkatapos ng klase namin umuwi na kaming dalawa sa bahay nakalimutan na niya ang girlfriend na si Sherylle.