CHAPTER 10

1231 Words
Chapter 10 " Jowa?, kapal naman ng muka mong sabihing jowa, break na tayo, kupal ka, bahala ka sa buhay mo!.." Sigaw ko dito. Sabay alis ko sa harapan niya at mabilis na naglakad. " Okay fine, bahala ka sa buhay mo ang arte mong babae ka!.." Sigaw nito na galit ang boses. Hindi ko naman na ito pinansin pa. Lumipaspa ulit ang ilang linggo at panay lang ito papansin sakin, hanggang sa nag sawa na siguro, makailang kuha narin niya ang phone number ko pero hindi kona pinapansin ang tex at tawag nito sakin, lalo lang ako nakakaramdam ng galit sa kanya sa tuwing mag lalambing sa text. " Gago!, akala mo siguro madadala mo pa ako sa pa ganyan ganyan mo, ugog ka, hindi naman ako pinanganak para magpakatanga at para mag pauto sa isang katulad mong walang kuwenta. Tang ina mo hindi ka kawalan depota kang lalake ka!.." Replay ko naman dito. Hindi na ito muli pang nag text at na ngulit sakin. Isang buwan na ang nakaraan at naging tahimik na ang buhay ko at wala nang nangahas pang maghimasok sa puso ko laging sugatan. Hindi naman ako apektado sa naging relasyon ko kay Iyan dahil sobrang bilis lang naman kase na naging kami, kaya madali lng ako naka move on sa kanya. Pinagtuonan ko nalang ng pansin ang trabaho ko sa kapatid ng step father ko at hindi na nagpadala sa mga panunuyo ng lalakeng nagtatakang mangligaw sa akin. Hanggang sa isang araw na dumating na nga ang anak anakan ni Ante tessi na nag ngangalang carlos kuno. Galing manila ito at unang kita ko nga na shock ako kase talagang may itsura nga naman ito talaga, at maputi at matangkad. Unang kita nito sakin ay napatitig rin siya sa akin ng mapasadahan ko siya ng tingin. Kasabay nun ang biglaan na pagdating naman ni Jherico sa karenderya, at napag alaman kong mag pinsan pala sila. Nakaramdam ako ng pang liliit sa mga titig ni jherico sakin dahil alam ko namang alam nito ang mga nangyari sa amin ni Iyan, nakakabushit lang kase na pinagkakalat parin ni Iyan na girlfriend niya ako kahit hiwalay na kami, iwan koba sa gago nayon. Binaling ko nalang sa iba ang atensyon ko at hindi na muling tumingin sa dalawa. Narinig ko nalang na nagtatanong na naman itong si Carlos tungkol sa akin, palihim ko lang sila pinakinggang ni ante tessi na nag uusap at nanlumo ako sa narinig kong sinabi ni ante tessi tungkol sa akin. " Ayy huwag yan, marami ng lalake ang naka ano dyan anak, hindi na malinis yan katulad din yan ng mama niya!.." Sabi nito na agad nag pantig sa utak ko na labis kong ipinag taka bakit nasali si mama sa usapan at porket ba naging pulutan ako ng lalaking hudas nayun eh ganito na pala kababa ang tingin nila sa akin dito. Sa halip na magalit ay pinili ko nalng magpakatatag nalang dahil hindi nga naman kami taga rito, at kailangan naming makisama sa kanila, gustohin ko mang maiyak pero pinipigilan ko nalang ang luha kong gusto ng bumaksag dahil nasaktan talaga ako sa sinabi nito sa anak anakan niya naruon pa naman din si jherico na nakikinig sa kanila, nag kunwari nalang akong naglilinis sa kusina habang sila nasa harapan at nag kukuwentuhan. Pero natigilan ako saglit ng mapansin kong tinitignan pala ako ni jherco na hindi ko alam kung bakit, oh baka hindi siya makapaniwala na ganito akong klase ng babae, ang bata ko pa kase16 lang ako, tapos ganito na. Pero nagulat ako ng bigla niya ako ngitian yung ngiting walang kang makikitang kahit anong pangungutya galing sa mga mata niya, yung ngiting totoo. Kaya napangiti narin ako sa kanya ng wala sa sarili. Umalis muna sila ante tessi at yung carlos at si landa para daw samahan yung carlos ma mili ng gamit dahil Mag tatransfer dito sa Salam yung Carlos. Kaya naiwan naman kaming dalawa ni jherico, inabala ko naman ang sarili ko sa paglilinis ng kung ano ano, para makaiwas ako sa mga tanong niya, dahil halatado naman sa titig nito na parang marami ito gustong itanong. Pero napangiwi nalng ako ng muka ko ng umalis na ito, hinayaan ko nalang siya at hindi na nag tanong pa. Halos magkakapareho lang kami ng idad na tatlo, dahil same kami na 16 lang din . Dumaan pa ulit ang ilang linggo napapansin kong palagi nalang nagtatambay yung carlo sa karenderya ni antessie at kung minsan nahuhuli ko itong nakatitig sakin. Ng minsan na mag paalam ako mag babanyo lang,medyo malayo lake ang cr sa karenderya nila, at nasa likod pa iyun ng isdaan na paninda. Wala rin gaanong tao ng oras nayon dahil mag aalisko na ng hapon. Pumasok ako at umuhi ng matapos na ako ay agad akong lumabas, pero pag labas ko nagulat nalang ako ng biglang may humawak sakin at mabilis akong isinandal sa pader ng hindi ko namamalayan, na untog pa nga ang ulo ko, pero nagulat ako ng makita ko ang lalakeng nasa harapan ko at si Carlos yuon, hindi ako agad nakapag salita ng makita ko siyang kinorner ako at isinandal ng mabilis sa pader, halos lumugwak na ang mata ko sa gulat ng bigla nalang niya akong halikan sa labe ko, hindi pa tumagal ng ilang minuto ang halik niyang iyun sakin ay mabilis ko na siyang itinulak palayo sakin, kinagat pa nga nito ang labi ko. Biruin moyun sa idad mong 16 bigla ka nalang hahalikan ng kaidaran morin. " SShhet!, Huwag kang mag susumbong kay mamang na hinalikan kita, pag nag sumbong lagot ka sakin!.." Madiin nitong banta sakin, sa sobrang gulat ko ay hindi ako agad nakapag salita. Mabilis din itong umalis, at ako naglalakad ng lutang sa daan. Nang makarating ako sa karenderya ay tulala parin ako, sa bagay kahit naman sino talagang magugulat hindi naman kase kung aino aino lang na lalake si Carlos anak din ito ng kapitan sa lugar ng lasam at gwapo rin ito, maraming nagkakagustong babae dito. Ng iwas ako ng tingin sa kanya ng makita kong nakatitig sa akin ito na tila ng aakit ang hinayupak, " kala naman niya type ko siya,,," Inanyayaan ako ni ante tessie sa bahay nila kase birthday niya din ng araw nayon at marami kaming pupunta, kabilang na sila jherico. Umuwe na muna ako sa bahay para mag palit, simple lang ang isinuot ko. " Mah hindi ba kayo pupunta sa bahay nila ante tessie!.." Tanong ko kay mama. " Mamaya nalang susunud nalang daw kami ni angkel ko lay!.." Sabi nito. " Pinapapunta kase nila ako,ayoko sana kase pagod ako, pero hirap makahindi makulit kase sila. Mag iinum daw kami duon!.." Pahabol kopang sabe, at naisip kong baka sakaling pigilan niya ako dahil may inuman ngang magaganap sa dahil16 panaman ako. Pero hindi eh, sinabe pa ni mama na huwag daw masyadong maglalasing. Kaya no choice ako kung pumunta. Nagmadali na akong mag palit ng damit, dahil inaantay na nila ako at may kuliglig sa labas ng bahay namin. Nauna naman na sila ante dahil may kotse naman sila. Nakita kong nakasakay si Carlos sa kuliglig at nakatitig na naman sa akin ang hinayupak. Huminga nalang ako ng malalim at sinikap kong hindi ito tignan dahil nakakailang ang ginagawa niyang pagtitig sakin na hindi ko alam na para ba akong kinakain ng buhay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD