10 I hate this feeling. Hindi ako mapakali sa kinauupuan ko habang nakatingin ako sa relo. Parang gusto kong bilangin ang segundo at nangangati akong lumipad papuntang main branch ng Lax. I’m counting the minutes since mommy said she had booked a reservation for a family dinner tonight, 6:00 PM. Doon na kami didiretso ni Carramilla at si Devign naman daw ang susundo kay Lax sa tutor. “Five, four, three, two…one.” I grabbed my key and stood up. Basta ko na lang hinila ang coat ko sa sandalan ng upuan at isinampay sa balikat ko. I walked hastily, not minding my employees. Nahahawi ang mga empleyado kong papauwi kapag dumaraan ako sa harap nila at ni isa ay wala akong tinatapunan ng tingin. “Sir, susunduin ba namin si Ma'am Carra?” tanong ng tauhan ko nang sumabay na sila sa akin sa