9 Carra Walang imik kong binuksan ang pinto ng kotse ni Rheus nang tumapat ang sasakyan sa may harap ng Lax Pharmacy, at wala na rin akong balak na tingnan siya pero napatingin na rin ako sa salamin. Nakatingin siya sa akin, nakatitig. Kinalas niya ang seatbelt at binuksan din niya ang pintuan kaya naman ako ang naestatwa sa kinauupuan ko. Saan naman siya pupunta? Bakit naman bababa pa siya? Nagmamadali kong itinulak ang pinto nang marealized ko na lumabas siya. Nakatayo siya sa may passenger’s side at nakapameywang habang nakatingin sa kabuuan ng building ng Lax. Kala mo naman siya ang may-ari ng pinakamalaking branch na ‘yon ng pharmacy ng Lax. Kung makatitig siya sa building ay wagas. Main branch kasi ang pinagtatrabahuhan ko. Ito ang pinakamalaki dahil ang itaas at likod ay s