Final Chapter❣

3251 Words
Maaga pa lang naka abang na si Reighn sa labas ng apartment nila Ashley. Gusto nyang kausapin ang dalaga para magka liwanagan na sila. Mag lilimang buwan na silang mag bf/ gf pero ramdam pa rin nya ang pagka ilang ni Ashley sa kanya. 'Bakit kaya? Laging tanong nya sa sarili, Wala naman syang nilihim dito lahat pinagtapat na nya. Umayos sa pagkakatayo si Reighn ng makitang palabas na ng building si Marry may hila hilang maleta, Napakunot ang nuo niya ng pumasok ulit ito at sa paglabas dalawang maleta ng hatak hatak nito. May iniabot itong susi sa Guard na nakabantay sa nilabasang building. Dali daling nilapitan ito ni Reighn. " Hi Marry, kumusta?" Kaagad na bati nya ng makalapit dito. Tila nagulat naman si Marry ng makita si Reighn. Nginitian nya ito " Oh! hi Reighn, napasyal ka?". "Si Ashley, pwede ba syang makausap?" "Nasa airport na, kaninang madaling araw pa sya umalis." Nagtatakang sabi nito.. " Hindi ba sinabi ni Ashley sayo na ngayong araw ng flight namin pauwing Pilipinas?" Napaawang ang labi ni Reighn sa pagkabigla . "Huh! Anong oras ang flight nya?" Kinakabahang tanong nya. "2 pm, Baka maabutan mo pa sya kung may balak kang habulin ang in denial na babaeng yun! Nakangising wika ni Marry. Agad na napatingin si Reighn sa suot na relo. Mag aalas onse pa lang maaabutan pa nya si Ashley kung magmamadali sya. Agad na tumakbo ito para parahin ang taxi na padaan sa kanila ni Marry. Ni hindi na nya nakuhang magpasalamat at mag paalam kay Marry sa sobrang pagmamadali nya. Hingal na hingal si Reighn, pagkapasok sa Fukuoka Airport. Kaagad nyang sinuyod ang mga pilipinang nakaupo na naghihintay ng mga flight nito. At sa bandang likurang bahagi ng mga nakahilirang upuan doon nya nasilayan ang babaeng gumulo sa mundo nya pero bumuo ng pira piraso nyang puso. Dahan dahan nyang nilapitan si Ashley na abala sa pakikipag usap sa telepono nito. "Oho Nay, pauwi na po ako, nandito na nga po ako sa airport eh, hinihintay ko na lang po ang flight ko..." Ngumiti si Ashley at napa angat ang tingin ng mapansing may nakatayo sa tabi nya. Nanlaki ang mga nito ng makita si Reighn na nakatitig lang sa kanya. "Ah Nay, tawag na lang po ako mamaya saglit lang po ha! Mag iingat po kayo diyan!.. Mahal ko po kayo! Babye na po." Sabay patay ng telepono at inilagay sa loob ng hand carry bag nya bago hinarap si Reighn ng may pagtataka kung bakit nalaman nito na nasa airport sya. "Bakit ka nandito? Paano mo nalaman na nandito ako?" Sunod sunod na tanong ni Ashley kay Reighn. "So, Ngayon na pala ang balik mo ng Pilipinas, Bakit di mo man lang sinabi sakin ha?" May hinanakit na tanong ni Reighn kay Ashley. "Balak mo ba akong pagtaguan ha?" Bakit Ashley, ano ba ako sayo laruan mo lang ?" Hindi maiwasang magtaas ng boses ni Reighn dahil sa sama ng loob nya kay Ashley. Alam naman kasi ni Reighn ang gawain ng dalaga dahil pina imbestigahan nga nya ito kay Detective Marvin, Pero kahit marami syang nalaman na mga pangit na ugali at gawain ni Ashley nahulog pa rin ang loob nya dito, na kalaunan minahal na nya ito at nangako sya sa sarili nyang hinding hindi nya iiwanan si Ashley kahit na ano pang mangyari, Kaya heto sya ngayon parang baliw na sunod ng sunod sa dalaga. "Reighn, pwede bang humingi ng pabor sayo?" Tinitigan ni Ashley sa mga mata si Reighn. " Pwede bang layuan mo muna ako! Gusto ko lang makapag isip, may gusto lang akong tiyakin sa sarili ko,.. Pwebe ba yun ha! Reighn?" Nagtatagis ang bagang ni Reighn na nakatingin kay Ashley. Ramdam nya na gumagawa na ng paraan si Ashley para magkahiwalay sila. Sabagay ganito ito pag ayaw na sa isang relasyon kusa na lang nakikipag kalas o di kaya nawawala na lang itong parang bula. "Alam ko naman na napilitan ka lang sagutin ako, kasi na challenge ka sa kakulitan ko, Pero ito lang masasabi ko sayo..." Pilitin man ni Reighn kontrolin ang sarili pero ang totoong nararamdaman ay hindi nya mapipigilan. "Bigyan mo man ako ng ilang libong dahilan para di ka magustuhan, mangingibabaw pa din yung kagustuhan ng aking puso at isipan, Tandaan mo yan Ashley" Sabay talikod na ni Reighn para itago ang mga luhang gustong kumawala sa mga mata nya. 'Ang sakit pala s**t! Bakit ba palagi na lang akong sinasaktan ng mga babaeng minamahal ko? Hindi ba ako karapat dapat mahalin?' Nakakuyom ang kamaong humakbang na si Reighn palayo kay Ashley ng bigla nitong tinawag ang pangalan ng binata. "Reighn, sandali!" Ani Ashley. Huminto naman si Reighn pero hindi nya nilingon si Ashley, Ayaw kasi nitong makita ng dalaga ang pagluha nya, naghintay lang sya na makalapit ito sa kanya. At ng mag katabi na sila umiwas ng tingin si Reighn bago nagsalita. " Ano ba yon?." Inabot ni Ashley ang naka kuyom na kamay ni Reighn at saka nilagay dun ang sulat na ginawa nito kagabi, Ayaw na sana nyang ibigay ito pero mas gusto nya ring malaman ni Reighn ang totoong nararamdaman nya para dito. Tiningala ni Ashley si Reighn gusto kasi nyang makita ang mukha nito kahit sa huling pagkakataon na lang. Naawa sya sa hitsura nito ng makita nya. Namumula ang mga mata at ilong nito, nakatikom din ang bibig na tila nagpipigil ng emosyon. Napabuntong hininga na lang si Ashley sabay talikod at mabilis na naglakad palayo kay Reighn. 'Sana sa muli nating pagkikita Reighn, kung magkikita pa nga tayo! Sana nakangiti ka na at masaya . Goodbye Reighn, Mahal kita kung alam mo lang!' Pagkapasok pa lang ni Reighn sa hotel na tinutuluyan nya deretso kaagad sya sa bar at kumuha ng isang boteng alak saka sunod sunod na nilagok ang laman nun. Hinugot nyang cellphone sa bulsa para sana tawagan ang assistant nya sa Pilipinas para ipaalam na sa makalawa uuwi na sya, Magpapasundo sya sa airport at ayaw nyang mag drive kasi paniguradong maiinip na naman sya sa traffic, Ng biglang may nahulog na papel sa sahig galing sa bulsa nya, Kunot ang noong pinulot nya ito at nagtatakang binuklat ang nakatuping papel. "Reighn, You came to my life when I thought that love was just a word and forever was just a time. I was just a simple being with a simple life, never believed to concept of change. I thought being effortless is just okay, free from worries and troubles. I'd seen the world as a continuous routine of life-you wake up, do things, sleep and wake up again. Plain and boring as it seems but that's how I understood existence. Love, for me, was just a word without any special meaning. I thought loving someone is just a necessity. You love someone because you need it in order to live and satisfy the expectations of our world. You love because you call for each other to survive. Love, for me, was just a requirement of life. Time is something that you can never bring back again once gone astray. I held on to that principle and believed that forever was just a partial time that goes by. I'd heard it often from people and I witnessed how time left behind their forever. But you came to me in the most unanticipated moment. I never knew that you'll change the way I see things and understand life. You taught me that life might be a routine but life full of worries and troubles makes it better to live on. You made me realized that life is jam-packed of ups and downs and I should enjoy it like a roller coaster. You taught me to believe in the constancy of change, that, it is something that will make us better. Meeting you made me think that love wasn't just a word or a requirement of life. Your presence helped me to understand the true essence of love and I'm grateful that I felt that kind of love on you. Loving you isn't just a necessity but a want. I want you in my life for me to go on. You gave me the forever I never thought I'll have. You made me hold on to that forever, and now, I learn to value time explicitly those times I spent and I will spend with you. You came to my life and I will be forever grateful that it happened. Unti unting napangiti si Reighn sa nabasa, Biglang napasapo sya sa dibdib nya ng biglang lumakas ang t***k nito, 'f**k! heart relax! ' Hinimas himas nyang dibdib para kahit papanu kumalma ang t***k ng puso nya. Ilang minuto din nyang ginawa yun bago sya kumalma at pinagpatuloy ang pagbabasa ng sulat ni Ashley. "I love the way you tell me that I'm beautiful, and the way you make me laugh like no one else. I love the way you move the hair away from my eyes, and then kiss me on my face. I love the way when you take me to the park and put your hands around my waist as we watch the sunset together and feel the ocean breeze. I love the way you'd sing to me at random moments, and look at me and smile. I love the way you leave the smell of your cologne on my clothes after we hug I love the way you would send me my favorite flowers along with an " I LOVE YOU" card. I love the way you speak your mind and tell me about your opinions. I love the way you're not afraid to cry and show your feelings. I love the way you call me in the middle of the day just to say " I LOVE YOU." and say how much you miss me. I love the way you tell your friends about me and smile when you do. I love the way you whisper into my ear, the way your voice sounds so close to me. it feels like I'm dreaming. I love the way you do all of these and the fact that you're not ashamed to do it. I love the way you treat me, and I'm glad to be yours... Namasa ang mga mata ni Reighn habang binabasa at binabalikan ang lahat ng pangyayaring iyon kasama si Ashley. 'Ang babaeng in denial na yun,.. 'Ang babaeng nagpahirap sa kanya, pero nagpalasap ng sarap,... 'Ang babaeng kutungera, pero nag papasaya sa kanya,.. 'Ang babaeng maldita, suplada at ma pride, pero nakatulong para matutu syang magpatawad at mag mahal muli,.. 'Ang babaeng madalas siyang saktan at nagpapaiyak, pero napaka lambing at maasikaso sa kanya,.. 'Ang babaeng pinaka mamahal niya... 'Ang Miss Lansones ng buhay niya!' Napatawa na lang si Reighn sa mga naiisip nya. Tutupiin na sana nyang papel ng may mahagip ang mga mata nya sa bandang likuran ng papel, May nakasulat pa pala dun, Nanlabo ang paningin nya dahil sa luhang pinipigilan nyang tumulo, Pero sinikap nya pa ring basahin yun... "Kakainin ko pride ko, ibababa ko sarili ko, wag ka lang mawala sa buhay ko." ----- Ashley ----- Biglang tumulo ang mga luha ni Reighn, Napapikit na lang sya at nayakap ang sulat na iniwan ni Ashley sa kanya. Pero anong ibig sabihin ng mga binitawang salita kanina ni Ashley sa kanya? 'Ano bang gustong palabasin ng babaeng yun? Bakit ba gustong gusto nyang makita akong nasasaktan? Humanda talaga sakin ang Miss Lansones na yun pag nagkita kami ulit.' Sa naisip tinawagan nya agad ang travel agency ng kaibigan at nagpa book agad ng ticket pabalik ng Pilipinas. 'Philippines! Hay sa wakas nakauwi na rin ako.' Nakadipa habang nakapikit ang mga matang wika ni Ashley,. Malapad ang ngiti nya habang pinapalibot ang tingin pagkalabas ng Arrival Area sa Terminal 3 Airport. "Ate Ashleeeyyy!.." Narinig nyang boses ng kapatid sa bandang kaliwa nya kaya kaagad syang napalingon dun. Nakita nyang bunsong si Jr kasama ang nanay at tatay nyang kumakaway sa kanya habang malapad na nakangiti. ( At OO, in good terms na sila ng tatay nya, Nagkaliwanagan at nagkapatawaran na rin sila,. ) Kaya masayang masaya na si Ashley ngayon. Napaayos na rin nya ang bahay nila, Malapit ng makatapos sa pag aaral ang dalawa nyang kapatid. Maayos na rin ang pamumuhay nila,. At ang lahat ng yun dahil sa pagsisikap nya sa Japan, kaya malaki ang pasasalamat nya sa bff nyang si Barbie, Dahil ito ang tumulong sa kanya para maabot ang mga pangarap nya sa buhay. "Anak, kumusta ka na?, Miss na miss ka na namin! nak." Niyakap si Ashley ng mahigpit ng nanay nya. Hinalikan naman nya ito sa pisngi ng maghiwalay na sila. Binalingan naman ni Ashley ang tatay nya na naka ngiti rin sa kanya habang may luha sa gilid ng mga mata nito. "Anak, Natutuwa akong nakabalik ka na, Salamat anak sa lahat lahat ng tulong mo, Pinag mamalaki ko na anak kita, Ashley!" Suminghot singhot ang tatay nya at niyakap sya ng mahigpit. "Ang tatay.. nagda drama na naman, Halina ho kayong umuwi at marami po akong pasalubong sa inyo." Nangingiting hinila na ni Ashley ang mga magulang habang nakasunod naman sa kanila ang kapatid na tulak tulak ang mga bagahe nya. Kararating pa lang ni Reighn sa condo unit nya sa Makati ng makatanggap ng email mula kay Detective Marvin. Binuksan at binasa nya kaagad ang report nito sa kanya. 'Hmmm.. So, sa Las Piñas na palang bagong address ni Miss Lansones huh!' Napailing na lang si Reighn ng maalalang hirap na dinanas nya makabalik lang kaagad ng Pilipinas. Basta para kay Ashley lahat gagawin nya kahit imposible pa yan gagawan nya ng paraan. Naligo at nagligpit lang ng konti si Reighn sa condo nya at ngayon nagmamaneho na sya patungo sa bahay nila Ashley. Kinakabahan man sya at di mapakali kailangan na nyang makita ang dalaga dahil kung patatagalin pa nya ito baka masira na naman mga plano nya. Hindi naman sya nahirapang hanapin ang address ng dalaga nakita kaagad nyang subdivision na tinitirhan nito. At ngayon nga ay nakatayo na sya sa gate bitbit ang mga regalo nya at bulaklak para kay Ashley, At ng akmang pipindutin nya ng doorbell biglang bumukas ang pulang tarangkahan., Napaatras si Reighn ng may palabas na matandang lalake sa gate. "Good afternoon po! Sir, dito po ba nakatira si Ashley? I'm Reighn, boyfriend po nya." Nakangiting pagpapakilala ni Reighn sa matanda. Habang inilahad nyang kamay para kumustahin ito,. Hinuha nya ito ang tatay ni Ashley. "Magandang hapon naman iho, anong kailangan mo sa anak ko?" Tinanggap naman agad ng matanda ang nakalahad na kamay ni Reighn. "Nais ko po sana syang makausap kung pwede lang po sana Sir!,." Pakiusap ni Reighn na kinakabahan. "Ayos lang naman, Halika pasok ka muna't tatawagin ko si Ashley". Sumunod naman si Reighn sa matanda, Pagkapasok nila ng bahay pinaupo muna sya nito sa salas. "Deling, maghanda ka muna ng meryenda at may bisita si Ashley," turan ni Hernan sa asawa nya bago umakyat sa pangalawang palapag para tawagin ang anak. "Teka! Sandali lang." Anang ginang sumagot na nasa kusina. Si Ashley naman na pababa na sana ng hagdan ay napahinto sa paghakbang ng marinig ang sinabi ng Ama na may bisita daw sya. Kaya ba sya kinakabahan kanina pa? At sino naman kaya ang bisita nya eh kanina lang sila nagkita ni Barbie, nag lunch pa nga silang dalawa kanina sa labas. Nagtatakang sinalubong na nyang Ama, para tanungin kung sino ang bisita nya. Tinuro naman ng tatay nya ang sala nila at napasunod na lang ang tingin nya dun. Nanlalaki ang mata nyang nakatingin kay Reighn. 'Diyos ko! Paano nyang nalaman itong bahay namin?' Kinakabahang napaisip si Ashley. "Hi, good to see you again, Ash!", Simpatikong nakangiting sabi ni Reighn kay Ashley na nakatulala lang sa kanya. "A - anong ginagawa mo dito? Panu mo nalaman ang bahay namin?" Nauutal at nagtatakang tanong ni Ashley. "I have my ways" Nakangiti pa ring sagot ni Reighn, Naaaliw talaga sya kapag ganitong reaction ni Ashley sa mga ginagawa nya. "Pwede ba tayong mag usap?" Ng makabawi sa pagka bigla, Napabuntong hininga na lang si Ashley bago umupo sa pang isahang sofa.. "Talk" baling nyang sabi sa binata. "Ash, gusto kong malaman kung totoo ba ang lahat ng isinulat mo sakin? And I want to know your reason why you leave me hanging?" Nagsusumamong tanong ni Reighn sa kanya. "Leave ka diyan! Hindi ah! Gusto ko lang naman ng konting space para makapag isip. At saka tapos na po ang contract ko sa Japan kaya kailangan ko na talagang umuwi ng Pilipinas." "Eh yong tungkol sa sulat, totoo bang lahat ng iyon?" Nahihiyang napatango na lang si Ashley. Wala na syang masasabi pa, saka isa pa sa eroplano pa lang nakapag isip na sya. Mahal nya talaga si Reighn kahit na anupang tanggi at pagkukunwari nya. Sya lang ang nahihirapan sa kakaiwas dito, Kaya wala ng silbi para pahirapan nya pang sarili nya. Si Reighn naman ay hindi na napigilan pa ang bugso ng damdamin, Sinugod nya ng yakap ang dalaga at siniil ng halik sa labi. Naputol lang ang halikan nilang dalawa ng may biglang tumikim at agad silang napabitaw sa isa't isa. Nagkatinginan muna bago sabay na napatawa at nilingon kung sinong nakahuli sa ginawa nila. Nakangiting mukha ng mga magulang ni Ashley ang nakatunghay sa kanila. Lumipas ang buwan at mga taon na walang mapagsidlan ang saya at ligayang nararamdaman nila Ashley at Reighn ngayong malapit na silang ikasal. Naisip tuloy ni Ashley, Basta't nagsipag ka at pursigidong maabot ang mga pangarap mo sa buhay, walang imposible kahit pa nga na maraming balakid ang dadanasin mo, malalampasan mong lahat basta't magtiwala ka lang sa sarili mong kakayahan at manalig ka lang sa Poong Maykapal makakamit mo rin ang tagumpay. Marami mang hadlang, pasakit, kabigoan, Ang lahat ng yun kinaya ni Ashley para sa pamilya nya gagawin nyang lahat guminhawa lang ang buhay nila. At ngayon higit na biyaya pang natanggap nya, dahil may isang lalakeng nag mahal ng tapat sa kanya, Binago ang lahat lahat sa kanya pero kahit magka ganun pa man wala syang pinag sisisihan sa lahat ng nangyari sa buhay nya.. Masuyong hinalikan ni Reighn sa nuo si Ashley at nakangiting sinabi na.. "Mahal na mahal kita Mrs. Ashley Arsones Sebastian, My one and only Lansones" Kinurot pa nyang pisngi nito at napatawa ng tumulis ang nguso ni Ashley sabay kamot sa ilong nito. 'Ah! ang cute talaga ng misis ko, Kahit inis na inis na ito.' Napatawa na lang sya ng malakas ng kurutin ni Ashley ang tagiliran nya. "Mahal na mahal din kita Mr. Nice Guy ng buhay ko!". Magkayakap na pumasok ng bahay ang mag asawa. Alam nilang lumipas man ang ilang taon, Mananatiling matatag ang pagmamahalan nila sa isa't isa. Masaya at kontento na sila sa buhay lalo na ngayong madadagdagan na sila ng kambal na anak. Wala ng mahihiling pa ang mag asawa, Nagpapasalamat sila kay Lord dahil napatunayan nilang may Forever nga talaga. ----THE END ----- Love is our true destiny. We do not find the meaning of life by ourselves alone - we find it with another. ❤ - Reighn & Ashley Story - "Relationship should not be composed by what the others would see and what you both can give to each other. It should be founded by love that you both feel on the first day that your eyes met." ?MahikaNiAyana

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD