My Baby

2161 Words
Lumipas ang mga araw ng di na namamalayan pa ni Ashley, Naging ukopado na ni Reighn ang isip niya, maraming katanungang bumabagabag sa pusot' isipan nya. Bakit parang bumaliktad na ang sitwasyon sabi niya noon hinding hindi sya magkakagusto kay Reighn, pero ngayon nalilito na sya. Bakit nga ba hate nyang lalake? eh, wala namang ginagawang masama sa kanya, Puro pa nga kabutihan ang sinusukli nito sa lahat ng pag papahirap nya. Ni minsan di man lang ito nagreklamo kahit nasasaktan na ito sa mga sinasabi at pinag gagawa niya. Ano nga bang kasalanan nito sa kanya na ganun na lang kung pahirapan nya ito. Bakit ba hindi nya makalimutan ang nangyari noon sa eroplano? Dahil ba sa napahiya sya? kasi, di man lang nag sorry sa kanya si Reighn kahit ilang beses na silang nagkita at kahit na ngayong mag kasintahan na sila? Hindi sya sanay magpakumbaba dahil ma pride sya, sanay syang magpa ikot ng lalake sa mga kamay nya. At kahit kelan di pa sya nag seryoso sa mga naka relasyon nya playgirl pa rin sya. "Hoy! Ano na naman yang iniisip mo ha? Lutang ka na naman girl, iniisip mo ba si Mr. Nice guy? In fairness sa isang yon matatag sya ha!." Wika ni Marry sabay lagok ng tequila at sipsip ng lemon habang napapangiwi pa. "Hay...ba't ganun Marry? ayaw nya sumuko matatalo ako nito sa pustahan natin eh!" Nakasimangot nyang sagot habang sinasalinan ng alak ang shot glass nya. "Mag bayad ka na lang... para may pandagdag ako pambili ng pasalubong kila Mama" "Heh! Magbayad ka dyan! Dipa ko natatalo sa kahit na anong pustahan noh!" "Haha baka ngayon pa lang Ash, matalo ka na,. Sinasabi ko sayo matyaga yang jowa mo, kita mo naman minamani lang ang ugali mo." Natahimik na lang si Ashley wala syang masabi kasi totoo lahat ng sinabi ni Marry sa kanya , at kinakabahan sya sa totoo lang, kasi napapalapit na si Reighn sa puso nya. "Oh, natahimik ka,. kinakabahan kana anoh? Ayan kasi, sa p**********p mo dun sa tao kina karma ka na girl hahaha." Pang aasar pa ni Marry sa kanya. Napasunod sunod ang lagok at tagay nya sa tequila hindi na alintana ang lasa basta inom lang sya ng inom. Nasigawan tuloy sya ni Marry dahil alam nito na mahirap pag nalalasing na sya. Hindi nga sya nagwawala pero wild sya kapag lasing. "Alam mo girl, Bago ko sya nakilala.. ako yong babaeng kayang kaya lahat. Kaya kong maging masaya mag isa. Kaya kong maging malungkot mag isa. Mas gusto ko kumain mag isa. Kaya kong mag desisyong mag isa. Kaya ko ang sarili ko. Hindi ko kailangan ng ibang tao para maramdaman ang gusto kong maramdaman. Pero nakilala ko sya, Nong nakilala ko sya hindi ko inisip na magiging ganito ako. Hindi ko naisip ni minsan na kakalimutan ko ang mga nakasanayan ko para sa ibang tao. Pero ginawa ko kahit takot ako ginawa ko kasi minahal ko na sya. Ayaw ko syang ipagpalit sa kahit ano man. Kasi nag iisa lang sya at mas mahalaga sya sa mga bagay na nakasanayan ko na. " Napatawa at napailing na lang si Ashley na parang hindi maka paniwala sa nangyayari ngayon sa kanya. "Girl, ganito lang yan eh! May mga pagkakataon na kahit nasa harapan mo na 'yung dahilan para maging masaya, minsan may doubt ka pang sunggaban 'yun dahil masyado kang attached sa nakaraan mo. Dapat daw kasi "You don't fall inlove with your memories", 'yung bagay na nawala na, mga gawaing nakasanayan mo na, pwede yang magbago at baguhin nasa sayo na lang yan kung gagawin mo o gustuhin mo. Huwag mong hintayin na mawala sayo ang lahat bago ka kumilos. At kapag nag decide ka na sa sarili mo na gusto mo ng maging malaya't maging masaya, h'wag ka nang magbabalik pa sa dati ok!. Be happy my friend! deserve mo yan" Nangingiting tinapik pa sya sa balikat ng kaibigan. Ngumiti na rin sya at humilig sa gilid ng bar counter. "Salamat girl, galing mo dun ah tinamaan ako." Sabay sapo sa nuo nya dahil nahihilo na sya. Mantakin mong sya lang ang nakaubos ng isang boteng tequila at ngayon nangangalahati ng isa pa. "Isa pa ngang bote ng tequila pogi, uyyy.. girl ikaw magbayad nito ah!" Wika ni Marry habang binubuksan ang bagong bote ng alak na inabot ng bartender dito. Ngumiti na lang sya sabay tayo at naglakad puntang toilet." Saglit lang girl cr lang ako" Paekis ekis ng naglakad si Ashley. Nakasunod lang ang tingin ni Marry sa kanya. Habang umiinom mag isa si Marry, nakita nyang ngbi blink ang cellphone ni Ashley na nakapatong sa ibabaw ng pouch nito, Wala syang balak sagutin ni hindi nga nya tiningnan kung sino ang caller nito hanggang sa mamatay na lang basta ang tawag. Pagkalipas ng tatlong minuto umilaw na naman ito kaya inabot nya yun at tiningnan kung sinong tumatawag.. 'Reighn...calling' Nagdalawang isip sya kung sasagutin o hindi, napalingon sya sa bandang toilet nagbabakasakaling pabalik na si Ashley pero wala pa rin ang kaibigan nya. At Namatay na ulit ang tawag. Ibabalik na sana nya sa pouch ang cellphone ng bigla na naman itong umilaw, si Reighn na naman. 'hay ang kulit.' "Hello Reighn, Napatawag ka, need anything?" Sinagot na lang nya para matapos na. "Hi! who's this, where's Ashley?" Kunot nuong tanong ni Reighn sa kausap. "Ah, nag cr lang pabalik na siguro yun, Si Marry to, sabihin ko na lang kay Ash, na tumawag ka. ok! bye na." "Wait! Where's Ashley? Bakit ang ingay nasa bar ba kayo? Galing ako sa apartment nyo walang tao dun. San kayo?" 'Naku naman! Baka magalit si Ash kapag sinabi ko kung nasaan kami ah..' "Sa tabi tabi lang kami Reighn no worries maya maya uwi na rin kami." "Saan ba yan? sunduin ko na kayo." Nag aalalang sabi nya kay Marry. 'Naku! Patay, san na ba kasi ang babaeng yun ba't ang tagal nya? "Ah wag na Reighn, ok lang kami dito." "Please!". 'Ang kulit nga talaga ng lalakeng ito haay.' "Sige, text ko na lang sayo ang address, bye.". Nag aalala na si Marry 15 minutes ng nakalipas dipa rin nakakabalik si Ashley, kaya sinundan na niya ito, Bago nya marating ang cr napatingin sya sa mesang madadaanan nya at dun nya nakita ang kaibigan na nakasubsob sa lamesa. "Ash, hoy! gising" Niyuyogyog na nya ito pero umungol lang at bahagyang dumilat. "Ash, kaya mo pa bang tumayo?" Sabay alalay nya dito. Ng hindi na makahakbang ang kaibigan pina upo nya ulit at saka bumalik sa bar kinuhang mga gamit saka nagbayad, saka binalikan si Ashley na nakahiga ng kalahating katawan sa sofa. Napailing na lang siya habang nakatingin dito namomroblema sya kung paano nya mai uwi ito ng may maalala siya't tinawagan kaagad ito. "Hello, Reighn, San ka na? Malapit na? Sige hintayin na lang kita dito malapit sa toilet ha! Ok sige thanks, bye." Kasisilid lang nya sa bag ni Ashley ng cellphone nito ng ang kanyang cellphone naman ang tumunog agad nyang sinagot ito ng makitang si Hiroshi iyon. "Hello babe, yes? .. Now? Oh ok! Wait me there! bye." Saka nya nilapitan at tinulungan si Ashley na maka upo at inayos ang hitsura nito. "Girl, hoy, ano ok ka ba?" Tinapik tapik nyang pisngi nito. Dumilat ang namumungay nitong mga mata, "F-- friend... a - nuh.. iiiinom p - a ta- yooo? Nabubulol na sabi ni Ashley saka pumikit ulit. "Ano ba yan Girl, sabi ko naman kasi sayo na hindi tubig ang tequila eh! Naku namaann!" Naiinis nyang pinag sabihan ang kaibigan. Pangiti ngiti lang ito saka dumilat ulit habang pinipilit na makatayo. Inalalayan naman nya kaagad ito. Patungo na silang entrance ng bar ng papasok naman si Reighn, ng makita silang dalawa kaagad itong lumapit at inalalayan din si Ashley. "Hay salamat at dumating kana rin, Reighn pwede bang ikaw na munang bahala kay Ash, kasi hinihintay ako ni Hiroshi eh!". "Ano ba kasing nangyari at naglalasing kayo?" Sabay ayos nya sa buhok ng dalaga na yung iba dumikit na sa pisngi nito. " Ewan ko ba dyan sa syota mo, bigla na lang nagyayang uminom, Sya lang ang nakaubos sa isa't kalahating bote ng tequila eh!" "Huh! Ganun sya kalakas uminom?" Magkasalubong ang kilay nya ng bumaling kay Marry. "Ay oo naman, #1 manginginom yan ng club, laki nga kita ng club dyan eh, kasi di bote lang ang inoorder nyan sa customer ayaw nya ng pitsel pitsel na inumin hahaha." 'Tsk tsk.. Napaka alcoholic pala ng babaeng ito. Buti malakas resistensya nito.' Sige, ako ng bahala sa kanya ihahatid ko na lang sa apartment nyu." "Ay wow!". Napapalakpak pa sa tuwa si Marry. " Thank you talaga ha! Oh itong susi, ingatan mong friend ko ha lab ko yan kahit ganyan yan". Ki niss pa nya ito sa pisngi bago dali daling umalis. Napapailing na lang si Reighn habang pinagmamasdan si Ashley na nakahiga na sa kama habang sinusuklay ng marahan ang mahaba nitong buhok. Nakasakay na sila ng taxi at nakauwi na sa apartment ng dalaga at napunasan na rin nya ito ay ni hindi man lang ito nagising. Napabuntong hininga siya't kinausap si Ashley kahit tulog, Malakas loob nya ngayon kasi tulog ito, hindi sya masupalpal.. Masakit pa naman ito kung magsalita o kahit magbiro man ito nasasaktan pa rin siya. "I always knew that love would come find me someday, but never did I know that it would be you who was headed my way. You caught me off guard and took me by surprise, but you simply captivated me, the same way you do when I look into your eyes. It's true that every good and perfect gift is from above. You were presented to me as a beautifully packaged gift full of humor, talent, intelligence, beauty and love. "It isn't finding the perfect person but learning to see an imperfect person perfectly." We all have our flaws, but when I view you through my eyes, perfection is all I see. From when you laugh to when you're upset, I still love the little things you do, especially hearing you laugh and seeing your nose wrinkle the same way mine does. too. Coming into this relationship has been hard at times, but we've made it through. I know as long as we're on this journey together, there's nothing that we can't do. Sometimes I wonder if what we have is too good to be true. Too scared to get my heart broken and scared of the thought of losing you, but in the end, I trust in the author and perfecter of what I believe, because what we ask for in Him, we in return shall receive. Where your treasure is, your heart will be also" is how the saying goes. I may not know what tomorrow may bring, for God is the only one who knows. The one thing I do know is that you are my one and only, a treasure in my heart that I want to devote my whole life to completely. I know I don't need to prove my feelings to know they're true because what I've known in my past doesn't come close to the experience I've shared with you. I've had the experience of being in relationships before, however, this is the first time I've been truly happy... I couldn't ask for anything more. It's an honor to know that I am yours, as you are mine, and I trust God that He'll bring us together in His beautiful time. God made everything beautiful, precious and new, just as beautiful and precious as the day will be, when I look into your eyes and say, "I Love You. Your always be my baby señorita, Ashley" Ngumiti si Reighn at hinagkan sa nuo si Ashley, Inayos nya rin ang kumot nito saka lumabas na ng kwarto deretso sa pinto palabas ng apartment nito. Tumulo ang luha sa gilid ng mga mata ni Ashley, Hindi nya inakala na ganito kalalim ang pagmamahal sa kanya ni Reighn. Idinilat nyang mga mata nyang namumula na dahil sa kalasingan at siguro dahil kanina pa nya pinipigilan ang mga luha nya na wag tumulo, Ayaw nya kasing maputol ang mga sinasabi ni Reighn sa kanya at ayaw nya ring malaman nito na gising sya, Kanina pa sa taxi nagkunwari lang syang tulog kasi nahihiya sya kay Reighn. Hate nya ito pero mahal na niya in denial lang sya dahil sa pride niya. 'Ano na ngayon ang gagawin mo Ashley? Ngayong ikaw ang nahulog sa patibong na ginawa mo at hindi si Reighn? Itatanggi mo pa rin ba sa kanya ang totoo mong nararamdaman? Gayong tapat at mahal na mahal ka ni Reighn?' Napapikit na lang sya ng mariin ng sumigid ang kirot sa sintido nya, Sumasakit lalo ang ulo nya sa kakaisip kung ano ng mangyayari ngayon. 'Bahala na bukas! Aaahh peste! sakit ng ulo ko huhu...' ?MahikaNiAyana
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD