Chapter 5
MALAPIT na.
Tumingin si Sabrina sa anak na nakaupo sa likod ng sasakyan. Busy iyon sa pagtingin sa Biblical book na hawak.
Deene loves to read the book with colorful pictures. Ang binabasa nito ay ang Garden of Eden. Matagal na nila iyong binasa pero paborito iyon ni Deene kaya hindi nagsasawa kahit na paulit ulit.
"We're near, baby."
"Okay, Mommy," nakangiting sagot nito sa kanya.
Malayo pa ay natanaw na niya ang building, napakatayog na building ng kanyang kumpanya.
Maybe, it's also about time to personally summon Braileys for their annulment. Face to face nila iyong gagawin. Una sa lahat, hindi na rin siya nagtatago pa kaya matapang na rin niyang mahaharap.
The barricade didn't move even when she reached the entrance of the whole property.
"Ma'am, I.D," anang gwardiya sa kanya kaya kinuha niya ang kanyang bag.
"Don't you know po that my mom's the owner?" Deene asked the guard.
"It's okay, sweetie," anaman niya, "It's good that they're doing their job."
Iniabot niya ang lisensya at ganun na lang ang panlalaki ng mga mata ng gwardiya.
"Diyos ko. Pasensya na po, Ma'am, di ko po alam."
"Okay lang po," nakangiti niyang sagot sa natatarantang lalaki.
Nagmamadali nitong iniutos na itaas ang barikadang bakal kaya pumasok na rin siya.
Naghugot na muna siya ng malalim na hinga at sinulyapan si Deene. Her daughter is so cool, still reading the book.
Pumarada siya sa isang bakanteng pwesto sa parking lot saka sila bumaba na mag-ina, nakatinga sa matayog na building nilang mag-asawa.
She is walking with her daughter inside the building of her beloved husband. Beloved? Dughhh! She did a mental eye roll.
Pagkababa kasi nila ng sasakyan na mag-ina ay diretso kaagad sila sa lobby ng Elizares-Guzman Engineering, Architecture and Interior Designs, at kung taas noo siya ay mas taas noo ang prinsesa niyang kasama.
Bakit ganitong umakto ang anak niya ngayon? Dahil ba kinalakihan na nito ang pagkakakita sa kanya na umiiyak kaya sa awa marahil ay kaagad na namulat ang isip, nang minsang sabihin ng kakambal niya ang tungkol sa paghihirap ng kalooban niya sa ama nito?
She sighed.
Hindi niya pinansin ang mga makahulugang tingin sa kanya mula ulo hanggang paa ng mga naroon, na humahabol ang mga mata sa kanilang mag-ina. She's back and she'll claim what belongs to her.
Pinag-isa na kasi ni Brail ang kumpanya nila. He sold her building and expanded his own. Tuso talaga. Di niya alam ang purpose nun pero isa lang ang nakikita niya, kaswapangan, dala pa rin ng paghihiganti.
Natigilan siya sa paghakbang nang tumapat na sila sa elevator. Malaki na ang ipinagbago ng building. Kahit na sa labas kanina ay twisted ang korte at puro tinted fiber glass at kahit na ang lift ay ganoon din. Ang hindi lang salamin ay ang private elevator, purong stainless ang pagkagawa.
To what? To hide his dirty moves with his roaming bitches around?
"G-Good afternoon Ma'am S-Sapphy." bati ng isang babae na hindi niya sana balak na tingnan pero nabosesan niya.
She twisted her head.
Ngumiti sya nang makita ang dati niyang secretary, si Mona.
"Still working here?" takang tanong niya, but she's so glad to see an old friend.
Sunud sunod ang tango ng babae sa kanya at inayos ang salamin na suot. "Opo. The CEO kept us all. Kahit po nag joint na ang kumpanya niyo, di po kami pinaalis ng asawa…I mean ni sir Brail po." bahagya pa iyong yumuko kaya hinawakan niya sa braso.
Malamang nahiya ito sa tinuran na asawa niya si Braileys.
"It's okay. Don't be afraid. I'm still the Sapphy you met before." paalala niya rito.
She even gave the woman her sheer smile, para maging komportable na naman ulit sa kanya. Hindi sila umabot ng dalawang bwan na magkasama pero dalaga pa lang sya ay kilala na niya ang babae. Pamangkin ito ng secretary ng Papa niya na si Katarina.
"Ang ganda niyo lalo, Ma'am." aniyon na pinasadahan sya ng tingin.
She's wearing a black fitted long-sleeved dress, na ang laki ng ukab sa likod at sa harap. Ang haba ay abot kalahati lang ng hita niya. And knowing its black in color, lalo na naman siyang namuti.
Sapphy just pouted. Di pa rin sya sanay na kino compliment siya. She's still that tamed Sapphy. Matapang lang sya ngayon ay kay Braileys at sa mga babae nun.
Naagaw ng pansin ni Mona ang batang kasama niya. Tumulala pa muna ang ito saka tumingin sa mukha niya ulit.
"M-May anak na po kayo, Ma'am?" parang nanlulumong tanong nito sa kanya.
Baka nag-iisip ito na hindi si Deene kay Brail kaya parang malungkot ang tanong sa kanya. Alam niya na ang mga taong tapat sa kanya ay umaasa na magkakabalikan silang mag-asawa. Yung mga inggetera, malamang ay hindi.
Taas noo siyang sumagot, "Yes. She's my daughter, Deene." aniya. "Baby, say hello to Tita Mona. She's a friend." baling niya sa bata.
Saka lang iyon nagkaroon ng ngiti sa labi nang sabihin niya na friend niya ang babaeng kaharap nila.
"Hello, Tita Mona." hinila nito ang laylayan ng damit ni Mona.
"She wants to kiss you," imporma niya sa babae na kaagad naman na yumuko.
Napahagikhik pa si Deene nang matapos hagkan sa pisngi ang sekretarya niya, na tila ba amused pa sa anak niya.
"Ang biba niya Ma'am."
Ngumiti sya nang mas malaki. "Mana sa Mommy, of course." aniya.
Bumuka ang bibig ni Mona at parang gustong magtanong kung sino ang ama ng bata kaya inunahan na niya.
"He doesn't know. I don't want him to know." aniya sa babae na marahan lang na tumango at itinago ang mga labi.
She can trust this woman, and she knows that. Bata pa siya ay kilala na niya si Katarina. Ngyon na matanda na siya ay nasa EGA pa rin iyon. Pamilya na nila ang babae kaya ang turing din nila kay Mona ay hindi iba.
Nang bumukas ang private lift ay pumasok na sila ni Deene. Sa kabila naman ay pumasok na si Mona at napasulyap pa sa anak niya.
"Mi, where is he?" tanong ng bata sa kanya at hinila ang laylayan ng damit niya.
Yumuko sya para tingnan ito. "You'll see him later." aniya. "He's Braileys or Brail." imporma niya sa anak.
Saka niya hinimas ang ulo nito.
"What's his last name Mommy?"
"Guzman," ngumiti sya.
Tumango si Deene, "I'll call him Mr. Guzman." seryosong pahayag nito na ikinatawa niya nang malakas.
Hindi niya alam na pinag-aaralan ng anak niya ang mga bagay-bagay na ganito.
Napahugot pa sya ng hinga nang bumukas ang pinto ng elevator at bumungad sa kanya ang ilang mesa na may mag tao.
Napadako kaagad ang mga mata niya sa may isang mesa roon kung saan nakaupo ang isang babae at kaharap si Braileys.
Nagtatawanan ang dalawa ay nag-uusap at may bulung-bulungan pa. It's a different woman from who she saw last night.
Totoo pala ang mga sumbong sa kanya ni Celine, ang matalik din niyang kaibigan noon sa hayskul. Iyon ang parating saksi sa mga pagpapapogi ni Braileys sa kanya, not to count in Becca.
Si Celine ang mga mata niya noong nasa America siya. She was even sending her photos of Brail with a blonde woman.
Babaero talaga ang hayup. Biglang sumikdo ang dibdib niya. s**t! Eto na naman. Parang habang nadadalas ang pagkikita nila ay nadadalas din yata ang sakit sa kalooban niya kapag nakikita itong may babaeng kalampungan.
"Is that him, Mommy?" turo kaagad ni Deene sa ama.
Saktong sakto iyon na itinuro nito sa kanya. Nakakainis at bakit dapat pang makita ng anak nila na may kinakalantari na naman na babae ang magaling niyang asawa?
"Yes, s-sweetheart." she honestly said.
Mas nasaktan siya para sa anak niya kaysa sa sarili niya. Gusto niyang magtanong kung tama bang isinama niya ito.
Lumiko ang nguso ng bata at inilagay sa likod ang mahabang buhok.
"That woman he's talking to compares nothing to you Mi. She looks like a duck." anang anak niya na ikinalaki ng mga mata niya.
Ihinarap niya ito ng saglit. "Baby, that's bad." malambing na wika niya rito pero umiling ito.
"No, mi. It's bad if I am telling lies but I'm telling the truth." rason pa nito sa kanya kaya di sya nakaimik.
Hindi kaya mana ito sa kanya?Sabi kasi ng Mama niya ay noong limang taon daw sya ay matalas din ang bibig niyang magsalita.
Wala sa loob na natingnan niya ang babaeng kausap ni Brail, na ngayon ay nakahawak na sa braso ng asawa niya at pinaglalaruan pa ng isang kamay ang kwelyo ng suot na puting long sleeves. Mukhang naeenjoy naman ng isa ang ganun. Syempre. Malibog kasi.
Pero gwapo nga naman talaga si Braileys. Magiging Hollywood actor ba naman ito noon, kung hindi ubod ng pogi at mayaman sa karisma? Ang bunganga pa ay mina ng kahambugan kaya nabola sya nang husto at napabigay nga siya kaagad, kaya ngayon ay may mataray na syang prinsesa.
"Come on. Behave okay." aniya rito at saka ito hinila papasok ng Head department.
Kaagad na naagaw ng presence niya ang mga mata ng karamihan.
Even Brail was stunned of a moment, na tila ba nawala sa harap nun ang babaeng nakaupo sa mesa at sa halip na nagtatrabaho ay naglalandi sa asawa niyang isa ring haliparot.
She stood in front of these two. Kaagad na napako ang mga mata ng mister niya sa anak niya - nila. Tapos ay sa kanya.
Pinakatitigan niya ang babae at ang mga mata niya ay nang-iinsulto kaya bumaba yun sa mesa at umikot sa kabila.
She looked at the name board. Trisha whatsoever. CEO Secretary. Umangat ang isang kilay niya. Sekretaray kamo!
Nang tingnan niya si Braileys ay pagkalito ang nakaguhit sa gwapong mukha nito.
"I'm here to have my company back." she eagerly said.
Tumango si Brail at nahilot ng hintuturo at hinlalaki ang mga gilid ng labi habang ang isang kamay ay napunta sa baywang nito.
Bahagya pang napasulyap ito sa leeg niya at sa dibdib. Pervert!
"I'm waiting. Finally you came, baby." anito at parang nangiti na pati mga mata.
Tiningnan nito sa Deene na grabe naman ang pagkakatitig din sa ama. Too bad, the first meeting has to be this way. Dapat ay masaya at may mga pagkain, balloons and flowers, but apparently, none.
Maya maya ay humalukikip si Deene at umismid.
"I don't like you," diretsang sabi nito sa ama, na napaawang na lang ang bibig sa pagkabigla, "And her." sabay tingin nito sa secretary na lumuluwa ang malulusog na dibdib, na parang halos ikaputok na ng butones sa uniform na suot.
Tiningnan din ni Sapphy ang babae, gamit ang nanunuri niyang mga mata. Oras lang na patulan nun ang anak niya ay itutusok niya sa bunganga nun ang name board na nakapatong sa mesa. Pero nag-iwas lang ng tingin ang babae.
Tama! Mahal mo pa ang bunganga at lalamunan mo!
"Whose daughter is she?" tanong ni Brail na hindi matanggal ang mga mata sa anak nila.
Hindi umimik si Deene.
"Mine!" simpleng sagot niya. "Where's my office? If I don't have one, vacate yours. I'll have it. Dito ka na lang mag office sa labas, total nandito ka na rin naman lang, mas bagay ka rito." she sarcastically declared, brows lifted.
Pero mukhang wala sa kanya ang atensyon nito kundi nasa bata.
"Mommy's talking to you, Mister." anang bata kaya napakamot ng ulo si Brail at saka hindi malaman ang sasabihin.
Medyo bulol si Deene pero naiintindihan naman at english accent pa.
"Ah, y-yeah." sabi nito at saka tumingin sa kanya ng makahalugan, "We need to talk, Sab," his tone was soft.
Alam niya ang pag-uusapan nila. Malamang naghihinala na ito kay Deene kaya uunahan na niya ito.
"Hindi mo sya anak. Wag kang aassuming. We don't have to enter that room and interrogate me about my daughter," mataray na saad niya kaagad rito pero umiling ito.
Mukhang hindi ito kumbinsido sa sinabi niya.
"Gumawa ka na lang sa iba kung inggit ka. Marami ka naman, di ba?" she smirked as she glared at him.
Muntik syang mapaatras nang kagatin nito ang sariling labi at ilapit ang mukha sa may tainga niya.
"Ang taray mo, di mo ba alam ba mas lalo akong natu-turn on sa'yo? If I were you babe, stop that bago pa maulit ang nangyari sa condo ko six years ago at makabuo tayo ulit ng bata dahil kahit itanggi mo, ako ang daddy ng mataray na batang kasama mo ngayon. Mana nga lang sa'yo, suplada sa una," bulong nito na ikinalunok niya.
How dare him talk to her that way?
She can't deny it. Halo ang mukha ng bata kasi at kapag tinitigan ay nakikita ang features ng mukha ni Braileys. But she doesn't care. Manigas ito pero wala syang aaminin. Kahit pa magpa test ito, pakialam niya.
Binawi nito ang mukha at ang sumalubong sa mga mata niya ay nakangisli nitong aura. Nakaangat ang mga kilay nito na parang natutuwa pa sa kasupladahan ng sariling anak.
"Terminate him, Mommy. He's bad." utos sa kanya ni Deene at hinila na naman ang laylayan ng bestida niya habang nakatingala sa kanya.
To her dismay ay humalakhak si Brail kaya di sya nakasagot. Para bang siyang-siya pa ito na tinatarayan ng bata.
"Anak ka nga ng nanay mo, mataray." sabi na lang nito na umiiling at tinangkang kargahin ang bata pero yumakap kaagad sa mga hita niya.
She saw how his face turned ill-fated. Akala yata nito ay basta lalapit at magpapakarga si Deene sa hindi kilalang tao.
Braileys was frozen on his track and she felt so victorious with that.
Buti nga sa'yo. In her naughty mind.
Walang salitang nilayasan niya itong naititilihan. Marahas niyang itinulak ang pinto ng opisina nito na kanina pa niya nakikitang may nakasulat na office of the CEO.
It's payback time, ex-husband!