"Hi, Ma'am Dafne, hinahanap ka namin kanina kay Sir Thomson, dahil may celebration tayo kina Ma'am Betty. Sabi naman niya, may ginagawa ka raw sa apartment mo. Um, ba't magkasama kayo ng estudyante mo?" untag sa akin ni Ma'am Bianca. Ngumiti ako. "Galing ako sa bahay ni Ms. Chelsea at ihahatid ako ni Mr. Delgado sa apartment ko. Dumaan kami rito to buy foods." "Ganoon ba? Sana all, inihahatid, 'no? At congrats nga pala sa pagkapanalo nila kanina. In fairness, ang galing mong magturo ng sayaw sa mga estudyante mo," puri nito sa akin. "Hindi naman, Ma'am," sambit ko. "Magaling magturo ang guro ninyo, 'di ba, Mr. Delgado?" baling nito kay Lindon. "Yes, Ma'am. At hindi lang ho siya magaling, kundi magaling po talagang sumayaw," ngiti na saad naman ni Lindon. Nagkatinginan pa ang il