"Dafne!" sambit ni Lindon nang sinundan niya ako sa banyo. Hinagod-hagod niya ang likod ko, subalit patuloy pa rin ako sa pagduwal. Mapait ang nalalasahan ko. At nangangasim din ang sikmura ko. Nang matapos akong magduwal ay inalalayan ako ni Lindon pabalik sa kama. At ipinasadal niya ako sa headboard. "Okay na 'ko, Lindon. Uwi ka na para hindi ka ma-late, dahil mahirap na at baka mapagalitan ka pa," nag-aalalang saad ko. "I'm not leaving, until I'm sure you're okay. At saka, ano bang nararamdaman mo at nagsuka ka? Wala bang masakit sa 'Yo?" muling tanong n'ya sa akin. "Wala naman, Lindon, baka, nabigla lang ang tiyan ko. Sige na, okay na ako. At ipahinga ko lang ito saglit," depensa ko. Umiling siya. "Kahit hindi ako makapunta sa party ni Chelsea, basta't ang importante sa a