"Anong ginagawa ni Ma'am Dafne rito, Chelsea?" untag ni Lindon. "Kasama siya sa celebration natin. At saka, may sasabihin ako mamaya, so I invited her here," ngiti ni Chelsea. "Hello, Sir, hello, Ma'am," bati ko. "Paupuhin mo na ang ating panauhin, Chelsea, upang sa gayon ay maumpisahan na natin ang ating usapin," walang ganang saad ni Mrs. Vegas. Sa palagay ko ay nasa mid 40's pa ito at pati asawa nito ay medyo bata-bata ring tingnan. Hindi ko sila masyadong napansin noong pumunta kami ni Thomson sa restaurant. "Umupo na tayo, Ma'am Dafne. And feel free ka rito sa bahay. Pagpasasalamat namin sa 'yo dahil sa tanan ng buhay klo bilang estudyante ay ngayon lang ako naging winner," nakangiti na saad nito sa akin. , "Wala ' yon, Chelsea. Trabaho ko na turuhan kayo ni Mr. Delgado dah