Episode 4 - Cheating

2027 Words
"Alam na ba ito ng mama mo?" "Hindi pa, bukas ko balak sabihin sa kanila, Papa." "Okay, balitaan mo na lang ako kung kailan." "Okay, Pa. Salamat." Nang maibaba ni Yuki ang kanilang pag-uusap ng kaniyang ama ay sobrang kaligayahan ang kaniyang naramdamana. At agad naman niyang tinawagan si Helario at ibinalita na pumayag ang kaniyang ama. Natuwa naman ang nobyo sa kaniyang narinig. Kinabukasan, sa hapag-kainan ay magkaharap ang mag-ina at ang dalawa niyang kapatid at nagsimulang magsalita si Yuki. "M-ma…" pag-aalangan niyang sambit sa ina. "Hmm?" tugon naman ng kaniyang ina na panay ang subo nito. "Magpapaalam na sana ako," sabi niya na may kabang naramdaman. "Bakit? Saan ka pupunta?Aalis ka na, dahil tapos ka ng mag-aral?" Walang pakundangan na tugon ng kaniyang ina. Napatingin naman ang kaniyang dalawang kapatid. "H-hindi po! Magpaalam na sana ako na magpakasal na kami ni Helario." "Ano?!" singhal ni Amanda at gulat na gulat ang kaniyang reaksyon. "Ang sabi ko, magpapakasal na kami ni Helario. "Hindi puwede, Yuki. Paunahin mo muna ako! Mama, dapat ako ang mauna kasi ako ang panganay." "Napatitig si Yuki sa kaniya at hindi agad nakapagsalita. "Tama si Ate Amanda mo, Yuki. Dapat mauna muna siya," pagsang-ayon naman ng kaniyang ina. "Pero, Mama, pumayag na po si Papa. At isa pa, wala ka pang nobyo Ate, malungkot niyang tugon. "Sinong nagsabing wala?Mayroon na at makilala n'yo rin sa darating na mga araw!" aniya. "Buo na ang desisyon ko, ang importante ay pumayag si Papa," seryoso niyang sabi at tumayo siya sabay pasok sa kaniyang kuwarto na walang pasabi. Malungkot niya itong ibinalita kay Helario at sinabi niya ang lahat. "Huwag kang mag-aalala, mahal. Ako ang makiusap sa iyong Mama," boses ni Helario sa kabilang linya. "Sige, mahal. Kung ayaw pumayag ni Mama ay aalis ako dito." Kinabukasan ay nagpunta nga si Helario, at nakikiusap sa kaniyang ina na payagan sila na mauna na lang. At dahil sa pakikiusap niya ay pumayag naman ang kaniyang ina. Sobra ang saya na kanilang naramdaman. "Salamat, Mama." "Salamat, Tita." Agad namang namanhikan ang pamilya ni Helario at pinag-uusapan ang petsa ng kanilang kasal. Sa lalong madaling panahon ang napag-usapan nila. Pinarating naman ni Yuki sa kaniyang ama ang petsa ng kanilang kasal. Nangako ang ama na uuwi agad sa susunod na linggo. Walang mapagsidlan ang saya na naramdaman ni Yuki. Saya na akala nito ay habambuhay na niyang makamtan. ISANG LINGGO bago ang kasal nila ay nagiging busy sila ni Helario sa paghahanda ng mga kailanganin nila. Umalis siya sa bahay upang mag-aasikaso sa kanilang gown at iba pa. Aksidenteng naiwan niya ang phone sa bahay at nagkataon na ang Ate Amanda lang niya ang naiwan. "Naku! Nasaan ba iyong phone ko? Naiwan ko yata sa bahay," tanong ni Yuki sa kaniyang sarili, habang hinalungkat niya ang loob ng kaniyang shoulder bag. "Haaisst! Yuki, bakit ba kasi kinalimutan mo? Paano kayo magkikita ni Helario?" pipi niyang sabi sa sarili. Dahil nasa loob na siya ng bus ay hindi na niya binalikan pa ang phone sa kanilang bahay. Samantala, panay naman ang ring ng phone ni Yuki at narinig iyon ni Amanda. "Kanino ba iyang phone na sobrang ingay?!" galit niyang tanong na mag-isa sabay labas niya mula sa kaniyang kuwarto. "Ummm … phone pala ito ni Yuki, at si Helario ang panay tawag," aniya, habang titig na titig siya sa phone ng kapatid. At maya-maya pa'y dinampot niya ang phone at tiningnang ang messages. Nabasa niya lahat ang laman ng inbox at agad naman siyang nakaiisip ng plano. Plano na para lang sa kaniyang sariling interes. Ni hindi niya iniisip na marami ang masasaktan sa kaniyang gagawin. "Masama ang pakiramdam ko, mahal. Please puntahan mo ako dito sa bahay dahil ako lang ang mag-isa dito," reply ni Amanda sa message ni Helario. "Okay, mahal. Papunta na ako, magpahinga ka muna okay!" tugon ni Helario at dali-dali naman siyang pumunta sa bahay nila Yuki. Sapagkat sobra siyang nag-aalala sa kaniyang nobya. Kahit marami siyang ginagawa na trabaho ay iniwan niya ito alang-alang kay Yuki. Nagmadaling naligo si Amanda at pumasok sa kuwarto ni Yuki at ginagamit pa ang damit at pabango ng kapatid. Doon niya hinintay si Helario sa loob. Pinatay niya ang ilaw para hindi makita ang kaniyang mukha. Sa mga oras namang iyon ay paparating na ang ama ni Yuki, galing ibang bansa. Hindi ito nagpasabi, dahil gusto niyang sorpresahin ang pamilya. Bumalik naman si Yuki dahil wala doon si Helario at may iba pa silang lalakarin. Bigla siyang kinabahan at hindi mapakali, kaya minabuti niyang makauwi agad at nag-taxi ito. DUMATING si Helario sa bahay nila Yuki, at agad naman iyon nalaman ni Amanda at nag-message siya rito. "Tumuloy ka na sa aking kuwarto, mahal. Ako lang mag-isa dito." Message ni Amanda. Nang mabasa iyon ni Helario ay agad naman siyang pumasok sa kuwarto ng nobya. Pagkabukas niya sa pinto ay agad siyang sinunggaban ni Amanda ng halik sa labi at yumakap. Dahil madilim sa loob ay hindi niya naaninag ang mukha ng babae lalo na at hindi ito nagsalita. Sa pag-aakalang si Yuki iyon ay hindi nagdadalawang isip ang lalaki na tugunan ang mga halik nito. Sapagkat sa isip niya ay si Yuki talaga iyon dahil ang amoy ng pabango ay alam niyang sa nobya ito. Dahil siya ang bumili nito. Natangay si Helario hanggang sa paatras nang paatras sila patungong kama. Nagmadaling hinubad ni Amanda ang mga suot ni Helario at gumanti naman ang lalaki. Maingat niyang hinubad ang suot ni Amanda at maya-maya pa ay ipinasok ni Helario ang kaniyang jejemon ka kuweba ni Amanda. "Ahhh!" daing ng babae at napayakap ng husto sa kaniya. "I Love you, mahal…" madamdaming sambi ni Helario, at masaya siya dahil birhen pa nang angkinin niya ang nobya. Kaya wala sa isip niya na isang impostor ang kaniyang nakatalik. Walang tugon na lumabas mula sa bibig ni Amanda, dahil alam niyang alam ni Helario ang kaniyang boses. Hanggang sa nagtagumpay si Amanda sa kaniyang plano. Nang makaraos si Helario ay humiga na ito at yumakap sa babae hanggang sa makaidlip siya. Dumating naman si Yuki sa kanilang bahay at agad nagtungo sa kaniyang kuwarto. Pagbukas niya sa ilaw ay laking gulat niya nang makita si Helario at Amanda na parehong walang saplot at magkayakap sila "Mga walang hiya kayo!" sigaw ni Yuki at nanginginig sa sobrang galit at pagkasuklam sa dalawang tao. "Yuki?!" gulat na bulalas ni Helario, sabay tingin niya sa nakasiping. "A-Amanda!" wala sa isip niyang sambit rito. "Mga hayop kayo! Sa kuwarto ko pa kayo gumawa ng kababuyan!" singhal niya at bumaha ang kaniyang mga luha. "Yuki, magpaliwanag ako!" umiiyak na tugon ni Helario. "Paliwanag? Bakit?! Bakit n'yo nagawa sa akin itoooo? Bakit! Bakittttt?!" pagsisigaw ni Yuki na parang nawala siya sa mundo. "Yuki, please … magpaliwanag ako!" turan ni Helario at dali-daling pinupulot ang kaniyang kasuotan. "Wala ka nang dapat ipaliwanag Helario, nakakasuka kayo! Mga hayop kayooooo…" sigaw na naman niya na hilam sa luha ang mga mata. "Please, mahal magpapaliwanag ako." At lumuhod ito sa kaniyang harapan. "Ayaw kong makinig sa paliwanag mo! Niloloko mo ako. Pinagkaisahan ninyo ako! Hayop kayooooo!" At pinagsasapak niya si Helario. Ang sigaw na iyon ay narinig ng kaniyang ama na kararating pa lamang mula sa airport. Dali-dali naman itong tumakbo sa kuwarto ng anak. "Yuki!" sambit ng kanilang ama na puno sa pag-alala. Napahinto ang padre de-pamilya nang makita niya si Amanda sa ibabaw ng kama ni Yuki. Na tanging ang kumot lang ang nakatakip sa kaniyang katawan. Nabaling rin ang kaniyang tingin kay Helario na kasalukuyan pang nagsuot ng damit. "Papa … Papa!" tanging sambit ni Yuki na nanginginig ang boses at mahigpit na yumakap sa ama. "Yuki, anak…" luhaang turan ng ama at sabay tugon sa yakap ng pangalawa niyang anak. "Ang sakit-sakit ng ginawa nila! Pinagkaisahan nila ako, niloloko nila ako. Sa sariling kuwarto ko pa, sariling kapatid ko pa…" sumbong niya na nanatili pa ring nakayakap sa ama. "Naintindihan kita, anak. Naintindihan kita," tugon ng ama na parang sasabog ang kaniyang puso sa sobrang sakit. "T-Tito, mahal, magpaliwanag ako." "Paliwanag?!" Biglang sinuntok ng kaniyang ama si Helario at bumagsak ito. "Papa, huwag! Mahal ko si Helario, huwag mo siyang saktan." "Ano'ng klase kang kapatid?!" At kaliwa't kanan niya itong sinampal. "Mahal, hayaan mo akong magpaliwanag." Duguan ang bibig ni Helario at gumapang siya patungo sa tinatayuan ni Yuki. "Wala ka nang dapat ipaliwanag sinira mo na ang tiwala ko sa iyo. Sinayang mo ang lahat-lahat! Hinding-hindi ko kayo mapapatawad!" tugon ni Yuki na hindi pa rin tumahan sa pag-iiyak. "Yuki…" tanging nasambit ni Helario at laylay ang kaniyang mga balikat. "Ikaw, Ate Amanda! Bakit lagi mo na lang inaangkin ang dapat ay para sa akin? Ano ba ang kasalanan ko sa iyo? Bakit lagi mo na lang akong inaagawan?Lahat-lahat kung ano ang mayroon ako ay gusto mong angkinin. Nagpaubaya ako, nagpaparaya ako at laging nag-intindi sa iyo dahil mahal kita, Ate Amanda. Pero bakit ang kauna-unahang lalaki na aking minahal ay pilit mo pang inangkin? Alam mong ikakasal na kami, bakit Ate? Bakitttttt?!" "Dahil mahal ko si Helario!" sigaw niyang tugon. At muli siyang sinampal ng kaniya ama. "Ano'ng klase kang kapatid?!" "Papa, bakit ganito? Bakit hindi nagiging patas si Mama sa akin? Bakit hindi magawa ni Ate Amanda, na kahit isang beses lang ay magbigay siya sa akin? Bakit puro sila pang-aapi at pang-aabuso sa akin? Bakit hindi ko maramdaman ni Mama na anak niya ako? Bakit sa iyo ko lang naramdaman ang pagmamahal?" Puro katanungan ang lumabas sa bibig ni Yuki. "Anak, dapat mo na sigurong malaman ang totoo. Para mabawasan ang iyong mga katanungan. Dahil hindi ko na kayang nakikita ka na palaging nasasaktan. Hindi ka tunay na anak ni Mama Lucia mo. Anak kita sa una kong nagiging kasintahan. Matagal kaming hindi nagkita dahil tulad ko nangibang bansa rin siya. Nagkita kaming muli ngunit naikasal na ako sa Mama Lucia mo, at buntis na siya kay Ate Amanda mo. Hindi niya alam ang patago naming pagkikita ng mama Rubie mo. Namatay ang Mama mo sa panganganak niya sa iyo. Kaya napilitan kitang dalhin dito upang may makilala kang ina. Pero hindi ko inaasahan na ganito ang gagawin nila sa iyo." Pagtatapat ng kaniyang ama at patuloy pa rin ito sa pag-iyak. Mas lalong napahagulgol ng iyak si Yuki, nang malaman niya ang katutuhanan. "Kaya pala, kaya pala itinuring nila akong katulong dito. Pero ngayon, naintindihan ko na at naunawaan ang lahat. "Pa, patawarin mo ako. Mahal ko lang talaga si Helario," wika ni Amanda na kuno ay umiiyak. "Hindi ka naawa sa kapatid mo? Nagiging mabuti at mabait si Yuki sa iyo! Napakawalang hiya mo!" Muli niyang sinampal si Amanda. "Tama na Papa! Nasasaktan na ako!" " Nasasaktan ka?! Pero hindi mo naramdaman na sobra-sobra na ang sakit na ginawa mo kay Yuki!" muli na naman niya itong sinampal. "Papa, tama na!" At humagulgol na si Amanda. Dumating ang kaniyang ina at narinig ang iyak ni Amanda kaya napatakbo ito kung saan nagmula ang boses. "Gerry?!" pasigaw na sambit ni Lucia. Para awatin ang asawa na galit na galit at gustong sampalin muli si Amanda. "Ano'ng nangyari dito? Kailan ka pa dumating?" "Iyang makati mong anak! Alam niyang ikakasal na si Helario sa kaniyang kapatid pero nagawa pang ahasin!" "Amanda! Totoo ba?!" "Mama, Mahal na mahal ko si Helario at may nangyari na sa amin. Dapat kami ang maikasal…" umiiyak niyang sabi. "Helario! Dapat pakasalan mo si Amanda, kung hindi! Ipapakulong kita!" Banta ng kaniyang ina. "Tita, si Yuki ang mahal ko. Si Yuki ang gusto kong pakakasalan!" sagot nito na sobra ang galit niyang nararamdaman para kay Amanda.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD