AGAD kinabahan si Yuki at sumagi sa kaniyang isip na baka hindi siya tunay na anak. "P-Pa, a-ano ang ibig mong sabihin?" "Sandali may kukunin lang ako." Nilapitan ni Gerry ang kaniyang bag at binuksan niya ito at may kinuha siyang isang bagay na nakabalot na pula. "Anak, ito ang huling iniwan ng Mama mo bago siya namatay." At inabot niya kay Yuki ang isang bagay na nakabalot. "Ano ito, Pa?" pagtataka niyang tanong. "Anak, ang Mama Rubie ay isa ring immortal." "Immortal?!" gulat na reaksyon ni Yuki at ganoon rin si Prinsipe Amarpal. "Ang kuwento niya sa akin noon isa siyang prinsesa sa daigdig ng mga immortal. Ang bilin niya sa akin ay itago ko sa iyo ang totoo mong pagkatao." Dahan-dahan niyang tiningnan ang laman ng tilang itim. "Ano ito?" "EMERALD AND DIAMOND PENDANT, from t