Isang malalim na hininga ang aking ginawa matapos akong magbihis at maghanda para sa welcome party na gaganapin ngayong araw. Kanina lang ay tinulungan ko si Blayz na magset-up ng mga mesa at chairs sa likod ng bahay. Nilagay na namin ang mga ibang pagkain sa mesa. May tubig, juice, soda at beers na rin na nakalagay sa isang malaking cooler at handa na rin ang grill para sa barbecue. Kinakabahan ako dahil makakaharap ko na nang malapitan ang kanyang mga kasama sa trabaho. Malalaki talaga silang lalake at hindi na ako magtataka kung bakit maraming babae ang umaaligid sa kanila. Basta pag may naka-post na article or videos nila, lagi naman itong tinitignan. Isa pa, lagi rin kaming nag-iipon kung may ilalabas silang calendar featuring them every year. Ang mga pictures nila na nandoo, gusto