Pumasok ako sa loob ng bahay para kumuha ng ice cream sa freezer for our dessert. Nadatnan ko roon si Blayz at naghuhugas ito ng mga kalat sa sink. Nilapitan ko siya at tumabi sa kanya. Lumingon naman siya sa akin at ngumiti ako sa kanya. Napatili ako nang wisikan niya ako ng tubig. Napaaray siya nang pinalo ko ang kanyang matigas na braso at nag-sorry ako kaagad nang makita kong nasaktan siya. Bigla niya akong hinila palapit kahit pa basa ang kanyang kamay at mainit niya akong hinalikan sa labi. Napatawa naman ako at napahawak ako sa kanyang mukha. Nararamdaman ko ang gaspang sa kanyang pisngi dahil na rin sa stubble niya roon. The kissed was sweet at nalalasahan ko ang beer sa kanyang labi. Mas lalo pa niya akong hinapit palapit sa kanya kaya nagdikit ang aming katawan. Naghiwalay lang