Hinatid ako ni Blayz sa university kinabukasan at dumiretso na siya sa firehouse matapos ko siyang halikan sa pisngi at nagpaalam. Sinundan ko pa ng tingin ang papalayo niyang sasakyan at pumasok na ako. Naglakad ako papunta sa campus building at naglalakad ako sa hallway nang may tumawag sa akin. Lumakad ako at nakita ko ang aking mga kaibigan na patakbong palapit sa akin. Nagulat ako at nagtaka sa mukha nilang excited at nagtatalon pa sa tuwa kaya napasabay na lang ako. Tumigil lang kami nang may sumuway sa amin at tumabi kami sa hallway. Sabay-sabay silang nagsalita at hindi ko sila maintindihan kaya pinag-pause ko muna silang lahat. “Ano bang nangyayari at mukhang happy kayong lahat?” tanong ko sa kanila. "Napagalitan pa tayo tuloy, umagang-umaga." napatawa naman sila. “Wala lang!