Lumipas na naman ang isang araw at tumuwi ako na wala si Blayz sa bahay. This is the third day na wala siya. Actually, umuuwi siya minsan para lang kumuha ng mga ilang gamit niya. Naaabutan ko siya, minsan naman hindi kaya nalulungkot ako ng konti. Bukod sa pagtira ko rito, pagbigay niya sa akin ng phone, nag-send din siya ng pera sa aking e-wallet na kinagulat ko. Nasa trabaho na ako noon at nagbibihis na sa aking uniform nang makatanggap ako ng malaking pera mula sa kanya. Nag-message siya sa akin at sabi niya na allownace ko daw ito for the week. Hindi ko akalain na gagawin niya ‘yon at ilang beses ko siyang tinawagan para tumanggi pero hindi siya sumasagot. Then he called me a few times at doon ko sinabi sa kanya na ibabalik ko. Ni hindi ko alam kung paano niya nalaman ang gamit kong