NAIWAN si Alleah na nakanganga sa sobrang pagtataka at paghanga na niya sa lalaking akala niya ay ordinaryong lalaki lamang pero mukhang mayaman pala.
Shete! Mukhang wrong move siya, ah!
"Ma'am, please follow me," assist na sa kanya ng medyo may edad ng babae. Sa hitsura nito ay siguradong mataas ang posisyon nito at hindi basta-basta. Gayunman matamis ang pagkakangiti sa kanya.
Muli siyang napalunok ng laway.
"Ah.. eh.. sige po," saglit ay sabi niya na nauutal. Pero palingon-lingon pa rin siya sa lalaking papalayo.
Pagkatapos ay napapitik siya sa ere nang mahimasmasan siya sa katangahan niya. Sayang 'yon, ah! Nanghihinayang na siya. Jackpot na sana kasi tinaray-tarayan pa niya. Laking pagsisisi niya na tinarayan niya ito. Ang tanga niya kasi minsan, eh!
"Miss, mayaman ba 'yon?" mayamaya ay hindi niya napigilang tanong sa manager.
"Ay, yes ma'am. Anak po siya ng may-ari ng mall na 'to," mabilis na sagot sa kanya ng manager.
Napatango-tango siya at napangiti. Guwapo plus mayaman equals her suspect asawa. Ha-ha! Nagdiwang ang kalooban niya. Kaya lang lumaymay rin agad ang mga balikat niya. Aisst! Ba't niya ba kasi tinarayan?!
Nagulo-gulo niya ang buhok. Para ba'y nagsulputan ang mga kuto. Naman, eh!
"Ma'am, something wrong?" usisa na tuloy sa kanya ng manager. Akala yata nababaliw na siya.
Makulit siyang ngumiti na kita ang mga ngipin at gilagid niya habang dahan-dahang inayos ang sarili. Inilagay niya ang dalawang kamay sa likod niya at pinag-sway-sway ang katawan niya. "Wala naman po," saka painosente niyang sabi. "Ang ganda po nito kasi. Gusto ko po ito," sabi pa niya na hinawakan ang isang bagay na naka-display sa tabi niya, makalusot lamang.
Nga lang ay kapansin-pansin ang pag-iiba ng reaksyon ng mukha ng manager.
Kaya napasunod siya ng tingin sa bagay na dinadantayan ng kanyang kamay.
At halos lumuwa ang mga mata niya nang makitang kalahating manikin pala iyon ng lalaki na nakamodelo ang isang mamahaling brief sa may maumbok na kuwan ng manikin. Nasa for mens wear pala sila ng department store. Ayayyay!
Para tuloy siyang napaso na napabitaw ro'n at namutlang tumingin siya sa manager na kanyang kausap. Ngumiti ulit siya pero maasim na ngiti.
Natawa naman ang manager. Mukhang naunawaan siya na wala sa sarili niya."Halika na, ma'am, doon pa po ang mga pambabae."
Tumango siya. Hiyang-hiya na siya.
"Ano'ng pangalan po ni sir mo? Ang guwapo niya kasi, eh," tanong niya habang naglalakad para mawala ang pagkapahiya niya. Bwisit kasi na kuwan 'yon! Kakalat-kalat! Pfft!
"Ang tawag po namin sa kanya, eh, Sir Kael."
Awtomatikong napakunot-noo siya. Kael? Sounds familiar, ah!
Napaisip siya. Ah, oo, Kael! Kael ang pangalan ng baboy na mayaman doon sa bus terminal.
Wait! Naisip niya lang. Lahat ba ng mayaman, eh, Kael ang pangalan?
Eh?
Nagkibit-balikat siya. "Nagkataon lang siguro," siya rin ang sumagot sa tanong niya.
"Pili na po kayo, ma'am," sabi ng manager na nagpabalik sa kanyang diwa.
"Ah, sige po. Salamat," at namili na siya.
At napangiti ng pilya nang may pumasok na kademonyohan na naman sa kanyang isipan....
*********
*********
*********
FINALLY, the meeting ended. Kael looked tired that he leaned his back on the swivel chair. However he had no complaints. He had no right to complain, this is his fortune, to be a heir.
Nagpasya siyang uuwi na muna para makapagpahinga kasi mamaya may dinner meeting naman siya mamaya sa isang client ng company nila.
Palabas siya ng conference hall kasama ang ibang ka-meeting niya na mga tauhan ng mall, nang magalang na hinarang siya ng manager ng department store na inutusan niya kanina. The manager bowed her head down a little bit as a sign of courtesy to him.
"Yes?"
"Sir, ipapapirma ko po sana 'to."
"What's that?" kaswal niyang tanong.
"Yung mga pinamili po ni Miss Alleah? 'Yung babae po kanina na inilapit niyo sa'kin, sir."
Napa-ahh siya at inabot na niya ang papel. Pero nanlaki ang kanyang mga mata nang makita niya kung magkano ang halaga ng kinuha ng babae.
"One hundred thousand?! Is this serious?!" then he could not believe that he blurted out loudly.
"Y-yes, sir..." maang na sabi ng manager. At halatang kinakabahan na.
"I didn't say that she would take everything she wanted! Why the hell this is a lot?! Isang damit lang niya ang namanchahan ko!" bulyaw niya sa manager na tanga. Nag-init ang ulo niya. Walang duda! Inisahan siya ng babaeng 'yon! Kaasar!
Naalarma tuloy ang mga tauhan niyang nasa likuran niya. Nagbulungan at nakiusisa if ano ang nangyayari.
"But, sir, you said that I'll give her whatever she wants. Eh, ang dami niya pong nagustohan, sir," naiiyak na pagrarason ng manager.
Natampal na lang niya ang kanyang sariling noo. Wala na siyang nagawa kundi ang pumirma. 'Wag niya lang makikita ulit ang babaeng iyon dahil he'll skin her alive! He swears!
********
*********
*********
PAGDATING ng bahay si Alleah ay halos 'di magkasya ang shinopping niya na mga damit at kung anu-ano pa sa taxing inarkela niya pauwi. At hirap din siya niyong ipasok isa-isa sa tinutuluyan nila ni Jessy.
"Insan, ano'ng mga 'yan?" takang tanong ni Jessy nang makita siyang pumasok sa bahay na patong-patong ang kahon at mga paper bag ang kanyang dala.
"Mamaya ka na magtanong, insan. Tulungan mo na lang ako, dali," hirap niyang sabi. "Madami pa sa labas."
"Saan galing ang mga 'to?"
"Sa boyfriend ko," maliksi niyang sagot.
"May boyfriend ka kaagad?" hindi naman makapaniwala si Jessy.
"Oo pero 'di pa niya alam," pilya niyang sabi saka humagikgik.
Hanggang ngayon natatawa siya sa ginawa niya. Malamang sa mga oras na ito ay umuusok na ang ilong ng lalaking 'yon sa galit sa kanya. Mautakan din naman minsan ang mga mayayaman. Barya lang naman itong mga kinuha niya siguro........