bc

BIT JOKE OF LOVE ( Tagalog )

book_age18+
3.8K
FOLLOW
15.2K
READ
arrogant
boss
maid
comedy
bxg
humorous
reckless
like
intro-logo
Blurb

Ang gusto sana ni Alleah ay makapag-asawa ng mayaman tulad ng naging kapalaran ng kanyang isang pinsan. Pero dahil sa kanyang mga kagagahan at kalokohan ay nagkaroon siya ng malaking utang sa isang mayamang lalaki, dahilan para tanggapin niya ang offer na maging yaya ng isang mayaman na bata. Nga lang ay naging boss rin niya ang lalaking mayaman na inutakan niya dahil magkapatid pala ang dalawa.

Simula niyon ay mas naging aso’t pusa pa sila ni Kael na kinauutangan niya.

Makakabayad kaya siya?

O makikipaglaro na lamang siya sa biro ng pag-ibig na pinasok niya?

chap-preview
Free preview
PART 1
"HWAH!" Naghikab at nag-unat si Alleah ng kanyang mga braso pataas upang magising na siya nang tuluyan. "Cubao! Cubao na!" paulit-ulit na sigaw na kasi ng konduktor ng bus na kanyang sinakyan. Walong oras din ang naging byahe niya kaya kailangan niyang igalaw-galaw ang kanyang espirito at katawan dahil sa pagkakabagot sa kakaupo. Kinalyo pa nga yata ang puwet niya, eh. Pagkatapos ay tumayo na rin siya. Nagsibabaan na ang mga kapwa niya pasahero. Bababa na rin siya at baka idiretso pa siya ni Mamang Driver sa Pasay na next na terminal. Malayo na iyon. At saktong pag-apak niya sa sementong sahig ng terminal ng bus ay tumawag si Jessy sa kanyang cellphone. Pinsang buo niya si Jessy at sa kanya siya makikitira sa kinaroroonang napakalawak na city. Yes, she was in Manila na. At excited much na siya na maging isang manila girl na rin. Ngiting-ngiti na inilibot niya ang mga mata sa paligid. Excited na rin siyang magkalat. Ang balak niya kasi ay maghahanap ng mayamang lalaking paiibigin niya. At seryoso siya dahil kung 'yong iba ay trabaho ang hanap kapag lumuluwas ng Maynila, pwes, siya hindi trabaho ang sadya niya rito kundi lalaki. Lalaking mayaman na magiging asawa niya. Sabi nga nila, aanhin mo ang trabaho kung wala ka namang dyowang mayaman at guwapo. Ops, siya lang pala ang may sabi niyon. Hi-hi. Basta motto niya ngayon 'yon at wala silang pake. Malandi na siya kung malandi, pero may dahilan naman kung bakit siya mamimingwit ng mayaman. Pero bago siya magkuwento, sasagutin niya muna ang tawag ni Jessy. "Hello, insan?" "Hello, Alleah? 'Asan ka na?" "Kadarating lang dito sa terminal ng Cubao. Ikaw nasan ka na?" Susunduin siya ni Jessy. Hindi pa kasi niya kabisado ang tinitirhan ni Jessy kahit pa ilang beses na siyang nakarating doon. Parang maliligaw pa rin siya if siya lang ang pupunta. Ang gulo kasi ng kalsada ng Maynila, eh. Ang daming pasikot-sikot. "O, sige sige. Wait mo lang ako d'yan, ha? Papunta na ako riyan. Traffic lang kasi. Huwag kang aalis diyan." "Okay..." At ibinaba na niya ang mumurahin niyang cellphone. Sinilid ulit niya iyon sa kanyang bulsa. Pagkuwa'y tumingin-tingin siya sa paligid. Tinungo niya ang bakanteng upuan na nakita niya. Uupo muna siya habang inaantay ang pinsan kasama ang ibang pasahero ng bus na mga naghihintay rin. So, 'yon na nga. Ito na ang kuwento niya. Kailangan talaga kasi niyang maghanap ng jowang mayaman dahil wala na siyang magulang bata pa lamang siya. Mga natyugi sa aksidente ng motor. Bwisit kasi ang nag-imbento ng motor na 'yan, eh. Char. At 'yong lola niya naman na nag-alaga sa kanya ay namatay na rin ilang buwan na ang nakakaraan, kung kaya't sa ngayon ay wala na siyang maasahan. Mahihirap din kasi ang buhay ng nga kamag-anak nila kaya ayaw niyang maging pabigat. Isa pa ay sawang-sawa na rin siya sa hirap ng buhay sa probinsya. Sawang-sawa na siya sa mga raket niya roon para kumita na hindi naman nakakayaman. Gusto na niyang umasenso. Gusto na niyang matulad sa isang pinsan niya na nakatsamba ng asawang mayaman, kaya ngayon ay balitang nasa Canada na at hindi na nagpaparamdam. Ambisyosa na kung ambisyosa siya pero gusto niya talagang matulad sa kapalaran ng pinsan niyang iyon. Gustong-gusto niya kaya pursigido siya na nagtungo roon sa Maynila. Kasi kung sa probinsya lang siya, eh, baka kapitbahay lang din nila ang mapapangasawa niya. No way! Sa tagal ni Jessy. Nauhaw siya kakahintay. Tumayo siya at pakendeng-kendeng na tinungo ang isang convenient store na nakita niya sa malapit. Kaso sa kamalasan ay muntik na siyang mabangga ng isang magarang kotse na kulay itim na palabas sa terminal. "Aaayyy!" sambit niya ng malakas gawa ng gulat. Sira ang poise niya. Nganga! "G*go ka, ah! Sa ganda kong ito! Hindi mo ako nakita?!" Panduduro niya agad sa nagmamaneho kahit hindi niya nakikita kasi tinted 'yong salamin ng magarang kotse. At umagaw lahat ng pansin sa mga tao sa paligid ang pagwawala niya. Pero wala siyang pakialam. Ikaw kaya ang muntik nang mabanggga, magpapasalamat ka ba? "Bumaba ka d'yan!" paghahamon niya pa. Kahit maganda at sexy siya, pumapatol pa rin siya sa lalaki. Wala siyang kinakatakutan. Kapre nga sa punong mangga nila doon sa probinsya binato niya noon, eh. Oo! 'Di pa siya nakuntento, pumunta siya sa bandang driver's seat at doon nagwala. "Lumabas ka dito sabi! Hoy!" "Naku, Ma'am, tama na po. Kay Sir Kael ang kotseng ito. Siya po ang may-ari ng terminal," saway na sa kanya ng guwardyang pilit siyang inaawat. "Eh, ano naman ngayon?! Matandang uhugin na ba ang amo mo kaya hindi na niya nakita ang maganda at kaakit-akit na tulad ko?!" singhal niya sa guwardya. Pinamaywangan niya pa ito. Lahat ng tao ay nakatingin na sa kanya. Napakamot-ulo na lang ang guwardya sa sinabi niya. Tinaasan niya pa ito ng isang kilay at sinampelan ng pangmodelo niyang mga posing. "Kita mo 'yan. Hindi niya ba nakita 'tong mga ganito, ha? At ito pa! Saka ito para banggahin niya ako?!" "Pasensya na lang po sana kayo, Ma'am," sabi lang ng guwardya na patingin-tingin sa loob ng magarang sasakyan. Nabahala si Alleah. Umandar na kasi ang kotse. Aba't dinedma talaga siya? "Hoy!" sigaw niya. Hindi siya papayag. Hahabulin niya sana para tarayan pa pero nagtuloy-tuloy na ang kotse. "Tama na, Ma'am, pasensya na po kayo kay Sir Kael," sabi ulit ng guwardya. Kung nakakamatay lang ang masamang tingin ay bumulagta na ang makulit na guwardya sa talim ng tingin niya rito. "Pwede ba magbantay ka na lang do'n!" tapos ay bulyaw niya rito. Nang biglang may tila nag-ilaw na bombilya sa tuktok niya. Boss namin? Sir Mael? With kotse? May-ari ng bus company? Nakagat niya ang isang daliri at napangisi na. Naaalala niya 'yong nabasa niya sa pocketbook. 'Di ba sa mga pocketbook o sa mga online stories ay kalimitin ang unang pagtatagpo ng guwapong mayaman at mahirap na babae ay nagkakabanggaan? Bigla ay pumalakpak na ang mga tainga niya at nagningning ang mga mata niya na tila may US Dollar sign. Nakaamoy mayaman jowa na siya. This is it pancit canton! "Eeeiihhhh!!!" mayamaya ay kinilig siya. This is it na nga. 'Yung Sir Kael na 'yon ang hinahanap niya. Pinagtagpo na agad sila ng tadhana. Ang sweat naman! Este ang swet! s**t! Pati spelling ng 'sweet' hindi na niya alam! Nevermind na nga lang! "Sandali! Wait! Stop!" paghahabol na niya sa kotse. Parang baliw na siyang patakbo na nilapitan ang itim na kotse na nag-aantay na pagbuksan sa isang gate ng isang private place ng terminal. Humarang siya sa dadaanan ng kotse. Idinipa niya ang dalawang kamay. Hindi niya hahayaang palalampasin ang pagkakataong makakikilala na agad siya ng isang mayamang lalaki. Hinding-hindi! At laking tuwa niya nang pagbuksan naman siya ng bintana sa may bandang driver's seat. "Miss, ano bang ginagawa mo?" kaso ay galit ang boses ng isang lalaking mataba. Napa-ngeeek sa loob-loob niya si Alleah at napangiwi. Ang sabi niya guwapo na mayaman! Hindi baboy na mayaman! Ay naku naman! "Ah... eh, so-sorry po. Sorry," sabi na lang niya. Tinaas niya pa ang dalawang kamay na parang sumusuko sa pulis. Kahit desperada siya sa paghahanap ng mayamang jowa, eh, huwag naman 'yong mataba na nga ay may edad pa. Maasim ang mukha niyang nilunok niya ang kanyang laway. "Tumabi ka at baka banggain na talaga kita riyan. Kanina ka pa, ha. Nakakaistorbo ka na," pagsusuplado pa sa kanya ng matabang lalaki na nagda-drive ng kotseng itim. Tumabi nga siya. Hindi mailarawan ang ekspresyon ng kanyang mukha. Pasalamat nito at mayaman 'tong Kael na ito kundi tinawag niya itong baboy, as in oink oink. SA LOOB NAMAN NG KOTSE, hindi alam ni Alleah ay nakakunot-noo si Kael, ang totoong Kael. "What's the matter?" kaswal ang tinig nitong tanong kay Arthuro nang isinara ulit ni Arthuro ang salamin ng kotse. "Sir, adik yatang babae o gusto mamalimos," tipid na sagot ng driver niya sa kanya. Kael shook his head in disgust. He hates poor women. They're all b***h gold-digger. "Then tara na. Huwag mo na lang pansinin," utos niya nang magbukas na ang gate na bakal. He didn't have time for worthless women. Isa pang sulyap ang ginawa niya sa babae. And he frowned when he saw na inirapan at dinilaan nito ang kotse niya. No doubt, adik nga. Tsk.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

THE HOT BACHELORS 1: Gregory Rivas

read
52.6K
bc

Seducing My Gay Fiance [COMPLETED]

read
6.3K
bc

The Innocent Playgirl (R18 Tagalog)

read
480.3K
bc

My Husband's Mistress

read
300.7K
bc

Unexpected Romance

read
40.6K
bc

My Nerd Ex-Wife(Tagalog)

read
9.6M
bc

Stranger In Bed- SPG

read
1.4M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook