"S-sino bang hinihintay natin dito?" nakangiwing tanong ni Alleah kay Charisse. Inililibot niya ang kanyang mata sa kabuuan sa kanilang kinaroroonan. At masasabi niyang kahanga-hanga dahil talagang pangmayaman ang place. Kaya nga lang ay parang may ninanamnam na pagkain na hindi niya malasahan ang kanyang hitsura, napapahimas-himas din siya sa kanyang pisngi. Hindi siya mapakali. Nawiwindang pa rin kasi siya sa bilis ng pangyayari. Naloloka siya sa biglaang hila ni Charisse sa kanya dito sa loob ng malaking bahay, at ngayon nandito na sila sa parang isang conference room o study room na napakaganda. "My mommy, ate. We're waiting for mommy. I called her already and she's on the way na raw po. Let's wait her a bit more, ate," matamis pa rin ang ngiting sagot ni Charisse sa kanya. Napa-"Aah