Chapter 1

1125 Words
Bitter-Sweet Cafe, the place where I’ve worked for five years now. Dito ko nakilala ang aking mga super friends na sina Angie, Ayen, Thummy, MJ and Shen. Tatlo sa kanila ay masaya na sa kanilang buhay may asawa’t jowa. Habang tatlo pa kami nila MJ at Shen ang walang love life. Well, hindi naman kami nagmamadali. But sometimes nakakainggit din. Ohw, by the way, dito ko rin pala nakilala ang lalakeng nagpatibok ng aking puso. Ang lalakeng nagpa-realize sa akin na may puso pala ako. Ang kauna-unahang lalakeng bumihag sa puso ko. Ang nag-iisang may-ari nito. Kaso, hindi ko alam kung siya na ba talaga. Bakit? Three years ago, ipinagtabuyan ko lang naman siya. I mean, naduwag kasi ako. Hindi ko kinaya ‘yung sitwasyon eh. Kaya bumitiw na lang ako. Five Years Ago... Bitter-Sweet Cafe! Finally, nakamtan ko na rin ang pangarap kong makapasok dito. Pangarap ko kasi talaga ang makapasok bilang barista ng coffee shop na ito. Ewan ko ba, pero simula noong makita ko ito sa isang ads, ayun nag-twinkle na ang mga mata ko parang star. May tila magic ang ads na iyon at nahipnotismo akong mag-apply rito. Well, hindi naman kasisi-sisi. Maganda ang coffee shop at mga taga high society ang madalas na nagtutungo rito para magkape. Grabe, ang mamahal ng kape rito pero talagang dinarayo ng mga sosyaling tao. Kung ako lang, okay na ako sa 3-in-1 coffee. Anyway, dito nagsimula ang lahat... “Janice, sa bar kita ia-assign since full tayo sa dining area. I see that may background ka naman as barista. Okay ba sa iyo iyon?” tanong ni Ms. A, ang aming manager. “Yes Ma’am okay na okay po sa akin iyon!” naka-thumbs up ko pang sagot sa kaniya. “Good. Sige, tuturuan ka ni Momsie sa mga gawain diyan  sa bar. Pero kung busy ang dining at hindi naman busy sa bar, puwede ka namang tumulong sa service. Give and take lang tayo para okay ang ating working environment.” Nakangiti ring paliwanag niya sa akin. “Okay Ma’am. Copy po!” ganting tugon ko naman sa kaniya habang nakangiti. Kaya nang araw na iyon, nagturuan lang kami ni Momsie. Madali lang naman ang trabaho, kaya nagamay ko ito agad. Mababait din ang mga kasamahan ko sa bar at dining area kaya wala akong naging problema. “Ayan, ang galing mo na! I’m so proud of you!” Niyakap pa ako ni Momsie. Natawa naman ako sa kaniya. Para akong anak niya na nakakuha ng three star mula sa aking guro, kung batiin niya ako. Gumanti na lang ako ng pagkakayakap sa kaniya, baka naman kasi sabihin niya ang suplada ko. “Momsie para naman akong nursery student na nakakuha ng three star mula sa aking guro,” naiiling ko pang wika. “Loka, siyempre ang bilis mong matuto kaya. Masaya lang ako at hindi mo ako in-stress!” Humagikgik pa ito sa kaniyang tabi. Natatawa na lang ako sa inasal nito. Sa totoo lang parang bata pa talaga si Momsie. Hindi nga halatang Mommy na siya eh. Napaka masayahin lang siguro talaga niya kaya hindi siya mukhang matanda. Mabilis namang lumipas ang oras at uwian na namin. Dahil pang-gabi kami, sabay-sabay kaming umalis ng store. Mag-isa lang akong bumiyahe pa-Fairview, dahil lahat ng mga kasama ko ay hanggang Cubao lang. Okay naman sa akin ‘yon, sanay naman na akong mag-isa eh. Who goat! Ehehehe. Pagdating ko sa bahay, siyempre tulog na sila nanay, kaya naman naghilamos lang ako at nag-tooth brush saka pumasok sa aking silid. Hindi pa rin maalis ang ngiti sa aking mga labi hanggang sa mga sandalin iyon. Paano naman kasing hindi? Ang pinangarap kong pasukan noon, ngayon ay abot kamay ko na. Kinabukasan pagpasok ko sa BSC, agad akong dumiretso sa loob ng bar. Siyempre bago iyon, nagtungo ako sa locker, nagbihis, at nag-in muna ako. Inabutan ko pa si Nica sa loob ng bar, siya kasi ang papalitan ko ngayon. “Yey! Thank you at nandito ka na! Okay na po ang back ups mo, may grind coffee na riyan, at ‘yung sumiyaki malapit ng matapos. Slice ka na lang ng coffee jelly kasi paubos na siya. Thank you! Bye!” Nag-flying kiss pa ito sabay layas. Napa-iling na lang ako sa bilis niyang mag-endorse, hindi naman siya excited umuwi ‘di ba? “Bhe, pasuyo naman ako isang decaf at isang brewed coffee,” mamaya ay narinig kong sabi ni Bless. “Okay po, coming up!” nakangiting tugon ko naman sa kaniya. Isinalang ko pareho ang syphon panel at tinandaan kung alin doon ang decaf at brewed coffee. Naghanda na rin ako ng mga tasa, siyempre magkaibang design para hindi magkalituhan pag-sinerve. Nang matapos kong haluin, agad kong tinawag si Bless na nasa malapit lang. “Thank you bhe, you’re the best!” Bago siya umalis, sinabi ko muna sa kaniya kung alin ang regular brewed, at alin ang decaf sa mga bitbit niya. Sila nga pala ang magsasalin ng mga kape sa harapan ng mga guest. Ganoon ang service rito, kasama iyon sa binabayaran ng mga guests. Ilang saglit pa at naging busy na ang coffee shop. Nakailang timpla rin ako ng coffee, gawa ng coffee Jelly, at parfait. “Wheeewww! Congratulations Janice! Isa ka ng alamat!” bati sa akin ni Ms. A. “Bakit naman po?” takang tanong ko naman sa kaniya. “Luh, pa-humble pa siya ma’am oh. Para sa isang baguhan, hindi ka man lang nataranta sa mga orders mo,” sagot naman ni Bless. “Ayyy, ‘yon ba? Naku ma’am kinakabahan nga ako kanina kasi baka mali-mali ‘yung nagawa ko. Buti na lang may kodigo ako rito. Salamat dito!” Hinalikan ko pa ‘yong menu na nasa loob ng bar saka ipinakita sa kanila. Nagtawanan naman sila sa akin. “Normal lang iyan, lahat kami dumaan diyan, pero iba ka talaga eh. Ni hindi ka man lang nataranta saka cool na cool ka lang diyan. Ipagpatuloy mo lang iyan.” Nag-thumbs up pa si Ms. A sa akin. Natuwa naman ako sa complement nila sa akin. Siyempre ‘di ba? Para sa baguhang kagaya ko, bihira ang makakatanggap ng ganoong papuri. Buti na lang talaga at nag-aral akong magbarista sa dati kong trabaho. Kaya salamat shopee, este, salamat sa old work ko pala. Kagaya kahapon, mag-isa lang ulit akong sumakay pa-Fairview. Pagdating sa bahay, kumain muna ako saka naghilamos at nagtooth brush. Hindi ko na naaabutang gising sila nanay at ang dalawang kapatid ko. Late na rin kasi ako nakakarating ng bahay, kaya naman pagdating ko borlogs na sila. Nahiga na ako sa aking kama saka pumikit at naghanda na sa pagtulog. Another day had passed, tomorrow will be a new journey.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD