Mabilis na umusad ang mga araw at ngayon nga— as usual maaga na naman ang aking pasok. Last day of pang-umagang duty ko ngayon. Off na naman kami ni Lheng bukas. Ilang araw na rin ang nakalilipas ng mag-bonding kami nila MJ sa Trinoma. Tingin ko naman ay medyo okay na siya. Si Shen naman ay paalis na pala hindi man lang kami in-inform. Tanggap na kasi siya sa inapplyan niya. Magba-barko na siya kagaya ng kaniyang pangarap. “Thum, anong plano sa despedida ni Shen? Next month pa naman ang alis niya eh,” tanong ko kay Thummy na kasalukuyang nakatambay sa bar. “Oo nga ‘no? Hmmm, swimming kaya? Kaso saan? Saka payagan kaya tayong mag-VL ng sabay-sabay?” sunod-sunod na tanong naman niya sa akin. “Puwede naman eh sa malapit lang tayo kahit over night lang. May nakita akong resort sa Laguna. Ma