Kinabukasan, inagahan ko ang gising— nakakahiya naman kasi kung paghintayin ko pa siya ‘di ba, eh susunduin na nga niya ako. Ripped jeans and plain white T-shirt ang napili kong isuot at pinarisan ko ng white rubber shoes. Nagdala na lang ako ng ekstrang damit dahil hindi ko naman alam kung saan ako dadalhin ni Rusty para sa date namin. “‘Nay aalis na muna po ako. Baka po gabihin na rin ako ng uwi.” Paalam ko sa aking ina. “Akala ko ba’y off mo ngayon?” takang tanong ng aking ina. “May sasamahan lang po akong kaibigan,” sabi ko na lang kay nanay. Pero ang totoo naman talaga ay makikipag-date lang ako. Ehehehe! “Ahhh, ganoon ba? Kumain ka muna kung ganoon.” Tiningnan ko muna ang oras, nang makita kong alas-sinko pa lang naman ay kumain na rin muna ako. Mahirap na ang magutom sa biyah