Habang nasa biyahe, hindi ko maiwasang mapatingin sa kaniya. Well, nasa likurang bahagi ako ng sasakyan niya, katabi si MJ na komportableng nagce-cellphone. Maaliwalas ang mukha niya at nakangiti habang nagmamaneho. “Sir, dito na lang po ako. Maraming thank you po!” Basag ni MJ sa katahimikan nang makarating na kami sa crossing. “Ahhh wait itatabi ko lang ng maayos,” sagot naman ni Sir Rusty. Nang maitabi na nito ang sasakyan ay nagpaalam na si MJ sa akin at kay Sir. Nakakahiya talaga kasi dalawa na lang kami ngayon sa loob ng sasakyan niya. Bahagya siyang lumingon sa akin at saka ngumiti bago magsalita. “Janice, lipat ka na rito sa passenger seat para mas makapagkuwentuhan tayo,” wika niya sa akin. “Huh? Sure kayo Sir?” wala sa sariling tanong ko sa kaniya. “Cut the Sir off, and si