CHAPTER 2

1770 Words
CIRLYN Agad na umikot ang mga paningin ko nang pagkapasok namin sa maliit na kwarto na iyon. Napatigil ako saglit sa kinatatayuan ko. At base sa mga nakita kong gamit sa loob ay mukhang isang maliit na opisina iyon ng lalaki. Kapansin-pansin din kasi ang ilang gamit na na naroon. May isang hindi kalaparang lamesa, swivel chair, dalawang upuan sa harap niyon at may isang drawer na nasa gilid. May laptop din sa ibabaw ng mesa. Gano'n din ang mga papel at folder na organize ang pagkakaayos. Maging ang pintura ng dingding ay puting-puti na tanda ng kalinisan. In short ayaw nito ng magulo at marumi. Muling natuon ang atensyon ko sa lalaki na kasalukuyan nang nakaupo sa swivel chair. Nagtama pa ang mga tingin namin pero binalewala ko iyon. "Have a seat," saad nito at itinuro ang isa sa dalawang upuan na nasa harap nito. "Thank you," sabi ko naman saka agad ding umupo. "Anything I can do for you, Miss?" tanong nito na hindi pa rin inaalis ang tingin sa akin. Medyo naasiwa na naman ako sa pagtitig nito. Bigla akong na-concious sa itsura ko. Hindi ko alam kung may dumi ba ako sa mukha ko o baka nasobrahan sa kapal ang make up ko. May gusto kasing sabihin ang paraan ng mga tingin nito pero ayoko namang tanungin ito. Sadyang hindi lang ako komportable kaya pinilit kong binalewala na lamang iyon. Sa halip ay ngumiti na lamang ako para hindi halatang nate-tense ako. Kailangan ko pa ring maging professional dito. Isa pa ay may kailangan ako sa kanila at kailangan kong mapapayag ito. Tumikhim muna ako para magtanggal ng bara sa lalamunan ko saka ako nagsimulang magsalita. "Good morning, Sir. By the way I'm Cirlyn Ramos from Prime Lead Events," pakilala ko sa sarili ko. "I am a event coordinator at ni-refer po ako ng event representative ng hotel dito sa restaurant niyo." "Okay," saad nito habang pinaikot-ikot ang hawak nitong ballpen sa kamay. Seryoso lang itong nakikinig habang nagsasalita ako "Actually, Sir nandito po ako para kausapin ang head chef niyo regarding sa mga pagkain po ninyong sine-serve," pagpapatuloy ko pa. "I'm the head chef and the owner of this resturant. By the way I'm Chef Lorkan Aguirre at your service," confident nitong sabi at pakilala sa sarili saka binitawan ang ballpen na hawak sabay inilahad ang kamay nito para makipagkamay sa akin at ngumiti. Napilitan akong tanggapin ang kamay nitong nakalahad. Naramdaman ko agad ang init ng palad nito ng pumaloob ang kamay ko sa mas malaki pa kaysa sa akin. Pero agad ko ring binitawan iyon nang makaramdam ako ng parang kuryente sa aming dalawa. Para may mga boltahe na bigla na lamang dumaloy dahilan na para akong na-ground nang magkadaupang palad kami. Hindi ko alam kung bakit ganoon ang naramdaman ko. Lalong nagulo ang sistema ko. Pinilit ko pa ring maging pormal kahit nawala ako saglit dahil do'n. "Nice meeting you, Ms. Ramos," saad nito na parang balewala lang dito ang ginawa ko. "So, what's with our food?" Muli ko siyang tinignan sa mukha. Nakatingin pa rin ito sa akin. Andoon pa rin ang kakaibang tingin nito. Gano'n din ang ngiti nito sa labi. At infairness naman dito. He has a nice set of teeth tapos ang puputi pa. Halatang alaga ng dentista. At nakakahiya mang aminin pero mas naging cute siya kapag nakangiti. Hindi naman kasing maikakailang ang lakas din ng dating nito kahit na chef uniform pa ang suot nito. Pero saglit ko ring kinalimutan ang naiisip kong iyon. Kung saan-saan na ako napunta. Kung ano-ano nang nakita at napapansin ko. Iba ang ipinunta ko rito at lalong hindi ang mga agaw pansin nitong mga ngipin. I'm here for business deal. And I have goals that need to be accomplish. I need to convince him. Kailangan kong mapa-oo ito para sa aming event. Kaya kailangan kong mag-focus muli sa totoong sadya ko at hindi sa kung ano pa man. Kaya hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa. Diniritso ko na siya ng totoong intensyon at sadya ko talaga. "Actually, Sir, Gusto ko po sanang makipag-deal sa inyo kung pwede po sana na kayo ang mag-provide ng pagkain para sa mga participants ng ika-conduct naming conference rito sa hotel. Bale, one day event lang po naman iyon. Mula umaga hanggang hapon po, then lunch and merienda naman sa schedule ng food," paliwanag ko sa kanya. "Mga ilang katao ba ang mga participants niyo?" tanong nito at naging seryoso na. "Estimated eighty to one hundred person po, Sir," sagot ko. "Mga gano'n po, hindi ko pa po sure kung ilan lahat pero sa tantiya ko po nasa mga gano'n po. Pero I will give you the exact numbers pag na-finalize na po namin lahat at kung papayag po kayo." "'Is that all?" anito na hindi man lang gumalaw sa pagkakaupo nito. Prenteng-prente pa ito. Na para bang balewala lang dito ang sinabi kong bilang ng mga participant na paglulutuan nito if ever na pumayag ito. Na parang yakang-yaka at maning-mani na nito ang deal na inaalok ko. Kung sabagay chef nga naman ito, magaling ding magluto at normal lang dito ang maramihang lutuan. Sanay na sanay na ito sa bakbakan at malakihang mga events. Baka nga wala pa ang event naming ito sa kalingkingan ng mga naranasan nito. "Yes, Sir!" sagot ko. "Pwede bang malaman kung kailan 'yang conference niyo?" "Exactly mga two weeks from now, Sir." "O...kay?" Halatang parang may alinlangan sa boses nito. "Ano bang mga klase ng pagkain ang gusto niyong ipa-serve?" "Puro mga pinoy naman po lahat ng kasali, so probably Filipino foods din po." "'Yon lang ba, Ms. Ramos?" "Yes, Sir! 'Yon lang naman po. At hopefully, sana pumayag po kayo," saad ko. Natahimik ito saglit. Halatang nag-isip at pinag-iisipan ang deal ko. Tahimik lang din akong naghintay ng isasagot nito. Medyo hindi ko mapigilan na hindi kabahan. Paano na lang kung hindi ito pumayag? Paano kung tanggihan nito ang deal ko? Mas lalo akong mahihirapan pagnagkataon. Kailangan ko na namang maghagilap ng pwedeng mag-cater. Another trabaho ulit. Pero kung pagpumayag naman siya, solve lahat ng problema ko. "Okay, it's a deal, Ms. Ramos. Tinatanggap ko!" biglang saad nito. Napanganga na lang ako nang marinig ang sagot nito. Medyo nabigla pa ako dahil do'n. Hindi ko inaasahan na gano'n agad ang sagot nito. Hindi rin kasi nawawala sa isip ko ang posibilidad na i-reject nito. But hearing those words, ang sarap lang sa tengang pakinggan na pumayag ito. Gusto kong tumalon sa tuwa dahil do'n kaso baka kung ano pang isipin nito. Kaya pinigil ko ang sarili kong gawin iyon. Dahil do'n ay nakahinga ako ng maluwag. Agad sumilay ang matamis na ngiti sa labi ko. "Hala! Seryoso po? Totoo po talaga, Sir? Pumapayag po kayo?" hindi makapaniwalang reaksiyon ko. "Bakit ayaw mo ba, Ms. Ramos?" "Hindi naman po sa gano'n, Sir. Hindi lang po ako makapaniwala na papayag po kayo kaagad ng gano'n-gano'n lang at ganoon kabilis. I'm mean ni hindi man lang po kayo kumontra o nag-hesitate man lang. Ni nagdalawang isip ay mukhang hindi rin po. Basta na lang po kayong nakipag-deal agad." "Hindi na kasi pinapatagal pa iyon, Ms. Ramos. Isa pa ay may tiwala naman ako sa 'yo," anito dahilan para mapatingin ako rito. "Tiwala po?" "Yes! Trust. Naniniwala naman ako sa 'yo. Mukhang hindi ka naman prankster o 'di kaya scammer. And I know kung totoo o pinagloloko lang ako ng mga taong kausap ko. Kung kailangan ko ba silang pagkatiwalaan o hindi. This time you've got my trust." "Wow!" muling reaksiyon ko. "Nice to hear that, Sir. Thank you so much for the trust. I can assure you po na 100% na legit po ang company namin." Mas lalong lumapad ang ngiti ko dahil do'n. So far kasi ay ito ang pinaka-smooth na naging transakyon ko sa lahat nang nakausap ko sa tagal ko na sa trabaho. Walang demands, walang ding special request na kung anu-ano. At tanging ito lang din ang hindi pinagdudahan ang deal na inaalok ko. Maging ang katauhan ko as event coordinator. Sadya lang siguro na magaling lang ito kumilatis ng mga tao kaya napa-oo ko agad siya. Saka hello? Sa itsura kong 'to mukha ba akong scammer? Sayang naman ang convincing powers ko kung gano'n. "You're welcome," tugon nito. Tuluyan akong tumayo mula sa pagkakaupo. "Thank you so much again, Sir. So, it's a deal, Sir?" tanong ko sa kanya saka inilahad ang kamay ko para makipag-kamay rito. As a sign na meron na kaming kasunduan na dalawa. Na totally ay pumapayag na ito sa inaalok ko. A formalities that we have a deal. "Yes! It's a deal," anito at sabay inabot nito ang kamay ko. Muli ay nagkamay kaming dalawa. Ine-expect kong muli na naman akong makakadama ng parang ground na pakiramdam na iyon pero wala. Ilang segundo yata nagtagal ang nakahugpong naming mga kamay pero wala na akong naramdaman pa. Siguro ay sa una lang ang gano'n. Kaya ay mas naging komportable na ako. Kapwa pa kami napangiti pagkatapos niyon saka tuluyang bumitaw sa isa't-isa. Tuluyan na ring nawala ang gumulo sa pakiramdam ko at sa utak ko kanina. "So, see you again on food tasting?" ani Lorkan. "Yes, Sir!" excited kong sagot. "Gusto ko munang ipatikim sa 'yo ang mga dish na ihahain ko. Gusto ko rin kasi na magkaroon muna ng approval bago ko lutuin at i-serve." "Kailan po ba iyon, Sir?" tanong ko. "Kayo kung kailan kayo available. Inform niyo lang ako ahead of time para makapag-prepare rin ako." "Noted, Sir! Actually, available naman kami anytime. Pwede po ba akong magsama pa ng isa ko pang katrabaho? Para hindi lang po ako ang magco-comment if ever." "Sure! No problem. The more the better." Natuwa ako dahil do'n. Maging sa idea ng food tasting na magaganap. Makakain din uli ng masarap-sarap. Ito talaga ang gusto ko sa trabaho ko. May libreng pa-tikim pa. Mas nauna pa kaming makakatikim kaysa sa mga participants. Perks of being a event coordinator. I really love my job. "Kung gano'n po, Sir, okay po!" masaya kong reaksiyon. "Ah, oo nga pala, Sir..." Kinuha ko ang bag ko saka ay may hinagilap doon. "Here's our calling card, Sir. You can call us para sa date ng food tasting. Pwede rin po bang makahingi ng sa inyo?" "Naku, wala akong calling card, eh. Pero meron contact numbers ng resto do'n sa flyers na binibigay namin sa labas." "Ah gano'n po ba, Sir?" "Yup! Hingi ka na lang kay Rica sa labas bago ka umalis." "Okay, Sir! No problem po. Nice dealing with you again, Chef!" saad ko saka ngumiti. "Same here!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD