CHAPTER 3

1823 Words
LORKAN Kanina pa nakaalis si Cirlyn. Hindi ko na siya hinatid pa sapagkat tumanggi na ito kaya hinayaan ko na lang. Hindi na rin ako nagpumilit pa. Napapangiti na lamang ako nang maalala ang mga nangyare kanina sa amin. Mula sa pagkaka-out of balance nito na agad ko rin siyang nasalo. Hanggang do'n sa eksenang ako na mismo ang naglagay ng band-aid sa paa nito. From the first time na nakita ko siyang nakaupo, nakaangat ang paa at walang suot na kapares ng heels ay nakuha na agad niya ang atensyon ko. Naging interesado na ako sa kanya. I find her interesting. I find her special. Parang may something dito na hindi ko alam kung ano. Basta isa lang ang sigurado nakuha na niya ang atensyon ko kanina. I find her also cute. I love everything about her. Bonus pa na maganda rin ito. Gusto ko rin ang personality nito. Napaka-professional at mukhang masiyahin. Kaya looking forward to see her again in the next couple of days. Maya-maya pa ay nadako ang atensyon ko nang marinig ko na may kumakatok sa pinto. Natuon ang tenga at mata ko roon. Panira ng moment. "Pasok!" saad ko at umayos ng upo. Tuluyang bumukas ang pinto at nakita kong pumasok si Evander ang isa sa mga kabarkada ko s***h brader na Head ng Front Office Department. "Ba't andito ka?" tanong ko agad sa kanya. "Bakit masama ba?" balik-tanong ni Evander sa halip na sagutin ang tanong ko. Umupo ito sa isa sa dalawang upuan na nasa harap ng mesa ko. "Wala naman. Nakakapagtaka lang na andito ka. May kailangan ka ba? May problema ba sa department mo?" "Wala naman. Nangangamusta lang ako," ani Evander. "Ayos lang naman ako, Brad. At kailan ka pa naging concern?" pagtataka kong tanong. Hindi ko kasi inaasahan ang presensya nito na sasadyain niya pa ako rito sa opisina ko para mangamusta. Pwede naman niya ako i-text or tawagan. Ang weird lang talaga na may pangungumusta pa itong nalalaman, eh kagabi lang ay magkakasama kami nag-inuman. Araw-araw din kaming halos nagkikita at nagkakasalubong sa hotel. "Kanina lang. May nabalitaan kasi ako." Napakuno't ang noo ko sa sinabi niya. "Ano namang nabalitaan mo at kanino mo nasagap 'yan?" Tinignan niya ako na para bang may ginawa akong kakaiba. Ngingisi-ngisi pa ito habang nakatingin sa akin. "'Wag mo nga akong tignan ng ganyan. Nakakadiri! Diretsahin mo na nga ako!" saad ko sa kanya. "G*go!" mura niya sa akin. "Kay Wookie. Huling-huli ka do'n sa cctv na may chika babes na nagpunta kanina rito sa resto mo. May paluhod-luhod ka pang nalalaman," ani Evander. "So, ano ngayon?" seryoso kong saad. "Wala! Nagtatanong lang naman." "Wala na kayo do'n. Pwede ba bumalik ka nga do'n sa pwesto mo," iritado kong saad dito saka ako tumayo mula sa pagkakaupo ko para tunguhin ang pinto at saka binuksan iyon. "Labas na! Marami pa akong gagawin. Wala akong oras na makipagkuwentuhan sa 'yo. Mind your own business." "Okay! Okay! Chill ka lang," ani Evander at itinaas pa ang magkabilang kamay bilang tanda ng pagsuko nito saka tumayo. "Ang init agad ng ulo, eh. Nakikibalita lang naman, eh." "Tigilan mo nga ako. 'Di mo 'ko mauuto. Alam ko namang ikakalat mo rin 'yon. Ul*l!" "Para namang hindi malalaman ng mga brader natin 'yan," sabi ni Evander. "Ah, basta. Tigilan niyo na 'yan. Tigilan niyo 'ko," wika ko sabay tulak ko pa sa kanya para tuluyan itong lumabas ng opisina ko. Pagkalabas nito ay agad ko ring isinara ang pinto. "Tsk! Mga chismoso talaga!" nasabi ko na lang saka ako bumalik sa mesa ko. Sanay naman ako sa mga brader ko na may pagkachismoso talaga ang mga ito at wala talagang pwedeng makalagpas na kahit na ano. Lalo na pagdating sa mga babae. Pero never pa naman kaming nag-away-away nang dahil do'n. May kasunduan kaming magkakabarkada na walang sulutan at lalong walang pakialamanan pagdating sa mga babaeng pinopormahan namin. Pwede mag-suggest, pwede magbigay ng opinyon o humingi ng payo pero nasa amin pa rin kung susundin namin iyon. Isa pa ay sa dami ba naman ng cctv cameras na nagkalat sa buong hotel at may Wookie pang tambay sa cctv room ay malamang sa alamang wala nang maitatago pa. Lahat kitang-kita nito. Pati na ang mga hindi dapat makita ay alam nito. Matinik pa naman ang unggoy na iyon. Ang linaw ng mata kaya lahat talaga nakikita nito. Hindi na rin ako nagtataka pa at sigurado akong puputaktihin na naman ako ng mga bubuyog este ng mga brader kong nakikiusyuso sa group chat namin dahil dito. Ako pa naman 'yong tipong hindi basta-basta nagsi-share. Bukod sa nahihiya ako ay gusto ko ako mismo ang gagawa ng diskarte para sa sarili ko. Pero kahit gano'n ay nagpapasalamat pa rin ako na may mga brader akong naandiyan kapag kailangan ng isa't-isa ng tulong at payo. We have a solid brotherhood. At masaya ako na kabilang ako ro'n. CIRLYN Lulan na ako ng taxi pabalik ng opisina. Medyo mabagal ang takbo ng sinasakyan ko. Matrapik kasi area na dinadaanan namin. Kaya wala akong choice kung hindi ang mapabuntong-hininga na lamang at maghintay na umusad iyon. Bigla kong naisip ang nangyare kanina. Natuwa ako sapagkat okay na ang mga pinoproblema ko. May venue at may pagkain na rin kaya kahit paano ay nabawasan na ako ng mga inaalala. Hindi na ako pressured at ngarag. Hindi na rin ako mamomoroblema pa. Makakapag-relax na rin ako. "Thank you, G, talaga!" nasaad ko sa isip ko saka napadako ang tingin ko sa parte ng paa kong may paltos. Dahil do'n ay naalala ko muli ang ginawa ni Lorkan kanina. Sa totoo lang ay unexpected iyon pero nagpapasalamat pa rin ako sa kanya. Baka kung hindi nito nilagyan ng band-aid ang paltos ko ay baka hanggang ngayon ay nagdurusa pa rin ako dahil dito. Baka nga mas lumala pa iyon. Napangiti na lamang ako. Nabaling ang atensyon ko nang muling tumunog ang cellphone kong nasa loob ng bag ko. Kinuha ko iyon para sagutin. Nakita kong si Mary Grace muli ang tumatawag. "Girl, ano ng balita?" bungad agad nito. "Okay na!" sagot ko. "Yes!" Narinig kong reaksyon nito mula sa kabilang linya na halatang natuwa. "Mabuti naman kung gano'n. Solve na ang problema natin. Good job ka talaga, Girl" puri pa ni Mary Grace sa akin. "Sus! Ako pa ba? Maliit na bagay." "Oo, ikaw na nga! Asan ka na ba?" tanong pa nito. "Pabalik na ako diyan. Medyo matrapik lang kaya baka medyo matagalan ako," sabi ko sa kanya. "Okay lang. Take your time. Ako na ang bahala kay bossing mag-explain. Tiyak naman akong matutuwa iyon kapag sinabi kong okay na 'yong venue saka 'yong pagkain kaya ayos lang 'yan. Kung gusto mo mag-mall-ing ka muna para magpalamig," ani Mary Grace. "Sira! Saka na 'pag may pera na akong pang-mall," saad ko. "Kahit na mag-window shopping ka lang o kaya kumain ka sa Jollibee. I-treat mo rin minsan ang sarili mo. Mukhang nangangamoy bonus kasi sa katapusan." "Kahit na. Jusko! Iinggitin ko lang ang sarili ko kapag nag-window shopping pa ako. Saka 'yong pang-Jollibee ko ibibili ko na lang ng bigas, makakakain pa lahat ng kapatid ko. Isa pa maraming umaasa sa akin. Andaming pang gastusin sa bahay. Hindi ko na iniisip pa ang mga ganyan. Mabayaran ko lang mga kautangan ko at may pagkain kami sa hapag masaya na ako," sabi ko. "Girl, pagkakaalam ko single ka pa naman. Wala ring mga anak pero ba't parang pasan mo na ang daigdig. Ba't ba parang sinolo at inako mo na ang lahat? May mga kapatid ka pa naman 'di ba? Na kaya pang magtrabaho, ah." "Meron nga pero kulang pa rin. Alam mo naman pa-extra-extra lang ang mga iyon. Wala ring permanenteng trabaho. Kaya kailangan ko talagang magtipid at kumayod ng bongga. Hindi ko na iniintindi ang sarili ko. Ang iniisip ko na lang para naman sa kanila ang lahat ng ito." "Pero, Girl. Isipin mo rin ang sarili mo minsan. May buhay ka ring sarili. May mga gusto ka rin sa buhay." "Alam ko pero sa ngayon hindi ko pa priority iyan. Marami pang mas higit kaysa sa sarili kong kapakanan. Gano'n talaga siguro. Kaya 'wag mo na akong kulitin pa. Ayos lang ako, Girl. Hangga't walang sakit at humihinga ay masaya na ako do'n." "Sigurado ka? Masaya ka na sa lagay na 'yan, ha?" "Oo. Kaya 'wag ka nang kumontra pa. Hindi mo pa kasi nararanasan kaya hindi mo ko maintindihan." "Naiintindihan kita. Ang akin lang magtira ka rin para sa sarili mo. Hindi palaging sila. Dapat ikaw din. Para naman maramdaman mong worth it lahat ng pagtitiis mo at paghihirap mo." Hindi na ako sumagot pa. Alam ko kasing hahaba pa iyon kung hindi ako titigil. Nage-gets ko naman ang point ni Mary Grace. Nakukuha ko namang gusto niyang puntuhin pero sa ngayon talaga ay hindi pa pwede. Tama naman ito sa mga sinabi nito. Dinaig ko pa nga ang may isang dosenang anak sa dami ng umaasa sa akin. Hindi naman kasi kami mayaman. Saktong isang kahig at isang tuka lang kami. Nakakaluwag 'pag may sahod pero kapag wala tiis-tiis muna. Sanay na ako sa gano'ng sitwasyon namin. At kahit paano ay nakaka-survive pa naman. Pero kahit gano'n ay ayos lang sa akin iyon. Pamilya ko naman ang mga iyon. At masaya naman ako kahit hirap at kinakapos talaga. Oo, marami pa akong pangarap. Mga gustong gawin at marating sa buhay pero ayoko munang alalahanin pa iyon. Madali na iyon kapag andyan na. Ang importante kasi para sa akin ay 'yong ngayon. Saka ko na lang iisipin kapag okay na ang lahat. At kapag kaya ko na at hindi na ako naghihirap pa. Ewan ko nga ba kung kailan pa ako makakaahon at yayaman. Hays! "Girl?... Girl?... Andiyan ka pa ba? Hello?" ani Mary Grace mula sa kabilang linya. "Oo, nandito pa ako," sagot ko. "Ba't natahimik ka bigla? Hindi ka na sumabat diyan?" anito. "Wala! May naalala lang ako," pagsisinungaling ko. "Basta, Girl, 'wag mong isipin na nangingialam ako sa personal mong buhay. Ang sa akin lang naman ay payong kaibigan lang. Huwag mo rin sanang masamain." "Alam ko. Naiintindihan ko. Kaya salamat pa rin kasi naiintindihan mo ang sitwasyon ko. At hindi mo pa ako tinatakwil bilang kaibigan mo," biro ko pa sa kanya. "Baliw! Matagal na nga dapat pero ewan ko ba hindi ko rin magawa," aniya. "Ah, gano'n? Subukan mo lang. Hindi kita isasama sa food tasting sa susunod na mga araw," pananakot ko rito. "Walang ganyanan, Girl. You know naman I love food tasting." Natawa ako sa sinabi. Na-imagine ko kasi ang ekspresyon ng mukha nito. Basta kasi food tasting ay excited ito lagi. "Alam ko. Ang takaw mo kaya. Kaya nga ikaw talaga ang niyayaya ko, eh. Ikaw kaya ang food tasting buddy ko. Basta inform kita tungkol diyan," sabi ko. "Okay! Thank you, Girl!" "Sige, na! Umuusad na kami," pagtatapos ko saka tuluyan kong pinutol ang tawag.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD