Chapter 2: His Den

3247 Words
"Wh-What do you want from me?" nanginginig ang boses ko. Kay Rex ako nakaharap dahil hindi ko magawang lingunin ang lalaking ito na katabi ko sa backseat ng Starex. Sa bintana s'ya nakaharap kaya medyo kumakalma naman ako. Si Rex ay nasa front seat at hindi katulad kanina ay tahimik s'ya ngayon. May dalawa pang lalaking nasa likod. Kinagat ko ang labi ko ng walang sumagot sa kanila. Sumilip ako sa bintana sa gilid ko. Pamilyar pa naman ito sa akin pero alam kong palayo na kami. Sana lang ay matandaan ko ang daan pabalik. "What do you want? Why did you—" "Shut up!" malakas na sigaw ng lalaking ito. Napatalon ako sa gulat at ganoon din si Rex at ang driver. I know the two on the back also. "I-I want to-" "f**k!" Lumapit siya sa akin at mariing hinawakan ang braso ko, dahilan para mapangiwi ako sa sakit. "I said shut up! Your life. That's what we want!" Nanginig ang buo kong katawan dahil sa pagsigaw niya. Mariin ko ring ipinikit ang mga mata ko dahil halos mabingi ako pagsigaw niya sa aking tainga. I'm not usually this fragile. I can always protect myself and I want to prove that to my parents. But now? I feel so weak. Kahit anong pilit kong magmatapang alam kong hindi ko kaya ang lalaking ito. And this is the first time someone treated me like s**t! Nang marahas niyang binitawan ang braso ko ay humarap na lang ako sa bintana. For sure, nag-aalala na ngayon ang mga magulang ko. Naaawa ako kay mommy. I can't imagine how worried she is for me right now. I feel guilty but then, hindi naman ako tumakas para malagay ako sa ganito. And I also don't want this to happen to me. Tumunog ang cellphone ni Rex at binasa niya ang message doon. Nilingon ko ang space sa pagitan namin ng lalaking ito. Iniisip ko kung nandito ang clutch ko pero wala. Ang alam ko ay nakatrack ang cellphone ko kaya madali akong nahahanap kapag tumatakas ako. Pero bakit naman noon na tumakas ako? Iniwan ko ang cellphone ko pero nahanap pa rin ako sa rooftop ng isang mataas na hotel? "Rigel, nahanap na nila ang mga bodyguards. Maayos at malinis ang plano," ani Rex pero hindi nakatingin sa amin. So Rigel is the name. "Are you sure they can't track us down?" Hirap akong lumunok dahil sa tono ng kanyang boses. Ibig bang sabihin nakita na nila mommy ang bahay na pinanggalingan namin? Nakita na nila ang mga goons! At alam ko na mahahanap din nila ako kahit saan pa ako dalhin ng mga ito. "No. Hundred percent sure. Since she doesn't have any trackers with her anymore." Nagsalubong ang kilay ko. Anong ibig nilang sabihin? Imposibleng hindi ako mahahanap ng mga magulang ko. Kung may alam man akong posibleng paraan sana ay noon ko pa ginawa. "That's impossible. My parents will always make a way to find me," matapang na sagot ko at mabilis na kinurot ang aking mga daliri ng lingunin ako ni Rigel. Kahit malalim na ang gabi ay kita ko pa rin kung gaano kadilim ang mga mata n'yang nakatingin sa akin. "Not this time," kalmadong sagot n'ya. Bawat salita n'ya ay ramdam ko ang galit na hindi ko malaman kung saan nanggagaling. "Then why? Why are you doing this? Are you the reason why my parents are craving for more security?" matapang na tanong ko. I can always find ways to act strong but I know I'm nothing with this dangerous guy. Mahina s'yang humalakhak. Nagtindigan ang balahibo ko sa pagiging sarcasm ng tawa n'ya. "They should be. Because they're scared." Ang kanyang nakakapanindig balahibong halakhak ay agad na nawala ng sulyapan ako. "Now shut up." Alam kong utos iyon but I still wanted to try my luck. Pilit ko namang pinipigilan ang sarili ko pero ang umiiral ang pagiging spoiled brat ko. Ang pagiging Stacey Yanes ko. "No!" sigaw ko habang nakakuyom ang mga kamao sa aking hita. "I want to know everything! If you want my life then take it but tell me everything!" If I die now, I want to know the whole story first. "Rex, anything to shut her mouth," baritonong utos n'ya kay Rex. May kung anong kinuha si Rex sa dashboard at ibinigay sa kanya ang panyo. Oh God! Iyan din ang ginamit n'ya kanina para mawalan ako ng malay! At hindi pupwedeng makatulog ako ngayon! I need to remember the way back. Hawak ang panyo ay lumapit sa akin si Rigel. Agad kong tinakpan ang aking bibig at umiiling na sumandal sa pinto. "No!" I held his chest to push him away. He flinched from the contact. Quickly and drastically, he threw my hand off him. Ngumiwi ako sa sakit ng ihampas n'ya ang likod ng kamay ko sa bintana at mahigpit iyong hinawakan. He's so harsh! So ungentleman! Namanhid ang kaliwang kamay ko kaya hindi ko na nagawa pang lumaban. Hinawi n'ya ang kanang kamay kong nasa aking bibig at mabilis na tinakip sa aking ilong ang panyo. How come someone beyond handsome is this heartless? Nagising ako sa isang madilim na silid. Para akong nasa loob ng isang malaking tent pero hindi ko alam kung tent nga ba ito. Dahan-dahan akong bumangon mula sa isang puting double bed. May isang two seater sofa sa paanan ng kama. Walang kahit anong bintana kaya hindi ko alam kung umaga o gabi ngayon. Malawak ito at may iilang gamit. Naramdaman ko ang carpet ng itapak ko ang mga paa ko sa sahig. Ito pa rin naman ang damit na suot ko kaya hindi na ako nag-alala. Pero sa tuwing naiisip ko ang ginawang paghubad sa akin ng lalaking iyon ay hindi ko maiwasang mamula. To think na wala lamang sa kanya kahit na fully naked na ako sa harapan n'ya! Para bang—Dvmn! Nakakababa ng tingin sa sarili! I'm sexy and I know that confidently! Every guy drooled at the sight of me in my swimsuit. Tapos s'ya? Wala lang? Okay fine. Don't get me wrong. Ayaw ko naman na mag-isip s'ya nang masama sa akin habang nakahubad ako sa harapan n'ya pero—hello? Tss. Whatever! Sinuot ko ang tsinelas na suot ko kanina na nasa tapat na ngayon ng pinto. I mean, hindi pinto dahil wala talagang pinto. Tela lang ang nagsisilbing pinto. Pumikit ako ng tumama ang sinag ng araw sa aking mukha. Umaga na? Matagal din pala akong nakatulog. Nang nakapag-adjust na ang mga mata ko sa liwanag ay lumingon ako sa paligid. There are trees around and so I guess we're in the forest? And I noticed these men. I think they are twenty in number? May dalawa pang malaking tent sa likod nila pero may kalayuan kung nasaan ang tent na ito. Malayo naman silang lahat sa akin pero pansin ko pa rin ang titig nila. And among all of them, Rigel caught my eyes. Agad akong umiwas ng tingin. Kung tatakbo ako ay wala rin kong matatakasan. Anong alam ko sa malawak at tila gubat na lugar na ito? So this is their den? Ano sila mga taong bundok? At sa ganitong lugar pa talaga ako dinala?! Nang tingnan ko ulit sila ay sa akin pa rin nakatuon ang kanilang buong atensyon. Nakaupo sila sa isang troso, ang ilan ay nakatayo habang nakaikot sa isang malaking kahoy na lamesa. Pilit kong iniwasan ang tingin ni Rigel sa akin pero hindi ko magawa. Mabuti na lang talaga na medyo malayo ako sa kanila. Inayos ko ang magulo kong buhok. s**t! I am a mess tapos kung makatingin sila! Napansin kong tumayo si Rigel. Pumasok ako sa loob ng tent sa kaba. Bakit ba kase walang pinto? Nagbalik-balik ako sa paglalakad pero wala talagang ibang exit dito. I wonder kung paano nila natayo ang ganitong kalaking tent. At may mga gamit pa sa loob. Narinig kong may pumasok. Pigil ang hininga ko nang tingnan iyon. It's him. He's wearing a white round neck and a khaki shorts. Okay. He is still heartless handsome. "What are you doing here?" Mas lalong dumilim ang tingin n'ya sa akin. Humakbang s'ya. Umatras ako. "Not because you're free, you could roam around as you wish." Umirap ako sa sinabi n'ya. Mukha ba akong free? Besides, I'm curious about where the hell they took me! "Get out there and join them for breakfast," malamig na utos n'ya. He wants me to join him and his goons for breakfast? Okay, I should call his goons as villains. "Go!" Napatalon ako sa pagsigaw n'ya kaya naman mabilis akong naglakad palabas. At hindi ko alam kung bakit ko s'ya sinusunod! I flipped my hair once I'm outside. Akala naman n'ya. Any moment by now, nandito na ang parents ko. Na-late lang siguro sila dahil bundok itong pinagdalhan sa akin. Kung kailan naman nasa ganito akong sitwasyon, hindi kaagad nila ako mahanap. Samantalang dati, wala pang limang minuto nakikita kaagad nila ako. Umirap ako sa mga lalaking nakatingin na naman sa akin ngayon. Ayaw ko talagang makisalo sa kanila pero kailangan. They might give me an idea about all of this. I'm expecting root crops as their breakfast but I was definitely wrong. They have hotdogs, bacon, eggs, bread, and such. Siguro nga ay may kusina naman sila sa isa sa mga tent na iyan. Tinusok ko ang hotdog gamit ang chopstick at kumagat. Nakatayo ako samantalang lahat sila ay nakaupo na. They don't have any cutlery but chopsticks and banana leaves. I guess for convenience. "Why did you bring me here in your den?" tanong ko sa kanila habang lumilinga sa paligid. I hate hiking at ngayon naman ay nandito ako sa bundok na ito. Wait? Sino ang nagbuhat sa akin paakyat sa bundok na ito? "And who brought me—" "Stop asking dahil wala kaming isasagot sa'yo." Tinaasan ko ng kilay si Rex. At ngayon ay nakakangisi na ulit s'ya? "Bakit hin—" hindi ko natapos ang sasabihin ko ng mapansin ang isang pamilyar na mukha sa kanila. Pinagmasdan ko rin ang iba at tatlo sa kanila ang pamilyar sa akin. "You look familiar!" Napatakip ako sa aking bibig nang may na-realized. Tumango sa akin si Rex kaya lalo akong nainis. Sila iyong nagtatangkang lumapit sa akin kahit na nakapalibot ang mga goons ko! Now it all makes sense. "You planned well for this." I accused because I'm pretty confident about it. "Yeah right. We waited for this for two years now." Rex smirked. Two years? That's also the time since our life started to mess up. Hindi na ako magtataka kung inabot sila ng ganoong katagal para makuha ako. Sa dami ng goons ng parents ko. Kung alam ko lang na ganito ay sana naintindihan ko sila. Now I know they're not paranoid. They're just cautious. "Why? Why did you have to take me? And what do you need? Have you called my parents for ransom already?" sunod-sunod na tanong ko but I'm not in a panic. Actually, that sounded sarcastic. Rex chuckled together with some of the men, I mean villains. "We don't need your family's dirty money, Sweetie." Pinanliitan ko s'ya ng mata. What does he mean dirty? And... eww Sweetie. "What we need, especially Rigel, is your life. He told you already." "Then what do you want from me? I mean, why my life? Ano'ng ginawa ko?" nakataas ang kilay na tanong ko. They didn't intimidate me unlike that man, Rigel. So I'm not scared to show them my attitude. Umiling si Rex sa akin at hindi na sumagot. Tumalikod s'ya sa at sinundan ko s'ya ng tingin. I've been kidnapped but at least hindi ako nakatali or what. This set up looks like a camping with strangers. "And, oh! Clean the mess." Tinuro n'ya ang kahoy na mesa habang nagsialisan ang ilang mga lalaki pero hindi ko na inalam kung saan sila pupunta. Mahina akong tumawa kay Rex. "What? You're expecting me to what? Dream on..." Umiling ako at nagtaas ng kilay ng nagseryoso na naman s'ya. Ngunit bago pa ako muling nakapagsalita ay may nagsalita na mula sa likuran ko. "Do as you are told." I stiffened and didn't bother glancing at him. I hate myself for being terrified of him. Well, I'm not to blame myself dahil kahit ang mga lalaking ito ay halatang takot sa kanya. Nang tumalikod sa amin si Rex ay hinarap ko s'ya. My jaw almost dropped. He's wearing a white sando and boxer shorts. On his shoulder is a white bath towel. Agad kong tinikom ang bibig ko ng iangat ko ang tingin ko sa mga mata n'ya. He's in his usual poker face of course. "Get that?" Hindi ko kaagad naintindihan ang sinabi n'ya at nang nagsink in sa akin ay nagsalubong ang kilay ko. "I-I'm not the...," umiwas ako ng tingin para masabi nang maayos ang mga salita, "only one who ate so why—" He cut me off. He's interrupting me! "Whether you eat or not, you'd do what you've been told when you're still here." Yeah, in your den. Magsasalita sana ako nang nilampasan n'ya ako. I inhaled on his mild scent. Sinundan ko s'ya ng tingin. He went on the small backyards near the middle of this three huge tents. Sa gitna ng bakuran na iyon ay isang maliit na kubo. I guess their comfort room. Wait! Comfort room? That small one? At napansin ko ang isang… what do they call that thing? Rigel is now, pushing the end of what seems like a rusting metal. He's pushing it down and up. Habang ginagawa n'ya iyon ay may lumalabas na tubig mula sa nguso noon. Maybe people in this dark forest used to get water from that strange thing. I scrunch my nose up in disgust. Hindi ba umunlad ang sibilisasyon sa lugar na ito? Tumigil si Rigel at humarap sa akin. He titled his head. Ilang sandali bago ako nakagalaw. I don't even know I'm also staring at his muscles... on how it flexed with his every move. Damn! Umiwas ako ng tingin at umirap sa kawalan. Good thing talaga na medyo malayo s'ya. Tiningnan ko ang kalat sa mesang nasa harapan ko. There's no way I'm gonna clean their mess. "Hindi mo pa ba 'yan liligpitin?" The man asked from nowhere. Nanliit ang mga mata ko sa kanya. He is one of those guys who tried to approach me when there's time. Sa school pa mismo namin. Ngayon ay hindi na ako magtataka kung paano n'ya nagawang makapasok sa all-girls school. Kung nakuha nga nila ako sa kabila ng pagkarami-raming goons ng parents ko, ang pasukin pa kaya ang school? "Why would I? I'm not here as your damn maid," iritable kong sagot. Kinuyom n'ya ang kanyang panga at mataman akong pinagmasdan bago lumagpas ang tingin sa aking balikat. "Nandoon ang kusina." Tinuro n'ya ang tent na nasa kaliwa, katabi ng isa pa. "Dalhin mo roon ang mga baso at ilan pang mga gamit. Ang mga dahon, ipunin mo sa gilid at sunugin." "Excuse me?" nakapamewang na tanong ko sa kanya. Tumango s'ya sa likod ko, whom I know is Rigel, bago s'ya tumalikod at dumiretso sa kakahuyan. May iilan pang lalaki na palakad-lakad lang. Ang iba ay labas at pasok sa tent na nasa kanan. Umirap ako sa kalat sa mesa at hinarap si Rigel. Oh my! He's actually taking his bath now. In that open space! I can watch him from here! I hate to admit it but my kidnapper is really beyond perfect. Those models I've known have nothing to do with his drop-dead gorgeous and perfect face and body. What should I say? I'm speechless here. He's only with his boxers! Good thing na nakaupo s'ya kaya hindi ko na kaylangang makita s'ya all the way. Muli s'yang lumingon sa akin kaya agad akong umiwas. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kaya diretso na ako sa tent kung nasaan daw ang kusina. I need water, damn it! He just caught me ogling at him. Well, that's not my fault. He's bathing where everyone here could see him. What's the use of that tiny CR there, then. Compared sa tent ni Rigel, mas maliwanag sa tent na ito. May iilang window-like squares kung saan pumapasok ang liwanag. Nakatupi ang tela para mapanatili iyong bukas. Siguro ay may ganito rin sa tent ni Rigel. Ayaw n'ya lamang talagang itaas para sa liwanag. It's not like the usual kitchen. Well, as I expected. Napansin ko na nakasabit ang napakaraming toothbrush. Siguro ay para sa kanilang lahat. Binuksan ko ang drawer sa taas. May kung anu-ano ang nandoon. Ingredients, and whatever. Binuksan ko ang maliit na drawer at napansin ang mga unused toothbrushes. I got one to use. Kinuha ko rin ang unused toothpaste. Siguro ay dito talaga sila nag to-toothbrush since hindi pwede sa incredible CR nila. Kumuha ako ng baso sa cupboard at ng tubig sa dispenser. Wala namang kuryente rito kaya warm lang ang tubig. Nang natapos ako ay binalik ko iyon sa drawer kung saan hindi nila mapapansin, in case kailanganin ko ulit. Sinadya kong magtagal dito para hindi ko maabutan si Rigel na naliligo doon ng biglang pumasok ang isang lalaki. He is wearing a black tight shirt. Matangkad s'ya at moreno, with those bright blue eyes. He looks so cool but I know he's dangerous as well. "Hindi mo pa rin nililigpit ang mesa," aniya. He's not the same man outside. At naiinis ako na pinapaalala nila sa akin ang trabahong hindi ko naman dapat gawin. "I don't care. I'm not here to clean your mess," I truthfully said. "I know my parents will be here at any moment." "So sad. Imposibleng mangyari 'yan. You don't have any devices with you for them to trace this place." Nagsalubong ang kilay ko. "What do you mean?" "You don't have your phone or anything with you. Sa loob ng dalawang taon, I guess Rigel finally learns how your parents work. Alam na n'ya ang tungkol sa tracking devices na posibleng ilagay ng mga magulang mo in anyways." Nagtaas ako ng kilay sa kanya ng nag cross-arms s'ya sa harapan ko. So they really were planning to get me over a years as what Rex said. "Hindi ka ba nagtataka kung bakit palagi kang nahahanap ng parents mo sa tuwing tumatakas ka? Even without your phone? Ang sabi ni Rigel, posible raw na may tracker ka in your body. Siguro sa mga accessories mo." Okay. So I know now. This guy seems to know a lot. "At iniisip ko kung paano n'ya naalis lahat ng tracker sa'yo?" Tiningnan n'ya ako mula ulo hanggang paa, "he must've had taken everything off of you." He smirked and I flushed. Uminit ang pisngi ko. Umiwas ako ng tingin at inilagay ang baso sa gilid ng sink. I don't want to tell him about those details. And mostly, I don't want him to picture me naked as how Rigel saw me. "You guys are all creepy that's why. Wait until my parent's find me," banta ko at akmang aalis na pero pinigilan n'ya ako. Namilog ang mga mata ko sa kanya ng kinulong n'ya ako sa pagitan n'ya at ng sink. "I told you that's impossible. Right now." Nagtaas ako ng isang kilay at tinulak s'ya. Napaatras s'ya pero agad ding lumapit at bumulong sa aking tenga. "Hindi ako kaaway. Magkakampi tayo rito. Trust me."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD