PASIMPLENG inikot nya ang kanyang paa dahil sumasakit na iyon kakalakad at ilang oras na nakatayo.
"malapit ka na mag-out sky, last serve mo na 'to." kinuha nya ang bucket ng beer at dumeretso doon sa VIP table 4, medyo malapit lang sa inuupuan ng boss nya at mga kaibigan nito. kaya pag mag hahatid ako ng mga orders nginingitian ako ni archie at clinton.
"hey.." binalingan nya ang lalaki sa isang gilid ng tinawag sya, mukhang lasing na lasing na iyon pati narin ang kasama nya.
"yes po sir? may i papa order pa po kayo?" tanong nya sakanila. napausog naman sya ng biglang tumayo ang lalaki at hinawakan sya sa bewang. tumikhim sya para mawala ang kaba.
"s-sir.. ang kamay nyo po" magalang parin na sambit nya, ng naramdaman nya ang paghagod sa likuran nya pababa sa pang upo nya. humakbang sya paatras at tumalikod pero nagulat sya ng biglang may humawak sa siko nya.
"miss bastos ka ha? kinakausap ka pa namin!" sigaw nito, nanginginig man sya sa takot pero pinalakas nya ang loob nya.
"hindi po ako bayarang babae para bastusin nyo ng ganun" mahinang sambit nya na kinangisi ng kaharap nya.
"pre hindi daw sya bayarang babae pano ba to?" tumayo naman ang isang lalaki na may gold chain necklace na suot. hinatak nya ang siko nya dahil hawak hawak sya ng lalaki.
" is there a problem? " agad nyang nilingon ang boses na yun, ang boss nya si claude na nakatingin na sakanya at nakakunot ang noo.
"sino ka ba? ayaw ko ng pakealamero dito" maangas na sabi nung lalaki na may gold chain necklace.
"i own this club at ang staff ko ang ginugulo mo" napaatras na sya dahil tumaas na ang boses ng boss nya.
"ah ikaw pala ang may-ari nito, baka naman pwede kong rentahan itong staff mo? actually kanina ko pa sya pinag mamasdan napaka seksi at mukhang inosente pag dating sa kama--" napatigil ito ng biglang may sumuntok sa mukha, kita nya pa ang pag dugo ng bibig at ilong nang lalaki.
"shit.. walang aawat kay luther ha? tara na nga! bayaan nyo na siya dyan mambugbog gusto ko na maghanap ng chicks e" hindi nya pinansin ang sinabi ni archie, para syang naestatwa na nakatayo at nakatingin sa lalaking tinawag na luther. binubugbog ang tatlong lalaki sa harap nya agad nyang tinignan ang boss nya pero ngumisi lang at tumingin saakin.
"awatin mo sya kung maaawat mo pero kung hindi umuwi ka na out mo na" yoon lang ang sinabi sakanya ng boss nya at sinamahan na sila archie na bumaba papunta sa dance floor. 2nd floor kasi ang VIP table at wala masyadong tao kaya walang magtitilian dahil wala naman na ibang tao.
"t-tama na" sambit nung isang lalaki. nanlaki ang mata nya at napatakip sa bibig ng makita ang mga duguan na mukha ng lalaki. agad akong lumapit doon at hinawakan ang braso nya
"tama na po.. wag mo na sila bugbogin kuya" sambit nya pero hindi tumigil kaya wala syang nagawa kundi yakapin ang isang braso nya at hatakin, kahit nangangatog ang tuhod nya lalo na ng mahawakan nya ang kamay ng binatay. para bang may kumuryente sa katawan nya.
agad syang nilingon ng binata at sinalubong nya ang titig na ito nakaigting ang panga nito at salubong ang kilay. para syang tanga na nakatitig habang nakayakap sa braso ng binata, hindi nya mapag kakaila na sobrang gwapo talaga nito parang masyadong perpekto ang mukha.
"bitaw" parang paos at malalim ang boses nito kaya napatalon sya sa gulat agad syang napabitaw at sinunod ang sinabi ng binata.
"s-sorry.." bulong nya, pero naglakad papalayo ang lalaki kaya sinundan nya
"S-salamat pala.."
"no need.."
"pero thank you parin kuya dahil tinulungan mo ako" magalang na pasasalamat nya sa lalaki habang sinusundan parin pababa. napahinto naman sya ng lingunin sya nito at nakakunot ang noo.
"don't fvcking call me kuya i'm not your brother and one more thing.." mas lalong kumunot ang noo nya at nag hahantay sa sasabihin ng binata
"i didn't help you may kasalan saakin ang mga g*go na yun" para naman syang nabato sa narinig. hindi nya alam kung bakit pakiramdam nya nasaktan sya sa sinabi nito na hindi sya tinulungan at nag kataon lang na ang mga lalaki na yun may kasalanan sakanya...
napabuga nalang sya ng hangin, atleast nakapag pasalamat sya. mukhang ubod talaga ng sungit ang luther na iyon.
"luther...napakagwapo din ng pangalan pero... ang sungit" napailing nalang sya at dumeretso sa bar, nahagip pa ng mata nya ang boss nya na nasa bar stool at nakaupo kasama ang kaibigan nya.
"out na ako axel" paalam nya kay axel at binalingan ang boss nya " out na po ako sir claude "
"asan si luther?" napa 'huh' naman sya
"bumaba po diba? hindi nyo p--" napahinto sya dahil sinamaan sya ng titig ng boss nya.
"drop the po or i will fire you?" nagulat naman sya sa sinabi kaya agad syang umiling.
"hindi na, sorry hehe" nahihiyang sambit nya
nagpaalam na ulit sya at dumeretso sa staff room para mag out sa time card nya at magpalit narin ng sapatos.
tinanggal nya ang vest nya at pinasok sa bago, sinuot nya naman ang tsinelas na gamit nya kanina at binalot na rin ang heels na sinuot at pinasok sa bag.
"ingat sa pag uwi sky" ngumiti sya pabalik kay kiana
"ingat ka din mamaya.. una na ako" paalam nya, lumabas sya ng club at dahil wala na masyadong dumadaan na jeep kailangan nyang mag lakad. masyadong mahal ang taxi atsaka isa pa medyo may kalapitan naman sa club ang studio type na nirerentahan nya kaya okay lang sakanya mag lakad. nasanay na din sya na ganun minsan umuwi kesa mag hantay ng jeep na madalang lang pag madaling araw na. 9pm to 1am kasi ang oras nya sa lux club.
napagilid sya ng maramdaman na may dadaan na kotse. dumagundong naman ang kaba sa dibdib nya ng bumagal iyon at para bang sinusundan sya kaya napahawak sya lalo sa bag nya at binilisan ang pag lalakad.
agad syang huminto para malaman kung sinusundan ba talaga sya ng kotse, lakas loob nyang tinignan ang sasakyan at nalaglag ang panga nya ng nakabukas na ang bintana non.
"hop in" he said without looking at her.
"huh"
"sakay" nang pumasok sa isip nya ang sinasabi ng lalaki agad syang umiling
"n-nako okay lang po, kaya ko naman mag lakad medyo malapit lang ang bahay ko dito" mahinang sambit nya, wala sa sariling nakagat nya ang labi ng bumaling ang tingin ng binata sakanya. walang emosyon ang makikita sa mukha nito.
"fine." umandar ang kotse nya pero huminto din agad " by the way i saw them mukhang hinahanap ka kung ayaw mo sumakay mag handa ka nang mabastos pa nila" dahan dahan umandar ang kotse ni luther at para syang naestatwa ng maintindihan nya ang sinasabi nito. agad syang napalingon sa likod nya. medyo madilim at walang masyadong tao sa labas.
tumakbo sya ng mabilis para maabutan ang binata na mabagal parin ang pagpapa takbo ng sasakyan.
"s-sandali!! s-sasabay na ako.. please" nakayuko sya dahil sa kahihiyan na nararamdaman.
sinenyasan nya ito na pumasok pero hindi nya mabuksan ang pinto sa likod ng sasakyan.
"im not your driver" bumuga sya ng hangin at umikot para umupo sa shotgun seat.
tahimik lang sila sa loob ng sasakyan alam nya sa sarili nya na sobrang mahiyain nya pero parang gusto nya kausapin ang binata kaya nag lakas loob syang mag salita.
"salamat ulit" basag nya sa katahimikan. sinulyapan nya pa ang binata na seryosong nag da drive. nag hindi nagsalita ang binata iniwas nya ang tingin dito at tinignan ang labas.
"dito na lang.." huminto naman agad ang sasakyan. lumabas sya agad pati na rin si luther kaya nag taka sya.
"a-ah salamat ulit talaga... sa tulong mo" nahihiyang pasasalamat sya hinigpitan nya lalo ang hawak sa bag nya.
" i want coffee " napatango naman sya ng dahan dahan sa sinabi nito. mas lalo tuloy syang kinabahan dahil silang dalawa lang kung papasok man sya sa bahay nya.
binuksan nya ang gate nya sa labas na dalawang hakbang lang bago maabot ang pinaka pinto sa maliit nyang bahay.
binuksan nya ang ilaw ng makapasok sya.
"p-pasok po" pumasok naman ang binata at agad na nilibot ang paningin sa maliit na bahay nya. para tuloy syang nahiya dahil alam nya mayaman ito sa itsura pa lang at lalo na kaibigan ito ng sir claude nya panigurado na mayaman talaga ito.
"pasensya na maliit lang ang bahay ko" tumango naman ito at umupo sa maliit na sofa nya na pang dalawang tao lang.
gusto nyang sabunutan ang sarili dahil napatitig pa sya sa binata. para ba kasi itong model ng umupo at pinag mukhang mamahalin ang inuupan. kumilos agad sya at kumuha ng kape.
"americano or latte?" tanong nya dito dahil may kape at gatas naman sya. mahilig din kasi sya mag kape lalo na nung nag pa practice pa sya mag timpla ng ibat ibang klase nang coffee.
"americano" tumango sya at nag timpla, inabot ng 5 minutes ang pag titimpla nya.
"eto na po ang kape mo" magalang na sambit nya at inabot kay luther ang baso. hindi sinasadya na dumampi ang kamay ng binata sakanya nakaramdam pa sya ng parang koryente kaya muntikan na matapon ang laman ng baso.
"tsk. clumsy" nakaabot sa pandinig nya iyon kaya napayuko sya sa hiya at umatras ng nakuha na ng binata ang baso.
umupo sya sa pang isahan na upuan na ang pwesto ay nakaharap sa sofa na kasalukuyang inuupuan ni luther. napalunok sya ng tumama ang paningin nya sa labi ng binata, tahimik syang umiinom.
"lagi ka bang nag papapasok ng tao dito kahit hindi mo kilala?" nakita niya ang pagtaas nito ng kilay na animo'y galit. agad syang umiling. totoo naman na hindi pa sya nakakapagpapasok ng ibang tao dito maliban kay rena at kiana na nakapunta na.
"but why did you let me in? hindi mo ako kilala diba?" matalim ang titig sakanya ng binata at nilapag ang baso sa lamesa na nasa harapan niya. iniwas nya ang tingin dahil nanlulumo sya at nararamdaman nya ang panginginig ng tuhod.
sobrang lakas ng t***k ng puso nya na parang kakawala na iyon sa ribcage nya.
"k-kilala naman kita e.. luther ang pangalan mo diba? n-narinig ko sa mga kaibigan mo" pahina ng pahina ang boses nya dahil lumapit sakanya si luther . hindi nya na ito matignan sa mata dahil sa kung anong nararamdaman.
"damn.. i think you put something on my coffee" agad syang napatayo dahil sa sinabi nito pero dapat hindi nalang nya ginawa. mas lalo lang naglapit ang mga katawan nila, hindi nya alam na sobrang lapit lang nito dahil nakayuko lang sya kanina.
"w-wala naman akong nilalagay.. pangit ba ang lasa?" kinakabahan na tanong nya, kung pangit ang lasa mas lalong nakakahiya pero sakto lang naman ang sukat nya sa tinimpla. imposible ding maging iba ang lasa noon.
akmang aalis sya ng mas lumapit ang binata sakanya kaya napaupo sya ulit. napalunok sya ng pinatong ng binata ang magkabilaang kamay sa magkabilaang arm rest. napaatras ang mukha nya ng yumuko ito at nilapit ang mukha nya.
*dugdugdugdug*
mababaliw na ata ang puso nya sa lakas ng kalabog.
"l-luther..." wala sa sariling banggit nya sa pangalan ng kaharap nya
"fvck.. i want to kiss you" nanlalaki ang mata nya sa narinig, bago pa sya umiwas lumapat na ang labi ng binata sa labi nya.