Chapter 1

1787 Words
"SKYYYYYYY!!!" Napapikit sya dahil sa lakas ng boses ng kaibigan nya na tumatakbo na papalapit sakanya. Hiningal naman ito ng tumigil sa harapan nya. Kinunutan nya ito ng noo "makasigaw ka naman parang may kakatay sayo" natatawang sambit nya kay rena. Umupo naman ito sa tabi nya at dali daling pinakita ang cellphone nya. 'LD HOTEL & RESORT will accept 20 OJT's this year' Nanlaki naman ang mata nya ng mabasa iyon. Hindi sya namamalikmata o ano man, totoo talagang nasa article iyon. "Totoo talaga yan diba?" Paninigurado nya pa kay rena na nakangiti na. "Oo... tae talaga nagulat ako kanina ko lang nalaman sa iba nating kaklase kaya pala naging busy... panigurado maraming mag aapply doon sky." Panigurado nga na maraming mag aapply doon dahil alam naman yata ng lahat ng tao na kung gaano kalaking kompanya iyon. numero unong hotel and resort iyon sa pilipinas at sa iba pang bansa. Minsan lang sila tumanggap ng ojt, as in madalang lang parang kung kelan lang nila gusto mag sabi na tatanggap sila yoon lang. Kung sine swerte nga naman sumakto pa na mag oojt na sila. "At ikaw! Wag ka muna maging mahiyain okay? Kaya mo to!" Natawa pa sya ng itaas ni rena ang kanang kamay at kinuyom ang kamao. 'Fighting' yoon and ibig sabihin nya. huminga naman sya ng malalim para pakalmahin ang sarili nya masyado syang excited sa balita pero kinakabahan parin sya dahil alam nyang marami ang mag a-apply doon. BINUKSAN nya ang kanyang laptop ng nakarating sila sa library agad nyang chineck ang resume nya. dumukwang naman ang kaibigan nya sa laptop nya at tinignan kung na isend naba sa email ang resume nya. "baklang to! i send mo na yan, tsk ako na nga" napigil nya ang hininga nya at napagsiklop ang dalawang palad ng na isend na ni rena ang resume nya. masyado syang kinakabahan, sana lang talaga matanggap sya. "kelan natin malalaman kung makakapasa tayo sa first round?" tanong niya kay rena "mag e-email sila saatin kung kelan ang interview. pag nakatanggap tayo ng email about interview ibig sabihin nakapasa tayo sa first round. ang second round naman ay interview kung sakali man talaga...SANA! na umabot tayo sa interview galingan na natin... ako makapal ang mukha ko--pero ikaw? please lang Sky Angela Hillardo wag ka munang maging mahiyain huh? ako ang nag aalala saiyo e" ngumuso naman sya sa sinabi ng kaibigan, totoo naman kasi na mahiyain sya, kung hindi nga sya unang pinansin ni rena nung 1st year college sila panigurado wala syang kaibigan talaga. sa sobrang mahiyain nya lagi syang mag isa at mas gugustuhin nya iyon kesa naman makisiksik sa mga kaklase nya na kaibiganin sya. "Dederetso ka na ba sa Lux Club?" tumango naman sya, kailangan nya pa mag trabaho... part time nya kasi ang pagiging server sa club hindi naman nya kinahihiya ang part time job nya dahil marangal naman ang ginagawa nya kahit sa club pa sya nag ta trabaho. "kailangan ko pa mag trabaho e, alam mo na kahit may ojt tayo tuloy parin ang part time ko doon tuwing gabi kaya sana lang kung matanggap tayo pang umaga ang sched ko" kailangan nya ipag patuloy ang pag ta trabaho nya dahil hindi sya makakapag aral kung hindi sya mag ta trabaho. nag paalam na si rena sakanya at ganun din sya, dumeretso muna sya sa kanyang maliit na apartment at nagpahinga saglit. kalahating oras lang ang tinagal nya sa pagpapahinga dahil kailangan nya na magluto ng makakain nya. pagkatapos nya magluto ng tortang talong kumain agad sya dahil mag aalasyete narin at kailangan nya pa mag ayos ng sarili. hinanda nya na ang mga gamit nya at naligo na. sinuot nya din ang uniform nya, sa totoo lang natutuwa sya sa uniform ng club sobrang pang professional kasi ang uniform nila. bagay naman talaga iyon sa pinapasukan nyang club dahil hindi lang iyon basta basta na club dahil puro mayayaman lang ang nakakapasok doon, minsan talaga may mga bastos pero hinahabaan nya lang ang pasensya nya dahil wala naman syang tapang kalabanin ang mga lasing at nakakahiya lang gumawa ng eksena. tumingin sya sa salamin ng naisuot nya na ang white longsleeve na polo at black pencil skirt na hapit na hapit sakanya medyo may kaiksian din iyon pero hindi naman sobra sakto lang sa 2 inches above the knee ang haba. binalot nya ang black heels nya at nilagay sa bag, mag t-tsinelas lang sya pag papunta doon tsaka na sya mag papalit pag nakarating na sya sa club. naglagay lang sya ng light make-up para maging presentable sa harapan ng mga guest. kinuha nya na ang bag nya at pinatay ang ilaw sa loob ng kanyang apartment, nilock nya ng mabuti ang pinto bago umalis. nang nakarating sya sa club dumeretso sya sa staff room at doon na nagpalit ng sapatos at black na vest, nilagay nya na din ang nameplate nya ibabaw ng kaliwang dibdib nya. pinusod nya ang tali nya, nag mukha na nga syang nag ta trabaho talaga sa mga hotel. hotel and restaurant management kasi ang kurso nya at ilang buwan nalang graduate na sya. makakapag trabaho na din sya sa hotel, gustong gusto nya kasi mag trabaho sa hotel. "oh sky tara na at mag in na tayo 2 minutes nalang bago mag 9 pm may mga dumadating na din na guests" tumango sya sa sinabi ng kasamahan nya si kiana, mabait din ito sakanya kaya magaan din ang pakiramdam nya. nilagay nya ang hintuturo nya sa finger print scanner para makapag in na sya. nang natapos dumeretso na sila sa labas at tinulungan magpunas ng ibang baso si axel ang bartender sa lux club. "nakapag hanap ka na ba ng pag o-ojt-han mo? diba pwede ka naman restaurant, kung gusto mo sabihan ko ang pinsan ko manager kasi yun sa deluxe cusine resto" ngumiti naman ako sakanya "salamat axel pero may na send-an na din kami ng kaibigan ko, sa totoo lang gusto ko dun talaga ako makapag ojt dahil minsan lang sila tumanggap ng mag o-ojt e" kumunot naman ang noo nya at biglang napatango "ah! sa LD hotel and resorts company?" agad syang tumango dito, inayos nya naman ang mga baso doon sa bar. "maganda nga doon! kung sa hotel man or resort kayo ma dedestino madami kang matututunan, tsaka balita ko may allowance daw ang mga makakapag ojt don" nanlaki naman ang mata nya "talaga?!" gulat na tanong niya dahil kung makakapasok man siya doon, malaking tulong ang allowance sa pang araw araw niya. "oo, tsaka hindi mo ba alam na ang may ari ng ld hotels ay kaibigan ni sir claude?" agad syang umiling at binaba ang white towel ng natapos na sya mag punas. wala pa din namang nag oorder sakanila kaya okay lang makipag kwentuhan kay axel. "diba bata pa si sir claude? 25 palang sya diba?" tanong nya pa, ilang beses palang din naman nya nakikita ang may ari ng lux club. nagulat pa nga sya ng malaman ang edad 5 years lang kasi ang tanda nito sakanya, bata pa talaga pero may sarili nang business. "oo--teka siguro ang nasa isip mo matanda ang may ari ng ld hotels no?" nakagat nya ang labi dahil sa hiya. mukhang nabasa nga ni axel ang isip nya ngayon. "hindi ba? natatakot kasi ako sabi sabi masungit daw talaga at mahigpit ang may ari ng ld hotels.. kaya akala ko matanda na" napatigil sila sa pag k-kwentuhan ng nilapitan sila ni kiana at may dala ng maliit na papel "may umorder na?" agad na tanong nya, tumango naman si kiana at inabot kay axel ang notepad na maliit. sya lang kasi ang taga serve at si kiana naman ang taga kuha ng mga order. kumilos na din sya agad nang makita na parami rami na din ang pumapasok sa club. dumating na din ang dj para mag umpisa ng malakas at mga nakakaindak na music. inilapag niya sa mga grupo ng babae ang mga drinks nila at yumuko bago umalis sa harapan nila. "bucket of beers table 12" inabot niya ang bucket at dumeretso sa table 12 "here's your order sir" nakangiting sambit niyasakanila at nilapag sa table "thank you miss ganda" ngumiti nalang siya ng kumindat pa iyong isang lalaki at umalis na agad. nag serve lang ako ng nag serve mas rumami na din ang tao at marami nang nag sasayawan sa gitna dahil mas nakakaindak na music pa ang pinapatugtog ng dj. "sky!" agad naman nya hinarap si kiana at mukhang maraming order nanaman "ito ang unahin mo VVIP yan, nasa VIP TABLE 1 sila" tumango naman sya at kinuha agad ang mga alak na order. ang ibig sabihin lang dumating ang mga kaibigan ni sir claude dahil pag VVIP na at sa table 1 umupo kaibigan lang iyon ni sir claude. nilagay nya sa tray cart ang mga alak dahil marami ang inorder nila panigurado marami din sila.. tinulak ko ang cart at nakita ko palang ang anim na lalaki kasama doon si sir claude. hindi ko namumukhaan ang dalawa. nang nakalapit na ako sakanila bumati lang ako at nilapag ang mga drinks. "hi sky" bumaling naman sya at ngumiti bilang pag tugon sa pagbati nito "nako miss wag kang lalapit dito kay archie babaero to" sambit nung isa na namumukhaan nya din "nagsalita ang isa ding babaero.. wag kang mag malinis clinton baka bugbogin kita" natawa sya dahil sa pag aasaran nito. "sabi sakin ni marla kailangan mo daw mag ojt? nakahanap ka na ba?" binalingan nya ang boss nya si claude "opo.. pero hindi ko pa po alam kung matatanggap ako sir claude" nahihiyang sambit nya "opo? po? HAHAHAH" binalingan nya ang isa pa na namumukhaan nya ang alam nya daniel ang pangalan non. "drop the po sky, hindi pa naman kami matanda" singit ni archie kaya napatango nalang sya wala sa sariling napatingin sya sa isang lalaki na tahimik lang, ngayon nya palang ito nakita at masyadong seryoso habang umiinom ng alak. biglang kumabog ang dibdib nya dahil sa gulat ng bumaling din ito sakanya at seryosong sinalubong ang tingin nya, sya na agad ang umiwas dahil sobrang nakakatakot talaga ang aura nya. "a-ah sigi po maiwan ko na po kayo" mahinang paalam ko sakanila "drop the po, sky" seryosong sambit ni claude "okay p-- okay sir claude" agad syang napatalikod ng tumango sakanya ang boss nya... para bang naging malambot ang tuhod nya sa klase ng tingin nung lalaking kasama nila.. hindi naman nya makakaila na sumisigaw ang kakigisan nito, mukha pa lang at hindi nakaligtas ang hapit na longsleeve polo na suot ng lalaki, ang malalalim na titig nito... pumikit sya at napailing ng ulo dahil sa naiisip nya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD