Chapter 17 "Dionne,” tawag sa akin ni Axel. Pareho kaming napalingong tatlo sa kanya. Mabilis niya akong nilapitan at saka inakbayan na siyang ikinagulat ko. Hindi nakaligtas sa aking paningin ang pag-igting ng panga ni Jared nang magtama ang tingin naming dahil dito kay Axel. “Oh Nika, nandito ka na pala,” sabi ni Axel sa kanya. Tumango naman si Nika sa kanya. “Magkakilala pala kayo?” “Yup. At kailangan ko na siyang iuwi dahil marami na siyang nainom. Mahirap mag-alaga ng babaeng lasing,” sagot nito. Tumingin naman ako kay Axel at tanging isang nakakalokong ngisi lamang ang isinagot nito sa akin. Why I am always stucked with this guy? But I am thankful that he’s here because if not, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. “Tara na, umuwi na tayo,” yaya ko sa kanya. Bago pa makapags