Chapter 19 Is he mad? Kung galit nga siya, bakit siya magagalit? At anong karapatan niya magalit? At sinong kinagagalitan niya? Ako? Kami ni Axel? Minsan, ang labo talaga ng mga lalaki. Hindi ko alam kung anong ikinapuputok ng butsi nila minsan. Sila itong may kasalanan pero sila pa itong mas galit sa amin kapag nakakagawa sila ng kasalanan. Hindi ba niya talaga alam na kung sa amin dalawa, ako iyong may mas karapatan magalit sa kanya? Inayos ko ang mga pinamili naming dalawa ni Axel sa aparador nang biglang may kumatok sa aking pintuan. Binuksan ko iyon at iniluwa si Honey na ngayon ay nakangisi sa akin. Nawala ang ganda ng umaga ko dahil sa kanya. “What are you doing here?” Iyon kaagad ang tanong ko sa kanya. “Hindi mo man lang ba ako kakamustahin?” wika niya sa akin nang wala si