Chapter 15 Natapos ang Intrams ng hindi ko namamalayan. Sa sobrang bilis ng araw ay hindi ko namalayan na last day na kahapon. May pasok dapat ako ngayong sabado dahil may make up classes sa isa sa mga major subject ko pero na-cancel dahil rest day ng mga professors pagkatapos ng mahabang Intrams. At dahil nga tapos na ang Intrams, pupunta ako mamayang hapon kela Seb dahil ngayon ang dating daw ng kapatid niya na si Riley. I already met her twice nang sandali siyang umuwi rito para sa short project niya. Pareho naming siyang hindi gusto ni Z pero kinakailangan magtiis ng kaibigan ko dahil future sister-in-law niya ‘yon. Kahit ayaw niya, kailangan niya pakisamahan ‘yon. Nagpunta ako ng Prim dahil may photoshoot din ako ngayong araw. Kahit gusto kong magpahinga dahil sa mahabang Intram