Chapter 12 Ginamot ko ang mga sugat ni Jared. Wala sa sariling napailibg ako. Ano bang naisipan nila at nakuha nila magsuntukan? I still don't know the whole story pero sigurado akong may pinagmulan ito. Kilala ko si Janus. Dati pa ay siya na mismo ang gumagawa ng gulo kaya alam kong hindi si Jared ang nagsimula ng away. Janus provoke him kaya nauwi sa suntukan ang dalawa. "Bakit mo ba kasi sinuntok si Janus? Nababaliw ka na ba? Paano kung hindi ka makasama sa LBA?” Napamaang siya sa sinabi ko. Hindi niya inaasahan ang sudden outburst ko. Hindi ko rin naman sinasadya na sigawan siya. Sobrang nataranta lang ako nang malaman ko na may suntukang naganap at kasama siya roon. "I don't care," malamig niyang wika sa akin. Hindi ba gusto niya ang pagl