Episode16

1083 Words
KATAHIMIKAN ang namayani sa amin ng lalaki. Dinala niya ako sa condo raw nito. Tumayo ang lalaki kaya napatingin ako sa kanya. Gusto ko siyang tanungin ngunit mas pinili ko na lang manahimik. Ano naman ang sasabihin ko? Nakakaumay na kasi ang sitwasyon ko. Palagi na lang akong nagtatanong. Bakit? O ’di ba? Malalim na buntonghininga ang pinakawalan ko. Napatingin ako sa malaking TV na nasa harapan ko. Kinuha ko ang remote control na nasa ibabaw ng center table. In-on ko ang TV. Lumabas ang palabas sa isang sikat na TV station. Nangunot ang noo ko nang may nakita akong babae naglalakad kasama ang isang lalaki, pamilyar sa akin. Mukhang sinusundan ng media. Napatingin ako sa suot ko. Aba, pareho pa kami ng kulay ng damit ng babae, bayolet. O di ba? Ang lalaki naman ay nakasuot ng itim na suit. Biglang napabaling ang tingin ko sa lalaking kasama ko. May dala itong tray ng pagkain. Teka. . . nakaitim din ng suit ang lalaking ito. Napatingin ako sa TV. Biglang nag-focus ang camera sa dalawang taong naglalakad. “Oh my god!” naibulalas ko at saka napatayo sa kinauupuan kong sofa. “What’s wrong?” Tanong ng lalaki. Inilapag nito ang dalang tray sa ibabaw ng center table. “Hindi ba tayo iyan? Bakit tayo nandiyan?” Sunod-sunod kong tanong sa lalaki. Napatingin ang lalaki sa TV. Ilang segundo ng nakatitig lang siya roon na parang naglo-loading ang utak nito. “Namataan ang dalawa palabas ng bahay. Ito ba ang pakakasalang babae ng sikat na arti -” Naputol ang sasabihin ng reporter nang mamatay ang TV. Nanlaki ang mga mata ko. “ Bakit mo pinatay?!” Tanong ko nang may inis. “Walang kwentang balita ang pinanonood mo. Kumain ka muna baka nagutom ka,” sabi nito. Napasulyap ako sa tinapay na nag-uumapaw ang palaman at ang juice na kulay pink. “Sino ka ba talaga?” curios kong tanong sa lalaki. Naupo ang lalaki at prenteng sumandal sa sandalan ng sofa. “Why do you wish to know?” Balik tanong nito sa akin. Napairap ako. “Bakit masama bang malaman?” mataray kong sabi sa kanya. Malalim na bumuntonghininga ang lalaki. “It doesn’t matter who I am. Kumain ka na, gutom lang iyan,” sabi nito. Inginuso niya ang dala nitong pagkain. Sandwich lang naman, pero ang daming palaman. Hindi ko alam kung anong klaseng palaman ang inilagay ng lalaking ito. Napapasulyap sa akin ang lalaki habang kumakain ako ng palaman na nilagyan ng tinapay. Over loaded ang palaman na inilagay ng lalaki. Ilang burger ang nakapatong, dalawa. Tapos may kamatis, onion at sangkaterbang mayonnaise. Naglalawa. Mukha ba akong patay gutom? “Tititigan mo na lang ba ako? Gusto mo ba ang ginawa mong palaman na nilagyan ng tinapay?” Alok ko sa kanya. Kumunot ang noo nito. Masama ang tingin niya sa akin. Aba eh, totoo naman ang sinabi ko. Napatingin ako sa juice na gawa niya. Pink na pink ang kulay. “Ano tawag dito?” Turo ko sa basong may lamang juice. Parang takot akong inumin. Baka bigla na lang akong mangisay at may lumabas na insekto sa bibig ko. Natawa ng mahina ang lalaki. “Juice lang ang tawag diyan wala ng iba. Ano sa tingin mo ang itatawag diyan?” Turo nito sa basong hawak ko. “Ewan ko sa iyo. Magtatanong ba ako kung alam ko?” inis na turan ko. Nakakapigtas ng pisi ang lalaking ito. Kung ang isang kambal niya sobrang hambog. Itong isa sobrang sungit. Akala mo may regla kung makapagsungit, eh? Mahabang katahimikan ang namayani uli sa aming dalawa. Tanging pagnguya ko lang ang naririnig. “Gusto ko ng tubig.” Napasulyap sa akin ang lalaki nang magsalita ako. Ayoko kasing inumin ang juice na gawa nito. “Kumuha ka roon sa kitchen. Huwag mo akong utusan.” Masungit na sabi nito. Nagpanting ang tainga ko. Tumayo ako at pumamaywang sa harapan niya. “May sinabi ba akong ikaw ang kukuha ng tubig? Ang sinabi ko gusto ko ng tubig. Eksaherado ito akala mo naman ikinagwapo mo ang pagtataray! I think I need to go. Walang kwentang mag-stay ako rito kasama ka! Buset!” Inis na sabi ko at saka tinalikuran ang lalaki. Ngunit hindi pa ako nakalalayo ay hinigit niya ang braso ko. Napabaling ang tingin ko at hindi sinasadyang mapayakap ako sa lalaki dahil sa lakas ng pagkakahila niya sa akin. Napatingala ako at nagkatitigan kaming dalawa. “Okay. I’m sorry.” Hinging paumanhin nito. Nagdududang tingin ang ginawa ko. “I am serious,” sabi nito. Napairap ako at saka bumalik muli sa inuupuan ko. “Ano ba talagang kailangan mo sa akin? Hindi mo namang gagawin itong pagdala mo sa akin dito sa condo para lang makipagtitigan sa akin. Alam ko namang maganda ako at sexy,” sabi ko at saka nag-flip ng buhok ko. Natawa lang ito ng mahina dahil sa komento ko. Tinaasan ko siya ng isang kilay. “Anong nakakatawa?” Tanong ko pa. “You are not conceited. Are you?’ “Nagsasabi lang ako ng totoo.” Sagot ko. Nagkibit balikat lang naman ito. “May aaminin ako sa iyo,” sabi nito na kinakunot ng noo ko. “Ano’ng aaminin mo?” Tanong ko rito. Napatitig siya sa akin nang ilang minuto bago nagsalita. “My grandma left me a large sum of money. Pwede akong makapagpatayo ng panibagong negosyo sa fund na ito. But there was one condition I needed to fulfill before I could get this. When I reach the age of 27, mag-aasawa na ako at upang mabigyan ko siya ng apo na hinihiling niya. At yung nangyari sa atin sa Romania ay planado ko. I'm just making certain that I'll be able to impregnate you.” Lumaki ang butas ng ilong ko sa narinig. What a jerk! Anong akala niya sa akin palahiang baboy at pagkatapos pagkakaperahan niya? Lumapit ako sa kanya at saka ko siya malakas na sinampal sa pisngi. Not once, but three times! Natigilan ang lalaki sa ginawa ko. Natulala na lang ito. Hindi na ako nag-aksaya ng panahon at agad umalis sa lugar na iyon. I've had enough. Na-realized kong magiging masaya ako sa buhay ko kapag minahal ko ang sarili ko. Hindi rason ang lalaki upang maging masaya. I don’t care kung mag-isa lang ako sa buhay at least mas pinahalagahan ko ang sarili ko bilang babae. I don't need men in my life! Basura lang sila sa buhay ko!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD