TITIG na titig si Nanay sa akin habang tahimik akong nakaupo sa sofa. Nakauwi akong inis na inis sa lalaki. Para akong ginahasa at walang nagawa. Ngayon lang nag-sink in sa akin lahat nang nangyari. Pakiramdam ko wala akong kuwentang babae sa paningin ng mga lalaki. Palagi kasing niloloko at hindi siniseryoso.
Habang pauwi ako kanina umiyak ako sa taxi. Napatitingin sa akin ang taxi driver ngunit hindi naman nagkomento. Masakit kasing maloko ng dalawang beses.
“Anong nangyari?” Seryosong tanong ni Nanay. Napatingin ako kay Nanay at umiling. Ayokong sabihin sa kanya ang pinag-usapan namin ng lalaki. Nakakadismaya lang.
“Magpapahinga na po ako Nay. Pagod po ako,” sabi ko na lang. Ayoko munang makipag-usap at pag-usapan ang lalaking puro pera lang ang nasa utak. Napakasama ng lalaking iyon. Ginamit pa ako para lang sa sarili niyang kagustuhan.
Pakiramdam ko nagamit ako nang wala man lang kalaban-laban. Parang naintindihan naman ni Nanay ang sinabi ko. Pumasok ako agad sa silid ko. Naupo muna ako nang ilang minuto bago humiga. Nakatitig lang ako sa kisame.
Bakit ba pagdating sa pag-ibig nagiging komplikado ang buhay ko. Masyadong maraming ganap. Pinikit ko ang mga mata ko upang ikalma ang sarili ko. Hindi dapat ako ma-stress sa mga lalaki.
Hindi pa ako nagtatagal sa pagkakapikit nang may marinig akong nagbukas ng pinto ng silid ko. Nagmulat ako ng mga mata at saka nagbalikwas ng bangon. Gulat na gulat ang reaksyon ko sa taong pumasok sa silid ko.
Tumayo ako. “Ano’ng ginagawa mo rito at bakit pumasok ka pa sa silid ko?!” tanong ko at tumaas ang timbre ng boses ko. Nakakataas naman kasi ng boses ang lalaking ito. Hindi siya nakakaintindi na ayokong ma-involve sa kanya at sa kung anong agenda niya sa buhay. Diyos ko magugulo niya ang mundo ko kapag pumasok ako sa buhay ng lalaking ito.
“Get out!” sabi ko at tinuro ang pintuan ngunit hindi niya ako pinakinggan bagkus naglakad ito patungo sa higaan ko at umupo.
“Nagpunta ako rito para makapag-usap tayo ng seryoso at sarilinan. I am serious.,” sabi nito na parang ito pa ang may ganang pagbantaan sa tono nito. Naningkit ang mga mata ko at pumamaywang sa harapan niya. Nakatingin lang naman ito at tila hindi apektado sa pagsusungit ko sa kanya.
“Sit.” Utos nito. Umiling ako. “Uupo ka o ako mismo ang magpapaupo sa iyo rito sa kandungan ko? Mamili ka.” Napatingin ako sa gitnang bahagi ng hita niya. Maumbok. Baka matuklaw ang monay ko. Nag-isang linya ang labi ko dahil sa inis. Wala akong nagawa kundi sundin ang inuutos ng lalaking ito. Nagdadabog akong naupo malayo rito.
“Ano bang pwede kong sabihin para maintindihan mong ayokong pumayag sa gusto mong mangyari. Ano’ng mahirap sa sinabi ko? Utang na loob tigilan niyo ako.” Pakiusap ko.
“Huwag kang mag-alala hindi kita pakikialaman kung anong gusto mong gawin kapag mag-asawa na tayo. Please, pagbigyan mo na ako.”
Tinitigan ko siya nang ilang segundo bago ako nagsalita. “Sige payag ako pero may kondisyon ako.”
Nangunot ang noo nito sa sinabi ko. “Ano’ng condition? Tell me kung ano man iyan papayag ako,” sabi nito na ikinangiti ko. Madali naman palang kausap ang lalaking ito.
“Kapag natapos ang kasal natin walang honeymoon. Kailangan hindi ka magkakagusto sa akin sa ilang taong pagsasama natin. Sa papel lang ang pagiging asawa natin at sa ikatatlong taon maghihiwalay na tayo at ipapa-annul natin ang kasal natin,” sabi ko.
“No problem with me. Madali naman akong kausap, baby.” Inirapan ko siya dahil sa endearment na sinabi nito.
“Thank you too, baby.” Malanding sabi ko rin sa kanya. Namungay ang mga mata nito. Inirapan ko siya. Akala naman ng lalaking ito tinalaban ako sa endearment niya nakakadiri. Ew!
Habang nag-uumagahan hindi maalis ang lukot ng noo ko dahil sa lalaking nakaupo at prenteng umiinom ng kape na tinimpla ng Nanay ko na parang kumukerengkeng sa lalaki. Todo kasi asikaso niya sa lalaki samantalang ako ang anak. Ako dapat ang inaasikaso niya. Ako ang nagtimpla ng kape ko at ako na rin ang nagpalaman sa pandesal na kakainin ko.
“Nay, anak niyo ba ako?” Tanong ko at saka sinubo ang pandesal. Habang ngumunguya napasulyap ako sa lalaking todo ngisi sa akin. Inirapan ko siya.
“Bakit mo naman natanong iyan?” Tanong nito. Umupo na ito sa katabing upuan ng lalaki nang matapos niya itong timplahan ng kape.
“Eh, kasi naman, hindi niyo man lang ako tinimplahan ng kape. Eh, tukmol na iyan hindi mo anak, pero siya ang pinagsisilbihan mo.” May pagtatampong himig na sabi ko.
“Aba, siyempre naman dahil bisita siya. Ikaw taga rito lang naman. At saka hindi marunong magtimpla ng kape iyan. May coffeemaker ang mga iyan, eh wala naman tayo niyon.” Paliwanag ng ina.
“Matanda na siya Nay, para ipagtimpla mo pa. Makunat na siya kasing kunat ng baboy ng kapitbahay natin,” inis na sabi ko.
“Eh, bakit ikaw nagpapatimpla pa sa akin? Matanda ka na rin naman, ah?” Napanguso ako sa sagot ni Nanay.
“Bata pa ako Nay, kumpara mo riyan.” Inirapan ko uli ang lalaki nang mapatingin sa akin. Nakangiti lang naman ito na tila hindi tinatalaban sa sinasabi ko.
“Mabuti nang masanay na siya rito sa atin dahil ikakasal na rin naman kayo. Umayos ka Trina. Dapat pinagsisilbihan mo ang mapapangasawa mo dahil iyon ang tamang gawin ng babae. Sinabi niya na sa isang buwan na ang kasal niyo. Ikaw talaga hindi mo man lang sinabi sa akin na may balak ka ng magpakasal,” sabi ni Nanay ko na ikinasamid ko. Muntik ko nang maibuga ang kapeng iniinom ko. Napaubo ako. Tumayo ang lalaki at hinagod ang likod ko. Ako naman ay walang humpay ang pag-ubo. Pumasok sa ilong ko ang kapeng iniinom ko. Bwisit! Kasalanan ng lalaking ito!
Nanigas ang katawan ko nang dumako ang isang kamay ng lalaki sa gilid ng dede ko. Parang gusto niyang lapirutin. Napatingala ako sa kanya. Nakangiti lang ito na tila walang ginagawang masama. Siniko ko siya nang malakas.
“Aray!” sabi nito.
“Bakit anong nangyari?” tanong ni Nanay sa lalaki. Tumayo rin ito at lumapit sa lalaki. Ininspeksyon ang katawan nitong mamasel. “Kaganda naman nitong katawan mo, beh,” sabi ni Nanay na may kaunting landi sa dulo. May pa-beh pa siyang nalalaman.
“Wala po ito. May kumagat na lamok sa hita ko,” sabi nito. Naparolyo ang mga mata ko. Diyos ko kagat lang ng lamok may pa aray-aray pa siyang nalalaman.
“Pagpasensyahan mo na dahil walang screen ang mga bintana namin. Hayaan mo magpapalagay ako para hindi ka na kagatin ng lamok.” Nakangiti pa si Nanay habang sinasabi iyon. Hindi makapaniwalang napatingin ako sa Nanay ko.
“Nay, ang unfair mo naman! Ako na anak mo hindi mo man lang sinabihan ng ganyan. Ilang taon na ba ako, pero hindi mo man lang pinalagyan ng screen ang mga bintana natin. Nagtitiis tayo sa katol para mapatay ang mga lamok. Diyos ko Nay, ang itim ng kulangot ko dahil sa usok na nanggagaling sa katol.” Reklamo ko. Sinamaan ko ng tingin ang lalaki na kanina pa pangiti-ngiti sa akin. Ang sarap niyang pakainin ng katol!
“Aba, siyempre naman iba ang balat niya sa balat mo. Ang balat niya kutis mayaman. Konting kagat lang ng lamok magkakasugat na. Ang sa iyo balat ng kalabaw. Kahit paarawan wala lang. Saka magrereklamo ang lamok sa balat mo dahil makunat na.”
Nanlaki ang mga mata ko dahil sa komento ni Nanay. Mas lalong sumama ang mukha ko nang tumawa ng malakas ang lalaki. Sa inis ko tinadyakan ko ang paa nito. Namilipit ito sa sakit.