ISANG linggo na magmula nang makabalik kami ng Pilipinas. Pakiramdam ko nasa Romania pa ako.
Ang pagpunta ko doon ay hinding-hindi ko makalilimutan dahil doon nawasak ang aking monay. Hindi ko nga alam kung sinong pocho pilato ang nakauna sa akin. Naiinis lang ako sa sarili ko dahil mas nanaig sa akin ang takot kaysa ang tingnan kung anong mukha ng lalaking nakaulayaw ko ng magdamag.
“Anak, ayos ka lang? Magmula ng bumalik ka galing ng bakasyon palagi kang natutulala. May nangyari ba sa iyo nang magbakasyon ka sa ibang bansa?” Napatingin ako kay Nanay. Paano niya kaya nahuhulaang may nangyari nga sa akin? Hindi kaya manghuhula si Nanay?
“Ayos lang ako, Nay. Huwag po kayong mag-alala dahil baka ganito lang ang nararamdaman ng mga taong nagbakasyon sa ibang bansa. Lalo pa’t ilang linggo din kami doon,” aniya. Naupo siya sa tabi ko at pinakatitigan niya ako na parang may something sa mukha ko.
Hinati ko sa dalawang parte ang pandesal na hawak ko at saka sinawsaw sa kape kong mas malamig pa sa ilong ng pusa namin.” Okay na ito atleast may kape.
“Ikaw, ha? Huwag na huwag kang naglilihim sa akin kung may mabigat kang dinadala. Hindi naman kalakihan iyang malapasas mong dibdib.” Ani ni Nanay na ikinalaki ng mga mata ko. Napatingin ako sa dibdib ko. Napanguso ako. Oo na wala akong dibdib.
“Bakit naman nadamay ang nananahimik kong dibdib? Sasabihin ko naman po kung may problema.”
“Aba, sinasabi ko lang. Kilala kita Trina, hindi ka mahilig mag-open up sa akin. Mabuti pa nga ang gwapo mong ex boyfriend nasasabihan mo ng mga problema mo. Ako na Nanay mo - ni hindi ko alam na wala na pala kayo ng lalaking iyon. Kung hindi sa kaibigan mong marites hindi niya mababanggit sa akin.” Ani ni Nanay na mukhang nagtatampo. Inakbayan ko siya.
“Ayoko lang pong mag-alala kayo sa akin. Saka kaya ko namang resolbahin ang problema ko dahil maliit lang na bagay lang iyon.”
“Siya sige pagbibigyan kita sa ngayon.” Napangiti ako sa sinabi ni Nanay. Hinagkan ko ang pisngi niya.
“I love you. Nay.”
“Mahal din kita anak. Kahit hindi ka maganda,” anito saka tumayo. Namilog ang mga mata ko. Hindi ako makapaniwala na sasabihin sa akin iyon ng sarili kong ina. Seriously?
“Nay, bawiin mo sinabi mo. Magkamukha kaya tayo!” reklamo ko. Narinig ko ang tawa nito. Napairap ako sa kawalan.
PAUPO palang ako sa inuupuan ko nang lapitan ako ng kaibigan ko. Mukhang tsismis na naman ang ipinunta nito dito.
“Alam mo ba darating dito ang kamag-anak ni Sir galing ibang bansa. Ayon sa nakakakilala dito pogi daw iyon at single pa! Pagkakataon na nating makabingwit ng mayaman!” balita nito sa akin. Sabi ko na nga ba.
Wala naman akong balak magkaroon ng nobyo o manliligaw. Takot na akong magmahal. Pakiramdam ko hindi para sa akin ang pag-aasawa. Ayokong mag-take ng risk at sa huli wala ding mangyayari. Baka ipagpalit lang din ako sa ibang babae. Maiiwan lang akong luhaan.
Hindi ako nag-react sa sinabi niya. Para ano pa? Sininop ko ang mga papel na nasa ibabaw ng lamesa ko.
Tinapik ni Georgina ang balikat ko. “Hoy, wala kang reaction diyan? Ano masasabi mo sa ibinalita ko? Magkakaroon na tayo ng dyowawer. Ayaw mo yun hindi ka na magiging matandang dalaga. Although nawasak na ang perlas ng sinilangan mo.” Napairap ako sa kanya. Kung ano-ano ang sinasabi niyang kabastusan.
“Manahimik ka nga diyan. Magsisimula na ako sa trabaho ko. Mind your own work. Baka dumating na naman ang supervisor natin, masabon ka na naman niyon. Baka shampoo-hin ka din nun.” Birong sabi ko.
Natawa lang ang kaibigan ko at iniwanan niya ako. “Tingnan mo itong babaeng ito? Mang-iistorbo bigla-biglang umaalis? Gaga din, eh?
Natapos ang buong araw na trabaho. Uwian na at hindi ko makakasabay ang kaibigan ko pauwi dahil may pupuntahan daw ito. Para daw iyon sa ikabubuti ng love life daw nito. Minsan nakakainis na ang kaibigan niyang iyon. Puro love life na lang ang nasa isip. Hindi ba puwedeng maging masaya ka kahit walang lalaki? Ngayon ko lang na-realized na hindi dapat gawing kasiyahan ang mga lalaki. Mas dapat pagtuunan mo ng pansin ang sarili. Dahil ang kaligayahan nakukuha iyan sa pagmamahl mo sa iyong sarili.
Naglakad ako patungo sa elevator. Habang naghihintay ako sa pagbukas ng pinto kinuha ko ang phone ko para mag-check ng messages. May message ang Nanay kong palaging inaapi ang beauty ko.
Tinatanong nito kung anong oras ang uwi ko para makapaghain na daw siya. Sinagot ko ang message niya. Nang ma-i-send ang reply ko ibinulsa ko ang phone ko. Napakunot ang noo ko nang makarinig ng nagtatawanang mga lalaki. Bahagya kong ibinaling sa kaliwa ang ulo ko. May mga lalaking nakatayo sa harap ng pintuan ng boss namin. Nakasuot ng suit ang mga lalaki at mukhang mga foreigner ang mga ito base sa kulay ng mga buhok nito at ang kanilang lengguwaheng hindi ko naiintindihan.
Hindi ko makita ang mga mukha nila dahil nakatalikod sila sa banda ko. Ibinalik ko ang tingin ko sa harapan ko. Agad akong pumasok sa loob ng elevator nang bumukas iyon.
Pasara na ang elevator nang may lalaking humabol. Nangunot ang noo ko dahil pamilyar ang lalaki sa akin. Sumara na ng tuluyan ang pinto.
Hindi ba iyon yung taxi driver na sinakyan namin sa Romania? Imposible namang makakapunta ang lalaking iyon dito sa Pilipinas? Anong gagawin niya dito? Magta-taxi driver din? Kung ganoon nga maraming sasakay dito. Diyos ko, sa guwapo ng lalaking iyon mas higit pa ang kaguwapuhan sa mga artista dito sa Pilipinas.
Hanggang sa makauwi ako ng bahay ay laman ng isipan ko ang lalaking nakita ko sa opisina namin. Baka naman kamukha lang ng kumag na iyon. Kunsabagay may kamukha namananang bawat isa.
Nagulat ako nang makita ko si Georgina sa bahay. Kunot noong tiningnan ko siya na prenteng nakaupo sa sofa naming wala ng foam. Nag-uusap sila ng Nanay kong numero unong marites sa lugar namin. Naningkit ang mga mata ko. Hindi kaya may chinismac ang babaeng ito sa Nanay ko?
“Akala ko ba may pinuntahan ka at may kinalaman iyon sa love life mo?” bungad na sabi ko nang makapasok sa loob ng bahay namin. Parehong napalingon ang dalawa sa akin.
Naupo ako sa pang-isahang sofa na wala na ding foam. Ang tigas sa puwet kapag inupuan. Ewan ko ba sa Nanay ko hindi pa palitan ang sofa namin. May sentimental value daw kasi itong sofa na ito. Regalo kasi ito ni Tatay kay Nanay kaya ayaw niyang i-let go.
Nag-alis ako ng sapatos kong puro alikabok, pwede ng sulatan. Ang layo kasi ng nilakad ko mula sa kanto namin. Itinabi ko ang sapatos ko.
“Napadaan lang ako dito dahil may sasabihin ako sa iyo!” Anito na mukhang excited sa sasabihing balita.
Tinaasan ko siya ng kilay. “Ano?”
Napangiti ng malawak ang kaibigan ko. “Nandito ang lalaking na-meet ko sa Romania! Not only that may kasama pa siyang mga guwapo. Take note mga ibig sabihin madami sila! He gave me flowers! Oh my god! Kinikilig ang tingle ko!” napangiwi ako sa malaswang word. Napairap ako dahil parang tingin nito sa akin hayok sa mga guwapong mga lalaki. Sabi ko naman sa kanya hindi problema sa akin ang panlabas na anyo. Ang mahalaga sa akin ay ang ugali. Mamahalin ako ng tunay at hindi lolokohin.
“Hoy, mahiya ka naman sa Nanay ko. Naririnig niya ang sinabi mo,” saway ko sa kanya. Napatingin ako kay Nanay.
“Ikaw Trina palihim lang iyang landi mo sa katawan. May tingle ka din naman, akala mo wala. Ayos lang naman sa akin ang mga ganyang salita.” Namilog ang mga mata ko. Ang Nanay ko ba ito? Ang pagkakaalam ko conservative ang Nanay ko pagdating sa mga ganoong mga salita.
“So what kung nandito ang lalaking nakilala mo sa Romania. And beside wala naman akong balak makipagkilala sa sinabi mong mga kasama ng lalaki mo. I have no time,” sabi ko.
“Taray ng anak niyo, Nay. Akala mo kagandahan.”
Nagtawanan sila ng Nanay ko na isa ding bully sa buhay ko.
“Ayaw mo bang malaman ang iba ko pang sasabihin?” tanong niya sa akin. Nagtatakang tiningnan ko siya.
“Ano’ng ibig mong sabihin? Pwede ba diretsahin mo na ako. Binibitin mo naman ako,” inis na sabi ko.
“Mamaya na yan. Kumain na tayo at nagugutom na ako,” biglang singit ni Nanay. Malalim akong napabuntonghininga. Napatingin sa akin si Georgina at nagkibit balikat.