Matapos paalalahanan ni Muyou si Fuyumi ay agad siyang sumilip sa salamin ng pinto sa kusina. Nakita ni Muyou ang may-ari ng bakery na hinaharangan niya ang isang infected na kakagatin na siya. Umatras ang mga tao mula sa pinto at pumasok naman si Muyou sa loob ng kusina. Kumuha si Muyou ng maaaring ipamukpok sa ulo ng mga infected pero nakakita siya ng kutsilyo na ginagamit panghati sa tinapay. Ilang beses isinaksak ni Muyou ang kutsilyo na iyon sa ulo ng infected na gustong pumasok sa loob at saka niya iyon sinipa palabas. Agad naman tumakbo papasok sa counter ang may-ari ng bakery at ikinandado si Muyou sa loob ng kusina. “B-baka infected na siya!!” sigaw ng may-ari ng bakery. Hawak naman ni Muyou ang pinto para hindi makapasok ang iba pang infected sa loob ng bakery. Napatingin si Mu