Agad nakarating si Craig sa eskwelahan ni Suzuki. Nagtago siya sandali sa mga palumpong at nagmasid kung may mga infected sa paligid. Kaunti lang ang infected sa paligid niya. Natatakot si Craig pero mas importante sa kanya ang buhay ni Suzuki. Dali-dali siyang tumakbo patungo sa loob ng building. Si Craig ay isang atleta sa track and field kaya madali na lang para sa kanya ang pagtakbo ng mabilis. Nang makapasok si Craig sa building ay agad siyang sinalubong ng mga infected. Hindi niya maigalaw ang mga binti niya dahil sa pagkagulat. Maya-maya ay may mga estudyante na may dalang mga mop ang lumabas sa isang silid at itinulak nila ang mga mop sa mukha ng mga infected. “Craig!” sigaw ng isang pamilyar na boses. “Suzuki!” tawag niya at agad niyang niyakap si Suzuki. “Mamaya na kayo magla