Ilang araw ang nakalipas. Linggo nung araw na iyon. Si Muyou ay maagang gumising. Habang inaayusan niya ang sarili niya ay bigla na lang tumunog ang cellphone niya. Walang nakalagay na pangalan pero sinagot niya pa rin. “Hello?” sagot ni Muyou sa tawag. “T-tama ka nga, Muyou.” sabi ng nasa kabilang linya. Tinignan ni Muyou ulit kung may pangalan ang tumawag pero walang nakalagay. “Kazuki?” “Tama ka nga. Sigurado ngang mangyayari ang sinasabi mo.” natatarantang sinabi ni Kazuki. “H'wag kang mataranta. Di makakatulong sa 'yo yan. Basta h'wag kang lalapit sa storage room kapag naganap na ang apocalypse.” “Anong kailangan kong gawin para makalayo sa k-kamatayan ko?” tanong ni Kazuki. “Mas mabuti kung liliban ka ng klase sa araw na iyon.” sabi ni Muyou at agad niyang binabaan si Craig.