Jhoyce's POV Parang gusto ko na lang magpalamon sa lupa dahil sa hiya nang marinig 'yong sinabi ng Mommy ni Allen. Halos lahat ng mga mata ay nakatingin sa akin. "She's my fiance, Tita," pagsingit ni Franco. Napaangat ako ng tingin nang akbayan ako nito. Napalayo naman sa amin ang Mommy ni Allen na halatang kinikilig sa mga nakikita niya. Fiance na naman? Hanggang kailan niya ba ako ipapakilalang fiance niya? Lumapit naman si Allen sa Mommy nito at 'saka hinalikan sa pisngi. Napadaing naman siya nang hampasin ng Mommy niya ang braso nito. "Ikaw'ng bata ka! Bakit hindi mo sinabi na may bisita ka pala?" galit na sabi ni Mommy niya. "Sorry na, Mommy. Biglaan lang po kasi talaga ang nangyari. Nagyaya kasi si Carol na gusto niyang bumalik dito sa Floresidad." Doon ko lang napagtanto na