Chapter 4

2368 Words
Jhoyce's POV "Jhoyce," nag-aalalang tawag ni Daddy sa akin. Nakita ko kung paano nagbago ang reaksyon nila nang makita ako sa harapan nila habang lumuluha. Napailing ako at hindi makapaniwala sa mga narinig ko. Hindi ko akalaing magagawa sa akin ni Daddy ang lahat ng ito. Alam kong sabik na siyang makasama ako sa business, pero hindi sa ganitong paraan niya ako makukuha. Dahan-dahan akong napaatras at nang makalayo na ay napatakbo ako. Patuloy pa rin ang pagbuhos ng luha ko, batid kong maraming nakatingin sa akin pero nananatili pa rin ang sakit na nararamdaman ko. Papasok na sana ako ng elevator nang may humila sa braso ko. Nakita ko si Hendrix sa harapan ko habang hinahabol ang kaniyang paghinga. "Jhoyce, teka lang. Magpapaliwanag ako."  "Magpapaliwanag ka? Para saan pa Hendrix? Para saan pa ang paliwanag kung paulit-ulit mo na lang din gagawin?" Binawi ko ang kamay sa kaniya at pinindot muli ang button ng elevator. "Ginawa ko lang ang lahat ng iyon para sa'yo." Napatawa naman ako ng pilit at hinarap siya. "Para sa akin o para makakuha ng pera?" Nanlaki ang mata niya sa sinabi ko.  “J-Jhoyce.” "Nagulat ka kasi tama ako? Kahit ilang beses na kitang nahuli, pilit ka pa ring nagsisinungaling." Pinahid ko ang luha na tumulo sa aking mata.  "Jhoyce, calm down."  Nanginginig ako dahil sobra na ang galit na nararamdaman ko. Paulit-ulit na lang nila ginagawa ito. Anong karapatan nilang diktahan ang gusto ko? Anong karapatan nila na lokohin ako? "Calm down?" natatawang tanong ko sa kaniya.  “Jhoyce, please.” "Gusto mong pakalmahin ako para kapag nangyari 'yon ay mauuto mo na naman ako? Magpapasunod na naman ako sa iyo? Ganoon ba ang gusto mong mangyari? Tang ina mo! Tang ina niyong lahat!" sigaw ko. Napatingin ang mga tao sa paligid ko. "Please, Jhoyce, huwag naman dito. Kumalma ka muna." Napatingin siya sa mga taong nakatingin sa amin. Napailing ako sa aking naisip. Kahit saan ay mas iniisip niya pa rin ang sarili niya. Ayaw niyang madawit ang pangalan niya sa gulo. Kaya gumagawa siya ng paraan para mas mukhang malinis siya sa dulo. Kabisado ko na siya. Alam ko na ang iniisip niya. Napalingon ako nang bumukas ang elevator. Mabilis akong pumasok doon at nakita ko siyang humakbang palapit sa akin. "Subukan mong lumapit sa akin, sisiguraduhin kong yuyuko kang maglalakad papasok ng building na ito," pagbabanta ko sa kaniya. Napaatras naman siya at wala na siyang nagawa nang sumarado ang pinto ng elevator.  Napasandal ako at naramdaman ko ang panghihina ng mga tuhod ko. Naramdaman kong nag-vibrate ang phone ko at nakita kong tumatawag si Daddy sa akin, pero hindi ko ito sinagot. Pinatay ko ang cellphone ko para hindi na siya muling tumawag pa. Mabilis akong nakarating sa bahay at kinuha ko 'yong mga gamit ko at inilagay sa isang maleta. Nagtataka ang mga maids sa kinikilos ko, pero hindi ko na sila pinansin pa. Tinawagan ko si Ira at nagpasundo ako sa kaniya sa gate ng subdivision namin. Hindi na ako sumagot nang mag-reply siya na baka mamayang hapon niya pa ako masusundo dahil busy siya sa photo shoot. Nakatayo ako habang hawak ko ang maleta sa kanang kamay ko sa gilid ng gate ng subdivision. Hinihintay kong makarating si Ira dito sa aming tagpuan. Siya na lang ang tanging kaibigan ko na puwedeng lapitan.  "My God, Jhoyce! Anong nangyari sa iyo?" tanong niya nang makalabas sa kotse niya. Hindi ko siya sinagot at ipinasok na ang bagahe sa likod ng kotse niya at sumakay sa passenger seat. Sumunod naman siya sa akin at sumakay sa driver seat.  "Seat belt," she said. Sinunod ko naman ito at isinuot sa akin. Napailing na lang siya. Alam niya kasi na kapag tahimik ako ay wala akong balak magkuwento. Nakarating kami sa condo unit niya nang tahimik. Pagkapasok namin ay inilagay ko lang ang gamit sa sala at pumunta sa kusina niya. Nakita ko ang dalawang can ng beer doon kaya kinuha ko ito at mabilis na ininom. Nasa kalahati na ako ng pangalawa nang agawin ni Ira ang beer sa akin. "Jhoyce," nag-aalalang tawag niya. Napatitig ako sa kaniya at naramdaman ko ang unti-unting pagpatak ng luha ko. Nakita ko ang dahan-dahan niyang paglapit sa akin at niyakap ako nang mahigpit. Hindi ako nagsalita at tanging paghikbi lang ang ginawa ko habang yakap niya ako.  Ilang minuto ang tinagal ng yakap namin hanggang sa nagpasya kaming maupo sa sofa. Kinuwento ko sa kaniya ang lahat ng nangyari simula noong bigyan ako ni Daddy ng assignment kasama si Hendrix, hanggang sa nalaman kong nasa plano pala ang lahat ng iyon. "Hindi ba alam ng Daddy mo kung bakit kayo nagkahiwalay ni Hendrix?" tanong niya at umiling ako. "Bakit hindi mo sinabi sa Daddy mo?" "Ayoko lang lumaki ang gulo. Alam mo naman kung gaano kagusto nina Mommy at Daddy si Hendrix noong kami pa." "Ewan ko ba kasi sa iyong babae ka, lahat na lang ay sinasarili mo," naiinis na sabi nito. Alam ko namang nag-aalala lang siya sa akin. Alam niya lahat ng pinagdaanan ko noong kami pa ni Hendrix at saksi siya kung paano ako magmahal noon.  "Ano na ang balak mong gawin?" "Dito muna ako sa unit mo," mabilis kong sagot. "Paano ang parents mo? Alam ba ng parents mo na nandito ka?" tanong niya at umiling ako. "Hindi mo ba ipapaliwanag ang side mo kung bakit ka naglayas sa inyo?" "Para saan pa?" Nakatingin sa matang tanong ko sa kaniya.  "Jhoyce, magulang mo pa rin sila. Baka mag-alala sila sa iyo." "Ira, kaibigan mo ako. Hindi ba dapat sa akin ka kumampi?" Napatayo ako at lumayo sa kaniya. "Jhoyce, kaibigan kita pero hindi kita kukunsintihin sa ginawa mo. Oo, mali ang ginawa ng parents mo, pero may mali ka rin Jhoyce. Parehas lang kayong may tinago sa isa't isa, kaya parehas kayong nasasaktan ngayon." Napatigil kaming dalawa ni Ira nang marinig namin ang pag-ring ng cellphone niya. Kinuha niya ang cellphone at pinakita niya sa akin ang caller. Hindi na ako magtataka kung tumawag sa kaniya si Daddy para hanapin ako. Pinindot niya ang screen at itinapat sa tenga niya. "Hello, Tito Angelo? Napatawag po kayo?" sagot ni Ira.  "Si Jhoyce po?" Napatingin sa akin si Ira at bigla akong kinabahan. "Please, huwag mong sabihin na nandito ako," mahinang sabi ko sa kaniya. Tinignan niya ang screen ng cellphone at pinindot niya ang loud speaker para marinig ko ang pinag-uusapan nila. "What about her again, Tito?" tanong ni Ira. "Kasama mo ba siya?" pag-ulit na tanong ni Daddy. “Kanina pa kasi naman siya hinahanap ni Tita mo. Ang sabi ng mga maids ay dala niya ang bag niya paalis, hindi niya rin dinala ang kotse niya kaya nag-aalala na kami.” "Ira Mae Velasquez!" pagbabanta ko. Alam niyang kapag sinabi ko ang buo niyang pangalan ay seryoso na ako. Nakita ko ang pagbuka ng bibig niya at pagsabi ng katagang sorry bago niya iniwas ang tingin sa akin. "Yes, Tito. Kasama ko po siya." "Thank you! Sige papunta na kami ni Tita Patricia mo, pakisabi sa kaniya na huwag siyang umalis." I shook my head in disbelief. Hindi ko akalaing mas kakampihan niya sila Daddy.  Kinuha ko ang maleta at patakbo akong umalis sa condo unit ni Ira. Ayokong maabutan ako nina Daddy rito. Narinig ko pa ang pagtawag sa akin ni Ira, pero buo na ang desisyon kong umalis. Nakarating ako sa bar habang bitbit ang maleta ko. Wala na akong pakialam sa sasabihin ng ibang tao sa akin. Pumunta ako sa front bar at doon umupo. "Two glasses of tequila," diretsong sabi ko sa bartender. "You are here, again." Tinignan ko lang ito pero hindi ko siya sinagot.  Ano namang pakialam niya kung nandito ako? I'm here as a customer, hindi naman siya ang pinunta ko.  Nang mapansin niyang hindi ko siya pinansin ay kinuha niya na lang ang order ko. Mabilis kong tinungga ang isang glass ng tequila. Gumuhit ito sa aking lalamunan at parang bigla akong natamaan sa pag-inom ko na iyon. Lumapit sa akin ang isang lalaki para alalayan ako nang subukan kong tumayo mula sa pagkakaupo. Napahawak ako sa aking ulo at naramdaman ko na ang hilo, pero hindi pa rin ako nagpatinag. Tinulak ko ang lalaki na nakahawak sa bewang ko at kinuha 'yong isang glass ng tequila at 'saka ito ininom.  "Are you okay?" tanong ng bartender pero tinawanan ko lang siya. Naramdaman ko ang pag-ikot ng paligid ko. Napahinto lang ako nang makita ko ang isang lalaki sa hindi kalayuan na diretsong nakatingin sa akin. He caught my interest and I found myself approaching him. Kinuha ko ang glass ng wine sa isang waiter na dumaan. Napangiting tinignan ko ang lalaking nakaupo mag-isa sa isang VIP table. Nahihilo na ako pero napansin ko pa rin kung gaano ka-perfect ang build ng katawan niya. He's so attractive, kaya hindi na ako magtataka na lahat ng babae ay nakatingin sa kaniya. Naiiba lang ako kasi kaya ko siyang i-approach. Siguro ay dala na rin ng kalasingan. Napasinghap siya nang umupo ako sa lap niya. Napangisi pa ako nang maramdaman ko ang umbok niya. I was caressing his face like he is not a stranger to me. "What are you doing?" he murmured into my ears. Tumaas ang mga balahibo ko sa katawan at hindi ko mapigilang mapaungol.  "S-s**t!" Napatawa ako nang itulak niya ako sa sofa at 'saka siyang hindi makapaniwala na tumayo sa harapan ko.  "What? Why? Ayaw mo ba?" malanding tanong ko. Napailing siya at hindi makapaniwala sa sinabi ko. Bumaba ang tingin ko hanggang sa pantalon niya. Nang mapansin niyang nakatingin ako roon ay mabilis niya itong tinakpan ng kamay niya. "Who's with you?" Tumayo ako at lumapit sa kaniya.  "I'm with you," natatawang sagot ko.  "You're drunk." Tumango ako at pinasadahan ko ng kamay ang dibdib niya. Napatigil siya at alam kong nasasarapan na siya.  "W-Where's your phone?" nauutal na tanong nito. "At my pocket." Nakangusong turo ko sa bulsa sa kanang pantalon.   “Akin na.” "Kunin mo," utos ko sa kaniya. Napailing naman siya.  "Miss, lasing ka na. Hindi ka dapat nandito ng ikaw lang mag-isa." Napalayo ako sa kaniya at kinuha 'yong bote ng alak at 'saka umupo sa sofa. Tinungga ko ito at 'saka binalik sa lamesa. "Akala ko ba ito ang gusto niyong mga lalaki?" Napailing siya at lumapit sa akin. Inabot niya ang kaniyang kamay sa harapan ko. "Phone?" wika niya. Hindi na ako sumagot at kinuha 'yong phone ko sa bulsa at inabot. Nang kukunin niya na ay inilayo ko ito at hinila ang kurbata niya. Na-out of balance naman siya kaya napatumba siya sa akin at naglapat ang mga labi namin.  Unti-unti akong gumalaw at naramdaman ko na lang na tumutugon siya sa bawat halik ko. Hindi ko mapigilang ngumiti nang maangkin ang labi niya. I tasted a mixture of liquor and mint on his mouth. Bumaba ang mga halik niya hanggang sa leeg ko, pero napatigil siya nang bigla akong napaungol. "You need to go home, Miss." Nakita kong hawak niya na ang phone ko. Ang bilis naman. Inalalayan niya ako hanggang sa makarating kami sa isang kotse. Unti-unti nang lumalabo ang paningin ko, pero nakikita ko pa rin ang nangyayari sa paligid ko. He started to drive. Hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin, pero wala na akong pakialam. Naramdaman kong pinagpapawisan na ako at hindi na ako mapakali sa pwesto ko. "Ang init!" I exclaimed. May pinindot naman siya sa harapan ko at naramdaman ko ang malamig na hangin doon, pero kulang pa rin. "s**t!" he exclaimed nang mapansin niyang hinuhubad ko ang t-shirt na suot ko. Pinipigilan niya naman ako na huwag hubarin iyon, pero sobrang init talaga. "N-No, please." Itinabi niya ang sasakyan at wala na siyang nagawa nang maihubad ko na ang t-shirt ko. Napasinghap siya at hindi makapaniwala. Gusto kong tawanan ang reaction niya, pero sumasakit na ang ulo ko.  "f**k!" Napatingin ako sa kaniya at napanguso. "Why?" Nakita kong hinubad niya ang coat at pilit na inilalagay sa akin. Napatigil ako at napangiti nang mapansin na sobrang lapit ng mukha niya sa akin. Nagtama ang mata namin at napapikit ako nang mas lalo itong lumapit. Naramdaman ko muli ang paglapat ng labi niya sa labi ko. I kissed him back, but this time I felt nothing. Unti-unti kong naramdaman ang hilo hanggang sa tuluyan na akong mawalan ng malay. Nagising na lang ako nang marinig ang lakas ng pagbuhos ng tubig mula sa banyo. Mabilis akong napahawak sa ulo ko nang maramdaman ang sakit.  Ano bang nangyari? Dahan-dahan kong inikot ang paningin ko sa loob. Napasilip ako sa katawan ko sa ilalim ng kumot nang mapansin kong wala ako sa kuwarto ko. Iba na ang suot kong damit at hindi ko makita kung nasaan na 'yong damit na isinuot ko. Ito ang mahirap kapag nalalasing ako. Hindi ko matandaan kung ano ang nangyari sa akin. Para bang may ibang tao ang kumo-control sa akin. Nakita ko ang cellphone sa side table at napansin kong alas otso na ng umaga. Hinanap ko ang maleta ko at napansin kong nandoon sa gilid ng pinto. Napabangon ako nang marinig kong nawala na ang pagpatak ng mga tubig. Hindi niya puwedeng madatnan ako rito. Dahan-dahan kong kinuha ang mga gamit ko palabas ng unit na iyon. Nagmamadali akong lumabas sa hotel at napansin kong nakatingin ang mga tao sa akin. Alam kong magulo ang ayos ko, pero mas okay na kung hindi niya ako maabutan doon. Napansin ko rin ang mga missed calls na galing sa parents ko, kay Ira at kay Hendrix pagkabukas ko ng phone.  Napabuntong hininga ako nang makasakay na sa kotse. Nagpahatid ako sa condo unit ni Ira. Alam kong magagalit siya sa akin dahil tumakas ako kagabi sa kaniya. Pero siya na lang ang malalapitan ko, lalo na at gulong-gulo ako sa nangyari. Tinignan ko ang reflection ko sa salamin ng bintana ng kotse at nakita ko ang ibang damit na suot ko. Hindi ko alam kung sino 'yong kasama ko na nasa banyo at hindi ko alam kung may nangyari ba sa amin. Pero isa lang ang masasabi ko, I am f****d up.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD