Chapter 20 Suzy "That lone wolf is aiming for you," he said. Naguguluhan ko siyang tiningnan. "W-What?" tanong ko. "Why me?" Gusto ko sanang itanong kung dahil ba girlfriend niya ako pero alam ko sa sarili kong ibang usapan na 'to. "Before I tell you, pwede bang bumalik na muna tayo sa school. It is not safe here," aniya. "Kasama naman kita kaya magiging ayos lang ako," nakangising sambit ko. He rolled his eyes. "Suzy, please, not now." Itinaas ko ang dalawa kong kamay tanda ng pagsuko. "Okay, okay, come on!" Sabay kaming bumalik sa school at saka napiling mag-usap sa canteen. Iyon na lang kasi ang bukas sa mga oras na 'to. Sarado na tiyak ang library at paniguradong magsisigawan na naman kami nito mamaya. "So, tell me, bakit ako?" "Dahil nalaman niyang anak ka ni Cholo at apo ni