Matamlay ako buong araw ng duty ko rito sa Lopez Medical Hospital. Wala naman akong sakit na nararamdaman sa aking katawan pero parang may nararamdaman akong kirot dito sa bandang dibdib ko. Ewan ko kung bakit. Ayaw ko naman itong alamin dahil baka tama ako sa hinala ko. Na baka kinain ko nga ang lahat ng sinabi ko ng araw na iyon kay Dr. Lopez. Pero hahayaan ko bang mangyari iyon sa akin? Ayaw kong matulad sa mga babae na na-link sa kanya na hanggang ngayon ay naghahabol at umaamot ng konting pansin para lang mapansin niya. Hindi ako papayag na maging katulad nila ako. Kaya habang maaga pa ay papatayin ko na ang kung anomang damdamin na umuusbong dito sa aking dibdib. Ako ang kawawa sa huli na siyang lagi kong pinapaalala sa aking sarili. Inalis ko sa isip ko si Dr. Lopez. Pinilit kon